BATTLE 10
Raemar's POV
Pabalik pa lang kami ni Dwican ng school. May pinapamanmanan kasi si Mr. Black saamin. Siguro nagtataka kayo kung bakit kaming dalawa lang ni Dwican? Aba hindi ko rin alam. Basta utos ni Mr. Black, wag daw isabi sa tatlo pang ugok. Yun na yon.
"Hoy Ford tama na ang pagmuni muni. Tara na! Baka nakabalik na sila Glenn at Christian dun."
"Oo na tss. Ay oo nga noh? Baka nagaano na sila! Tara bilis! Yung camera na kay Rence!"
Nang makapasok na kami sa school, dali dali kaming pumunta sa tambayan namin at bago pumasok, dinikit na muna namin ni Dwican yung tenga namin sa pinto. Ang sweet kaya ni Glenn at Christian kanina hahaha nagbabaklaan ang mga gago.
"Himala, ang tahimik. Baka wala pa yung dalawang gagong nagmamahalan." –Dwican
"Edi pumasok na tayo. Panigurado si Rence tulog kaya tahimik."
Binuksan ko na yung pinto pero nagulat ako sa nadatnan ko. Nagulat KAMI ni Dwican. Si Rence tulog pa rin pero hawak hawak ang phone niya habang natutulog. Usually iniiwan niya lang ang phone niyan kung saan saan eh. Si Glenn naman, ayun nakaupo sa la mesa kung saan kami naglaro kanina ng pusoy dos at nakangiti na parang asong ulul habang may inaamoy na color baby blue na panyo. Si Christian naman, nakaupo sa harapan ng computer table. Tulala at halata mong balisa habang nakahawak sa pisngi niya maya't maya hahawak sa dibdib niya at iiling. Ano bang mga problema ng mga gagong to?
"Hoy Glenn! Pati panyo pinagiinteresan mo! Kanino ba yan? May rugby ba yan at kung makahithit ka, wagas tapos nakangiti ka pa!" –Dwican
"Ikaw ba Christian? Hahawak hawak ka sa pisngi mo sabay hahawak ka sa dibdib mo tapos iiling. May masakit ba sayo?"
Mukhang hindi ako narinig ni Christian -_- Malapitan nga.
"HOY CHRISTIAN!"
"AY MARIELA!"
Mariela? Sino yan?
"Tangina Raemar makagulat! Uso kasi mantawag ng maayos! Hindi yung manghahawak ka pa sa balikat at manggulat!"
"Lul kanina pa kaya kita tinatawag. Tinatanong kita kung may masakit ba sayo kasi para kang tanga diyan eh. At tsaka sino si Mariela? Ikaw ah di mo man lang pinapakilala saamin."
"Ulul! Wala ka na dun! Anong Mariela ka diyan?"
"Kakasabi mo lang ng pangalan niya kanina. Sino ba yan?"
"Wala wala! Tss."
Ay hahaha nagwalk out. Pikon! Liningon ko si Dwican at Glenn.
BINABASA MO ANG
Mafia High Vs. Gangster University (ON-GOING)
ActionTwo different schools. Two different worlds. What will happen if these two worlds... collide?