BATTLE 39
Mieko's POV
Pag pasok ko sa headquarters namin, tumayo ang mga Head and Tails ng grupo namin at nagbow saakin maliban kay Sumire na nakaupo pa din. Dumiretso lang ako sa upuan ko at tiningnan ang Sato Brothers na nakabow saakin maliban kay Satoshi na ngiting ngiti. Inirapan ko siya pero ngumisi lang ang gago. Di niya ba alam na kinikilig ako sa mga ngiti niya?!
"Late ka na naman Mieko."
Kahit kelan talaga panira tong si Sumire eh.
"Of course. I'm the boss and you can't do anything about it."
Totoo naman. Ako ang pinaka boss ng The Assassins at walang makakapigil sa gusto ko o gagawin ko kahit siya pa na boss ng Tails o si Takahashi pa yan na boss ng Heads.
"And so? Baka nakakalimutan mo na ako ang boss ng Tails pero di naman ako nalalate. Paspecial ka kasi masyado---"
Tiningnan ko ng masama si Sumire at binagsak ang kamay ko sa mesa. Pake niya ba kung late ako? Kung di ko lang talaga napapakinabangan to, matagal ko na tong nadispatsya.
"Shut it Sumire. Simulan na nga lang natin ang meeting. Dami mo pang sinasabi eh." -Takahashi
Serves you right bitch. Si Takahashi lang naman ang nakakapag patahimik sakanya. As I've said kanina, he's the boss of the Heads. At takot sakanya si Sumire. Kahit kating kati na ko pag babatuhin ng shuriken at kunai si Sumire, pinipigilan ko pa din ang sarili ko. Kelangan ko ang Heads at Tails kaya tinitiis ko ang ugali ni Sumire.
"Tch." -Sumire
"Calm down Mie." -Satoshi
Tinanguan ko lang ang gago at umupo sa pwesto ko habang pinipigilan ang kilig ko. Pano ba naman kasi eh ngiting ngiti na naman siya! Di to ang tamang oras para landiin niya ako noh.
"So we have multiple agendas for this meeting. Unahin muna natin yung sa alliance kuno ng The Assassins sa mga mafia bitches. Sumire, I thought everything was clear? Diba sabi ko sasakyan natin ang alliance na hinihiling ni Rose Ashford? Bat biglang umayaw ang Tails? Lahat na Heads sumangayon na sa alliance kuno. Sabay aatras kayo?"
"I have the right to decide in behalf of the Tails. After all, I'm the boss of the Tails." -Sumire
Tiningnan ko naman sila Tsubaki, Momo at Ume. Ang apat pang myembro ng Tails. Mukhang pati sila ay payag sa desisyon ni Sumire.
"Wala akong pakialam kung ikaw ang boss ng Tails. Ang sinasabi ko dito ay bakit bigla kayong umatras sa kagustuhan ni Rose. Akala ko ba napagusapan na natin to? May nakalaan na tayong plano para dito."
"Well, nagbago ang isip ko Mieko. She wants war. Mafias and Assassins vs. Gangsters? Nagpapatawa ba siya?"
BINABASA MO ANG
Mafia High Vs. Gangster University (ON-GOING)
ActionTwo different schools. Two different worlds. What will happen if these two worlds... collide?
