Battle 21: New Mission

1.7K 67 5
                                    


BATTLE 21


Mariela's POV


Pagkatapos namin bisitahin ang boys, dumiretso kami dito sa student council building namin kasama sila Ella at Krystal. Inexcuse kami ni Ms. President for the whole day sabi nila Dr. Milton at Dr. Watson. Di ko alam kung bakit kami pinaexcuse ni Ms. President. Urgent daw. Gusto ko pa naman sana maexperience yung first day of classes bilang isang normal na estudyante. May binigay palang lipstick saakin sila doktora galing daw kay Ms. President bago kami lumabas ng clinic. Iabot ko daw kay Reese. Ako kaclose nila kasi nung nasa Maffet Ashford High pa kami, halos palagi din akong nasa clinic tapos tinutulungan ko sila doktora sa medical potions at antidotes na gawa ko. Minsan si Ice kasama ko rin kasi may mga naiimbento rin siyang medical gadgets kaya parang tandem kami hihi mas marami pa kayong maeencounter na gadgets and such made by me and Ice.


"Reese girl pinapabigay nila Ateng Nurse galing daw kay Ms. President."


"Lipstick? For what naman daw ba yan Mariela girl--- ay wait I think I know na. Tara sa room ko girls." –Reese


Sumunod na kami sa kwarto ni Reese and as expected, may mga security boxes and vaults si Reese girl sa kwarto niya. Siya kasi ang in charge sa mga importante at confidential na secret files ng Ashford Mafia Family. May fingerprint and voice-activated vaults din dito. At may isa kaming napakaspecial na vault na kaming pito lang ang makakabukas. Once na ibang tao ang magtangkang humawak sa vault na yun, the human's inter-skeletal cartilage will dissolve causing the person's body frame to go completely limp for the rest of his life. Why? It is because of the "Furux". A poison made by me and Ice activated it on that special vault. Kaming pito lang ang hindi maapektuhan ng Furux once na humawak kami sa special vault na yun. Thanks to Ice. Anyway, umupo na si Reese sa harapan ng computer niya at binigay kay Ice at pinasuri yung lipstick.


"Hindi to lipstick girls. It's a flash drive." –Ice


"Chezka naka-on ba lahat na CCTV natin from this building? Baka may biglang pumasok." –Mhadz


"Nope. I'll be back." –Chezka


Lumabas na si Chezka at pumunta ng kwarto niya. Siya ang incharge sa mga CCTV dito sa student council building namin. Remember, siya ang computer genius slash hacker namin. May mga CCTV din dito na di nakikita. Thanks again to Ice's ID. (a/n: ID = Invisible Drop. Check chapter 1.) Hinintay muna namin na makabalik si Chezka at binuksan na namin ang laman ng flash drive.


"H-hey check this out girls. Assassin's hideouts? Assassin's hacked bank accounts?" –Reese


Wait what?! Assassin?!


"Matagal na silang wala ah? Inactive na sila. How come?"


"True Mariela. Hideouts? May mahigit na 15 hideouts sila dito sa Philippines at may mga mahigit 50 hideouts pa sila sa buong Asia?!" –Mhadz


"Mhadz speaking of assassins, may kelangan kayo malaman." –Ella


Mafia High Vs. Gangster University (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon