Battle 8: Crossed Paths

3.2K 114 6
                                    


BATTLE 8


Christian's POV


Yo sup! Christian Lee is the name. Ang pinakapoging koreanong pilipino sa Gannon Smith University. Wala daw kaming mga teacher ngayon umaga so irregular classes kami oh yeah! Kaya nandito kami ngayon sa student council room aka tambayan namin. Parang bahay na rin namin to eh. Pero may napapansin ako. Tiningnan ko si Glenn na katabi ko lang sa sofa at nakita kong may katext siya. Scratch that. KALANDIAN pala. Ganyan naman yang mga yan--- ehem nagsalita ang hindi malandi. Pano eh di naman ganyan dati si Glenn. Palagi siyang naka bored-look pag katext niya yung mga kalandian niya. Minsan nga naiinis pa yan sa mga kalandian niya kasi ang kukulit daw sa text. Pero ngayon, nakangiti siya at maya maya sisimangot kasi mukhang hinihintay yung reply na akala mo isang oras na ang lumipas, wala pang reply. Makasimangot kasi. Tapos ngingiti na naman na parang asong ulul at tutok na tutok sa katext niya. Hmm sino kaya katext niyan? Baka yung nakasama niya sa bar kagabi? Pagkatapos kasi ng meeting sa underground, dumiretso kami sa bar para mag wind up. Nakakastress kasi talaga yang kaso ni Blake Blacer Forte -_-


"Hoy Christian anong tinitingin tingin mo diyan?!"


"Wala. Para ka kasing asong ulol na nakangiti. Kung di ko lang nakita na may katext ka, iisipin ko na nabaliw ka na ng tuluyan. Ngumingiti magisa. Sisimangot tapos ngingiti na naman! Kelangan mo na siguro ng psychiatrist tol."


"Selos ka na naman Bebe Lee? Don't worry magququality time tayo mamaya."


Nandiri naman ako sa sinabi ni Glenn at sa pagkindat niya. Pwe! Nakikinig pala sila Raemar, Dwican at Rence kaya naghagalpakan yung tatlo pang mga sira ulo.


"Pakyu! Mag isa ka!"


Sabay pinakyuhan ko. Teka teka--- tumawa si Rence?! O baka namamalikmata lang ako? Pero taena tumawa talaga siya kanina! Para maconfirm, sinilip ko si Rence naglalaro ng pusoy dos kasama si Dwican at Raemar sa mini table naming na pwedeng laruan ng chess, cards, game of the generals, etc. Shit! Hindi nga talaga ako namamalikmata. Ngumiti si Rence! Or should I say, ngumiti na naman si Rence! Kagabi pa to sa parking lot ng bar eh! Nakakapanibago mga tsong!


"Psst Glenn."


"Ah shit bat ang tagal magreply?!"


Siniko ko naman si Glenn kasi tutok na tutok talaga siya sa katext niya.


"Petengene kinikilig ako kay Ice--- tangna naman bebe Lee makasiko! Ang sakit nun ah!"


"Aww nagseselos na kasi ako babe."


Ngumuso ako at mas naghagalpakan naman sila Dwican, Raemar at Rence nung nakita nila ang reaksyon ni Glenn sa sinabi ko. Siya kasi eh sinakyan ko lang naman siya.


"Hahahaha the Chrisglenn ship is sailing!" -Dwican


"Pustahan tayo sa sogo ang diretso ng dalawa mamaya hahahaha!" -Raemar


"Ninong kami pfft." -Rence

Mafia High Vs. Gangster University (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon