Battle 42: Pageant Night

1.2K 26 29
                                    


BATTLE 42


Dwican's POV


"Sir Dwican kelangan na po namin siya maayusan sabi ni Ms. Selene."


"Sige ako na bahala kumausap sakanya."


"Sige po sir."


Tumabi ako kay Mhadz na hanggang ngayon ay nakabusangot pa din at ayaw magpaayos ng buhok at make up niya. Pano ba naman kasi, nag announce si Mr. Black kahapon na cancelled daw yung School Festival na dapat ginanap kanina. May pinagawa kasi si Mr. Black sa top 10 gangs kaninang maguumaga saamin kaya kokonti lang ang estudyanteng galing Gannon Smith University kanina. Mga tanghali na din kasi kami nakaalis sa Black Market kaya kahit sila Mhadz ang magaasikaso ng School Festival, kukulangin pa din ang mga estudyante. Ayun nainis yung mga babae lalo na si Mhadz kasi may mga nakaplano na daw silang gagawin tulad nung mga booth na ilalagay. Sabi naman ni Ms. Rose, irereschedule na lang daw yung School Festival sa balikan. Malapit na din kasi mag christmas vacation. Akalain mo yun ang bilis talaga ng panahon. Parang kelan lang, nasabihan ko ng Crazy Jeje Girl si Mhadz tas ngayon nililigawan ko na hahahaha wala eh hirap talaga pag nahulog ka ng di mo inaasahan.


"Uy Mhadz wag ka na bumusangot diyan."


"..."


"Eto oh dinalhan kita ng paborito mong strawberries at chocolates."


"..."


"Smile ka na please?"


"..."


"Sige kung ayaw mo ngumiti, puntahan mo na lang yung magaayos sayo kasi kelangan mo na daw maayusan sabi ni Reese---"


"EH KASI NAMAN HUHUHUHU SAYANG NUNG MGA PLINANO NAMIN PARA SA SCHOOL FESTIVAL!"


Natawa ako nung humarap saakin si Mhadz at kinuha yung basket na may chocolates at strawberries sabay biglang ngumawa hahahaha ang cute talaga ng soon to be girlfriend ko! Kahit isip bata to, mahal na mahal ko to. Niyakap ko na lang si Mhadz at hinalikan sa noo para matigil siya sa pag ngawa pft.


"Shhh tahan na baby ko. Sabi naman ni Ms. Rose ireresched na lang daw diba?"


"Alam ko naman yun eh! Pero huhuhuhu bat kelangan icancel?!"


Kasi may pinagawa si Mr. Black saamin kanina.


"Di ko alam baby ko. Pero tahan na okay? Basta magpaayos ka na dun kasi tatlong oras na lang pageant night na."


"Hayst oo na! Magpaayos ka na din! Tsaka galingan natin ah! Kelangan tayo ang manalo."


Di naman talaga dapat ako kasali sa Pageant Night na to pero eto kasing tarantadong Coen, nag volunteer na siya na lang daw kapartner ni Mhadz. At shempre di ako papayag na siya ang maging partner ni Mhadz kaya ako na lang ang nag volunteer kahit ayaw ko naman talaga. Yung sa talent portion nga, sing and dance ang gagawin namin. Nakapag practice na din kami ni Mhadz at ayoko talaga sa mga ganito pero kelangan. Joining in this kind of contest is not my thing but I'm willing to do it for my love. For my Madelyn. Kesa si Coen ang kasama niyang sasayaw. Baka makapatay ako -_-

Mafia High Vs. Gangster University (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon