MY IMAGINARY BOYFRIEND
written by: heartless_scarsMIB1
KADEN'S POV
Agad akong napangiti nang pagmulat ko ng mga mata ay bumungad na sa akin ang gwapong-gwapong mukha ng boyfriend ko. Bagong ligo ito at naaamoy ko pa ang sabon at aftershave na ginamit nito.
"Good morning sleepyhead, gising na tanghali na. Maglilibot tayo diba? Hindi na masarap maglibot dito sa Hacienda kapag mainit na." Nakangiting ani nito sa akin at hinalikan ako sa noo.
Mumukat-mukat pa ang matang bumangon ako at agad na yumakap dito.
Shocks! Ang bango talaga ng Adonis ko!
"Baby?" malambing na pagtawag ko dito at umupo ako sa lap nito.
"Hmm?" tanong nito at sinuklay-suklay ang buhok ko.
"Paliguan mo 'ko."
"P-papaliguan k-kita? S-sigurado ka ba Baby?"
Napahalakhak ako sa reaksyon ng mukha nito. Agad akong umalis sa kandungan nito at tumatawang nagtatakbo ng banyo.
"Aba pilya ka ha! Kadennn!"
Napahagikhik ako nang makita kong nasa harapan ko na ito.
Nakakagat-labi at dahan-dahan kong hinubad ang lingerie na suot ko habang nang-aakit akong nakatitig dito.
Wala na itong inaksayang panahon, tinawid nito ang pagitan namin at mapusok akong hinalikan.
Gaganti na sana ako nang halik nang biglang may tumama sa akin na isang matigas na bagay.
"Punyeta ka talagang bata ka! Kanina pa akong tawag nang tawag dito! Ang aga-aga nag-iimagine kana naman ng kung ano-ano! "
Napanguso na lang ako nang marinig ko ang galit na boses ni mama. Kahit kailan talaga panira, nandoon na eh nagkikiss na.
Hayyss sayang.
"Ano?! Hindi ka parin kikilos riyan?! Tanghali na! Wala ka nang aabutan sa palengke! "
Napabalikwas ako ng tayo at agad na nagtatakbo palabas ng bahay nang makita kong babatuhin na naman ako ni mama ng sandok.
Narinig ko pa ang malakas na pagtawa ng kapatid ko.
"HAHAHA ate mukha kang tanga kanina nakanguso ka pa. Kadire ka ate. Iniimagine mo na nagkikiss kayo nung imaginary boyfriend mo noh?" nang-aasar pang ani nito sa akin.
"Tigilan mo 'ko Elizabeth! Masasakal kita!"
"Wag kana kasing umasa ate. Kahit ilang boyfriend pa ang iimagine mo, in reality, hindi ka pa rin magkakajowa!"
"Pasmado talaga 'yang bibig mo makakatikim ka sa'kin! "
Akmang hahabulin ko pa ito para kurutin sana sa singit pero narinig ko na naman ang galit na sigaw ni mama kung kaya't lakad takbo ko nang tinungo ang palengke.
Araw-araw ay sa ganito umiikot ang mundo ko.
Sa pag-iimagine ng kung ano-ano. Sa lawak ng imahinasyon ko ay kung saan-saan na rin kami nakarating na bansa ng imaginary boyfriend ko.
Sana all diba?
Pero sabi nga nila, wala namang masamang mangarap. Libre lang mangarap.
Who knows diba?
Baka sa kakaimagine ko doon ko pala matatagpuan ang aking the one.
KLIO'S POV
"Seriously, mom?! Ipapadala mo 'ko sa Pinas?! Mom naman!" Inis na reklamo ko kay mommy nang nalaman ko ang plano nito.
"Final na ang desisyon ko Klio! End of conversation!" malakas ang boses na ani nito at tinalikuran na ako.
Wtf! Ang dami namang bansa bakit sa Pinas pa?
Napasabunot ako sa buhok ko at inis na umupo sa couch. Kilala ko si mom, once na nakapag-decide na ito, hindi mo na mababago
Simula noong mangyari iyon ay naging allergic na ako sa mga babae.
Hindi ko kayang makipaglapit sa kanila. Galit na galit ako sa kanila.
Tanging si mommy at ang bestfriend kong si Sky lang ang nakakalapit sa akin.
Sila lang ang pinagkakatiwalaan ko.
"Mom, hindi na ba talaga magbabago ang desisyon mo? I want to stay here, with you, with dad."
"Son, listen to me, I am doing this for you. You have to face the reality anak. It's been years. Harapin mo na siya. Isa pa, pinagbayaran na niya lahat ng ginawa niya sayo. And, open your heart, anak. Hindi lahat ng babae kagaya niya. Darating ang araw na matatagpuan mo rin ang babaeng tunay na makapagpapasaya sayo" mahabang litanya ni mommy
Humigpit ang pagkakahawak ko sa baso nang maalala ko ang nangyari.
"Psh! I don't need a woman in my life Mom. I can live my life alone! "
Matapos kong sabihin iyon ay padabog na akong tumayo at tinungo ang sariling kwarto.
I will never fall in love with a woman!
Never.
I hate them.
![](https://img.wattpad.com/cover/268961663-288-k656946.jpg)
BINABASA MO ANG
𝗠𝘆 𝗜𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗮𝗿𝘆 𝗕𝗼𝘆𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱 (Completed)
RomanceHave you ever tried to have an imaginary boyfriend? Meet Kaden Louise De Guzman, ang babaeng wala nang ibang ginawa kundi ang mag-imagine ng about sa love life niya. Pero paano kung ang lalaking binuo nito sa imahinasyon nito ay nag-eexist pala sa...