MY IMAGINARY BOYFRIEND
written by: heartless_scars
MIB10
YSA'S POV
Kanina pa akong nag-ngingitngit sa inis. Kanina ko pa silang pinagmamasdan. Nabubwisit talaga ako dun sa babaeng kasama ni Klio. Pwe! Kahit anong bihis niya hindi parin maitatago yung pagiging squatter niya. Naalala ko pa noong unang beses na ipinakilala ito sa akin ni Klio bilang fiancee nito. Hindi parin talaga ako makapaniwala na ipagpapalit niya ako sa isang ganong kababang babae lang. Ilang ulit man siyang bihisan at suotan ng mamahaling alahas, hinding-hindi parin niya ako mapapantayan.
Hindi ako makapapayag na mapunta si Klio sa iba. Walang ibang babae na nararapat sa kanya, ako lang! Oo, nasaktan ko si Klio noong iniwan ko siya at pinili kong sumama kay Kyro, pero may mabigat na dahilan ako kung bakit nagawa ko yun.
Bumabagsak na ang kumpanya na pag-aari ng pamilya ko noon at ang tanging makakapag-salba lang ay ang kumpanya ng mga Saavedra. Alam ko noon pa man na malaki na ang gusto sa akin ni Kyro kung kaya't ginamit ko ito para maisalba ang pinaghirapan ng pamilya ko.
I love Klio. I do love him. Kaya gagawin ko ang lahat para mabawi siya. Sa'kin naman siya talaga. Babawiin ko kung ano yung akin. Akin lang si Klio! Akin lang!
Nakaisip ako ng plano kung kaya't agad kong tinawagan ito para puntahan ako. I know that he still into me. The way he look at me, I know, still me.
Ilang saglit lang matapos ko itong tawagan ay nakita ko na itong papalapit sa kinaroroonan ko. See? Hindi niya parin ako matiis. Nagawa niyang iwan ang babaeng 'yon para sakin. Napangiti ako, the drama will begin.
"Klio! Klio buti dumating ka! buti pinuntahan mo 'ko" kunwaring naiiyak na ani ko at sinalubong ko ito nang yakap.
"What happened?" tila walang ganang tanong nito sa akin at pilit na inaalis ang pagkakayakap ko dito.
"Naglalakad-lakad lang ako para magpahangin pero natisod ako. Ang sakit nang paa ko, hindi ko mailakad ng ayos. Hindi tuloy ako makabalik sa loob, baka hinahanap na ako nina Daddy" pagdadahilan ko.
"Exactly Ysa! bakit kelangang ako pa ang tawagan mo kung pwede namang si Kyro oh di kaya ay ang Daddy mo? Now, tell me, nagpaplano ka na naman bang gaguhin ako?" nagpipigil ng galit na ani nito sa akin at marahas na inalis ang mga braso ko na nakayakap sa leeg nito.
Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Nangingilid ang luha na tinitigan ko ito.
"Klio, I want you back. Please sa'kin kana lang ulit. Klio, I still love you!" naiiyak na pagmamakaawa ko dito. Alam kong galit lang siya pero nasa akin parin ang puso niya.
"HAHA YSA! You're trying to make me laugh huh, but let me tell you this, you're not good at jokes."
"No Klio, I'm serious! I want you back. I will do everything Klio just please, bumalik kana sa'kin. Klio, kahit hindi mo aminin alam ko na ako parin ang laman ng puso mo!" natigilan ito sa sinabi ko kung kaya't sinamantala ko ang pagkakataon.
Sinapo ko ang mukha nito at mariin itong hinalikan sa labi. Naramdaman ko ang marahas na paghapit nito sa bewang ko at ang mariing pagtugon nito sa halik ko. Ramdam na ramdam ko ang galit. Nasasaktan ako sa paraan ng paghalik niya. Tumulo ang luha sa mga mata ko. I'm wrong, hindi na siya yung dating Klio na minahal ko. Pero hindi parin ako susuko, kahit ilang beses niya akong ipagtulakan palayo...babawiin at babawiin ko parin siya.
KADEN'S POV
Grrr! Nasan na ba kasi ang lalaking yun! Saglit lang daw pero mag-iisang oras na wala parin. Naiiyak na ako, naiilang na rin ako sa kung paano ako tingnan ng mga lalaki dito.
Nagpasya akong maglakad-lakad para hanapin kung saang lupalop naroon si Adonis.
Namangha ako sa ganda ng ayos sa labas. Pati na rin ang sariwang hangin na tumatama sa balat ko ay nakakarelax. May namataan akong alitaptap kung kaya't hinubad ko ang suot kong heels at sinimulang habulin ito. Napadpad ako sa tila isang maliit na gazebo. Masyado akong naaliw sa paghahabol sa alitaptap kaya hindi ko na namalayan na medyo napalayo na pala ako. Naalala ko si Adonis baka nakabalik na ito at hinahanap na ako. Sigurado ako na uusok na naman ilong non sa galit kapag hindi ako naabutan.
Tatalikod na sana ako nang may makaagaw ng pansin ko. Nakaramdam ako nang panghihina at agad na naglandas ang luha sa mga mata ko.
Akala ko importante ang aasikasuhin niya iyon pala iniwan ako para makipagtsuktsakan sa ibang babae.
Para saan ba at isinama niya ako dito? Umiiyak na naglakad na akong pabalik sa loob. Pagkapasok ko ay namataan ko ang mga nakadisplay na na alak sa isa sa mga mesang naroroon. Kinuha ko ang isa sa mga ito at walang sabi-sabing tinungga ko iyon. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan ako. Wala silang pakialam. Ang alam ko lang, sobra-sobra akong nasasaktan.
KLIO'S POV
"Klio, tama na please, nasasaktan ako" rinig kong pakikiusap sa akin ni Ysa pero hindi ko ito pinakinggan at ipinagpatuloy ko lang ginagawa.
Mas hinapit ko pa ito sa bewang at marahas itong hinalikan. Bumaba ang halik ko sa leeg nito at wala akong pakialam kung nasasaktan man ito sa paraan ng pag-halik ko.
"Klio, tama na!" malakas na sigaw nito nang marahas na hinawakan ko ang magkabilang dibdib nito.
"What?! Eto 'yong gusto mo diba?! Ibinibigay ko lang! Bakit Ysa, nakukulangan ka ba kay Kyro kaya hinahanap mo 'yong sa'kin?" nang-uuyam na ani ko dito.
"Bastos! You change a lot Klio, hindi na ikaw yung Klio na nakilala at minahal ko." umiiyak na ani nito na ikinatawa ko. Hinawakan ko ito sa braso at puno ng galit ang matang tinitigan ko ito.
"You made me like this Ysa. You made me like this." puno ng galit na ani ko dito. Pagkasabi ko noon ay tinalikuran ko na ito.
"And one more thing Ysa, kung noon ay hinayaan kitang gaguhin ako, ngayon, hinding-hindi mo na ako magagago." galit na dagdag ko pa at iniwan na ito.
Sariwa pa rin sa akin ang lahat ng ginawa nito ilang taon na ang nakakaraan.
Fuck! malakas na napamura ako nang maalala ko si Miss palengkera. May kasama nga pala ako shit!
Agad kong pinuntahan ito pero agad na nag-init din ang ulo nang hindi ko ito maabutan sa pwestong pinag-iwanan ko dito kanina. Psh! nasan na naman kaya ang babaeng 'yon. Napaka-pasaway talaga.
"Shit! Saan naman kaya nag-suot ang babaeng iyon" napapasabunot sa buhok na ani ko. Halos nalibot ko na ang buong lugar pero hindi ko parin ito makita.
Nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay nakita ko rin ito. Nakasubsob ang mukha nito sa mesa kung saan nakalagay ang mga alak. Ilang basyo rin ng alak ang nagkalat sa harapan nito. Psh! Nag-inom ba ito?
Nag-init ang ulo ko nang may isang lalaking lumapit dito at bahagya pa itong hinaplos sa braso. Mas binilisan ko pa ang paglalakad para marating agad ang kinaroroonan nito pero dahil sa dami ng tao ay nahirapan akong makalapit dito. Kumuyom ang kamao ko nang makita kong bahagya pang inilapit nung lalaki ang mukha nito kay miss palengkera.
"Leave my girl alone! And who the hell permit you to touch her?! Fuck you!" galit na galit na ani ko kasabay ng pagtama ng kamao ko sa mukha nito. Nakita ko pa ang pagdurugo ng ilong nito at ang pagbagsak nito sa sahig.
Agad kong dinaluhan si miss palengkera at binuhat itong papalabas sa lugar na iyon.
Marahan ko itong ipinasok sa loob ng sasakyan. Iniaayos ko ang tayo nito nang bigla nitong hawakan ang magkabilang pisngi ko. Napailing pa ako nang makita kong nakapaa na lang ito. Psh! Kahit kelan talaga!
"K-klio..." rinig kong pagtawag nito sa pangalan ko. Napatitig ako sa maamong mukha nito.
"K-klio hik b-bakit ka g-ganyan? B-bakit mo hik ba a-ako sinasaktan ng g-ganito? hik s-sabihin mo nga s-sakin, h-hindi ba t-talaga ako hik ka-ghosto- ghosto? hik" ani nito sa akin habang ang mga kamay nito ay patuloy ang paghaplos sa mukha ko.
"K-klio hik k-kitang- kita ko k-kayo" parang hinaplos ang puso ko nang marinig ko ang marahang paghikbi nito.
Sinapo ko ang batok nito at marahan itong hinalikan. Naramdaman ko ang pagtugon nito. One thing hit me, I want to make her mine...mine alone.
BINABASA MO ANG
𝗠𝘆 𝗜𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗮𝗿𝘆 𝗕𝗼𝘆𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱 (Completed)
RomanceHave you ever tried to have an imaginary boyfriend? Meet Kaden Louise De Guzman, ang babaeng wala nang ibang ginawa kundi ang mag-imagine ng about sa love life niya. Pero paano kung ang lalaking binuo nito sa imahinasyon nito ay nag-eexist pala sa...
