MY IMAGINARY BOYFRIEND
written by: heartless_scars
MIB13
YSA'S POV
"Kyro, where are you?! Anong oras na?! malelate na tayo sa meeting" inis na bungad ko kay Kyro nang sagutin nito ang tawag.
"I'm on my way. I'll be there in a minute." sagot nito na mas ikinairita ko. Kaninang-kanina ko pa siyang hinihintay. Pakiramdam ko ay nalusaw na sa mukha ko ang make-up na inilagay ko kanina.
Pinagmasdan ko ang kabuuan ko sa salamin. Nakasuot ako ng Red halter dress at kulay itim na stilletos. Hakab na hakab sa katawan ko ang suot kong dress. Litaw na litaw din ang mapuputi at mayaman kong dibdib. Sinadya kong gawin ito, alam na alam ko kasi ang kahinaan ni Klio. Sinigurado ko talaga na magmumukha akong maganda at kaakit-akit sa paningin nito. Batid ko kasi na pupunta rin ito kasama ang fiancee nito. Sisiguraduhin kong makukuha ko ang buong atensyon nito. Minsan ko na rin siyang nakuha at hindi na mahirap para sa akin na kunin siyang muli.
Napangiti ako nang marinig ko ang pagtigil ng isang sasakyan. Ilang saglit pa ay narinig ko na ang pagtawag ni Kyro mula sa ibaba. Muli kong pinagmasdan ang repleksyon ko sa salamin. Napangiti ako, You will be mine again Klio. I'll assure you, you can't resist me. No one can say 'No' to Ysa Eunice Montereal...
KLIO'S POV
Kanina ko pang palihim na pinagmamasdan si Kaden. Bagay na bagay dito ang suot nitong blue tight skirt at kulay puting crop top na tinernohan ng kulay itim na boots. Hinayaan lang nitong nakaladlad ang mahaba at alon-alon nitong buhok na ngayon ay nililipad ng hangin. Hinayaan ko kasing nakabukas ang bintana dahil na rin sa kahilingan nito. Nasusuka daw kasi ito sa amoy ng aircon. Psh! ang wierd niya talaga.
Manaka-naka rin ay sumasabay ito sa tugtog sa nakabukas na stereo. Natatawa pa ako dahil malimit na mali-mali rin ang lyrics nito.
Halos kalahating oras din ang itinagal ng biyahe namin bago kami nakarating sa Cheng Corporation. Sa kumpanyang pag-aari ni Mr. Cheng namin napagkasunduan na ganapin ang meeting. Pagkapasok pa lang ng kumpanya ay dumiretso na kami sa opisina nito.
"Mr. Monteverde!" masiglang pagbati sa akin ni Mr. Cheng nang makita kami nito.
"Ohh, kasama mo pala ang napakaganda mong fiancee" ngiting-ngiti pang dugtong nito na ang paningin ay na kay Kaden. Hinapit ko ito sa bewang at bahagyang pinisil iyon. Naramdaman ko ang bahagyang pagpitlag nito. Muntik na akong matawa sa naging reaksyon nito.
"Greet him" mahinang bulong ko sa tenga nito. Agad naman itong tumalima sa sinabi ko.
"Magandang araw po Mr. Chen. Kamusta po kayo? Ako po, ito, cute parin hehe" masiglang ani nito na ikinatawa ni Mr. Chen.
"Napakaswerte mo talaga dito sa fiancee mo no, Mr. Monteverde. Bibihira na ang mga katulad niya." pamumuri pa ni, Mr. Cheng.
"Sinabi mo pa Mr. Cheng. I am so lucky to have her. Right baby?" malambing na ani ko at hinapit ko pa itong papalapit sa akin at hinalikan ito sa pisngi. Kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi nito kung kaya't naisip kong mas asarin pa ito.
"Iloveyou baby" bulong ko pa sa tenga nito na mas ikinapula ng magkabilang pisngi nito. Muntik na akong mapahagalpak ng tawa ng maramdaman ko ang marahang pagsiko nito sa tagiliran ko habang pilit na ang pagkakangiti kay Mr. Cheng.
"Mr Cheng!" agad na napalis ang pagkakangiti ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.
"Hey, Ysa! Darling, how are you?" masiglang bati ni Mr. Cheng sa mga bagong dating.
"Of course Mr. Cheng, still pretty and hot!" sagot naman ni Ysa na sinabayan pa ng malakas na pagtawa.
"Ang kapal, nagbubuhat ng sariling bangko hindi man lang hintayin na purihin siya." bulong naman ng katabi ko na ikinatawa ko. Napailing na lang ako. Kahit kelan talaga to walang preno ang bibig.
BINABASA MO ANG
𝗠𝘆 𝗜𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗮𝗿𝘆 𝗕𝗼𝘆𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱 (Completed)
Любовные романыHave you ever tried to have an imaginary boyfriend? Meet Kaden Louise De Guzman, ang babaeng wala nang ibang ginawa kundi ang mag-imagine ng about sa love life niya. Pero paano kung ang lalaking binuo nito sa imahinasyon nito ay nag-eexist pala sa...
