MY IMAGINARY BOYFRIEND
written by: heartless_scarsMIB6
KLIO'S POV
Kanina pa akong palakad-lakad. Hindi parin nawawala ang galit sa dibdib ko. Mas nanariwa ang sakit na nararamdaman kung noong makita ko silang magkayakap.
"Adonis saan ba kasi tayo pupunta? Kanina pa akong nahihilo sa pagpapaikot-ikot mo!" Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Miss. Palengkera.
"Fuck!" Napamura ako sa isip nang makita ko itong nakabuntot sa likuran ko.
"Bakit nandito ka parin? Hindi ba dapat umuwi ka na?" Inis na tanong ko dito.
"Anong bakit nandito pa rin ako? At paano ako makakauwi eh kanina mo pa akong kinakaladkad! Hmmp!" nakangusong sagot nito sa akin.
Nagulat pa ako nang makita kong hawak-hawak ko parin ang kamay nito. Agad kong binitawan iyon.
"Sorry. You can go now" seryosong ani ko dito. Nagulat na lang ako nang bigla na lang nitong sundutin ang tagiliran ko.
"Ayieee marunong ka pala non Adonis" ani pa nitong tila kilig na kilig. Napailing na lang ako. Tinalikuran ko na ito at nagsimula nang maglakad pabalik ng opisina.
Pagkarating ng opisina ay dumeretso na agad ako sa mesa ko at hinarap ang naudlot kong trabaho. Nasa kalagitnaan na ako ng ginagawa nang biglang may kumalabit sa braso ko.
"Psst, matagal pa ba iyan?"
"Fuck! Nandito ka parin? Diba sabi ko sa'yo umuwi ka na!" napipika na namang ani ko dito. Buong akala ko ay umalis na ito.
"Hindi mo man lang ba titikman yung mga niluto ko? Eh, diba sabi mo paborito mo ang adobo?" nakalabing ani nito.
"Sinabi kong paborito ko pero wala akong sinabing kakainin ko yung niluto mo" inis na ani ko. "umuwi ka na" dugtong ko pa at ipinagpatuloy ko na ang ginagawa.
"Pero diba sabi mo nagugutom kana kumain ka muna" pangungulit parin nito na patuloy ang pangangalabit sa braso ko.
"Damn! Look, Miss, don't you see? I have lots of paper works to do. I'm a busy person. Ngayon, kung wala kang magawa, umuwi kana okay?" nagpipigil nang galit na ani ko dito.
"Kahit konte lang Adonis ko pramis masarap yan" patuloy parin nito habang naglalagay sa plato ng pagkain.
"Will you please stop!" galit na sigaw ko na. Hindi ba siya nakakaintindi ng salitang 'leave'?! Damn this woman!
Napapitlag ito sa pagsigaw na ginawa ko.
"S-sorry. A-aalis na ako." mangiyak-ngiyak na ani nito at nagtatakbo nang palabas ng opisina.
Napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok. Nasa ganoon akong tagpo nang dumating si Sky.
"Hey, honey! I'm here!" Malakas na sigaw nito at sinugod ako ng yakap.
"I missed you!" Malambing pang dagdag nito at hinalikan ako sa labi.
"So, how's your trip?" tanong ko dito. Napangiti ako nang kagat-kagatin pa nito ang labi ko.
"You miss me that much huh" tukso ko dito at hinapit ko eto sa bewang. Nasa ganoon kaming tagpo nang biglang bumukas ang pintuan.
"Ay inang mahabagin!" gulat na sigaw ni miss palengkera na siyang bumungad sa amin.
"S-sorry k-kukunin ko l-lang yung b-basket hehe" nauutal na ani nito. Nagmamadaling kinuha lang nito ang basket at kumaripas na ng takbong papalabas. Napailing na lang ako.
"So, who is she?" Nakataas ang kilay na tanong sa akin ni Sky.
"Isang makulit na babae" napapabuntong-hiningang ani ko. Batid ko kasing mag-uusisa pa ito.
"And?" may bahid ng panunuksong ani nito.
"And what?!" inis na tanong ko dito.
"Oh, common Honey! Ngayon mo lang yata hinayaan na may ibang babaeng makapasok dito sa opisina mo. Alam ko kung gaano ka allergic pagdating sa mga babae. Kami lang ni tita ang malayang nakakapasok dito. So, tell me, what's with her?" ani nitong nanunukso ang pagkakangiti sakin. Hindi ko na lang pinansin ang panunukso nito at bumalik na sa tarabaho.
"And what is this? hmm, it smells good." Napatingin ako dito at agad kong inagaw mula sa kamay nito ang hawak nitong tupper ware na naglalaman ng adobo na niluto ni miss palengkera.
"Hey! Ano ba! Nagugutom ako titikman ko lang!" ani nitong pilit na kinukuhang pabalik ang lalagyan. Ipinasok ko ito sa drawer na nasa tabi ko at isinusi ito duon.
"Mag-oorder na lang ako. Just wait for a minute." ani ko dito at nagsimula nang mag dial sa telepono.
"Ano ba kasing meron dun at ayaw mong ipakain?" Inis na tanong nito sa akin.
"Galing yan kay miss palengkera and we don't know kung anong mga pinaglalagay niya dyan." sagot ko dito.
"Miss palengkera?" kunot-noong tanong nito.
"Never mind. Btw, napansin kong straigt na pagtatagalog mo. Hindi na ba pilipit dila mo?" Natatawang pang-aasar ko dito.
"Shut up Klio! Not funny!" Inis na ani nito na ikinatawa ko ng malakas.
Tumayo na ito at naglakad papalabas ng opisina.
"Hey sweetie! Nagbibiro lang ako HAHAHA" habol ko dito.
"Psh! I have an appointment. Dumaan lang talaga ako just to check on you! See you later honey!"
Natatawang bumalik na lang ako papasok ng opisina. Nakaramdam ako ng pangangalam ng sikmura. Naisip ko na kung mag-oorder pa ako ay matatagalan pa bago ito dumating. Masyadong hasle sa oras.
Napatingin ako sa plato na nasa harap ko. May laman na itong pagkain. Lalo akong nakaramdam ng pangangalam ng sikmura ng maamoy ko ang adobo.
Tumingin muna ako sa paligid bago ko sinimulang kainin iyon.
"Hmm, it tastes good" nangingiting ani ko pa at itinuloy na ang pagkain.
Hindi ko na namalayan na naenjoy ko pala ng husto ang pagkain. Kamuntik ko nang maubos ito.
Naisip ko si miss palengkera. Wala sa sariling napangiti ako.
"Hmm, she's good at cooking huh." nangingiting ani ko pa.
Stop it Klio! Smiling like an idiot?
Fuck! What's happening to me?
Naiiling na ipinagpatuloy ko na lang ang naudlot na trabaho.
KADEN'S POV
"GRRR! nakakainisss! Kaya pala atat na paalisin ako ng opisina niya makikipag tsuktsakan lang pala sa ibang babae! Hmmp! Magkasugat sana labi mooo!" Inis na inis at mangiyak-ngiyak na sigaw ko habang papauwi ako ng bahay.
"Tapos bwisit na yun di man lang tinikman yung mga niluto ko. Hindi niya ba alam na ang aga kong gumising para dun. Grrrr talaga! Mag break sana kayo!"
Masamang-masama talaga ang loob ko. Bakit ba naman kasi ang tanga-tanga ko. Hindi ko man lang naisip na baka may girlfriend ito o asawa.
"Sa gwapo niyang yun Kaden! Myghadd! Imposibleng mawalan!" sigaw pa ng kabilang bahagi ng isip ko.
Nakakainis talaga! Magbbreak din silaaa! Magbbreak din silaa! Hmmp!
"Simula ngayon hinding-hindi ko na siya papansinin! Manigas siya!" Inis na sigaw ko na naman. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ng mga tao.
"Talaga ba kaden? Kaya mong iwasan siya?" Pag-kontra na naman ng kabilang bahagi ng utak ko.
Nakaramdam ako ng lungkot.
Kaya ko nga ba?
Hayyst bahala na...
BINABASA MO ANG
𝗠𝘆 𝗜𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗮𝗿𝘆 𝗕𝗼𝘆𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱 (Completed)
RomansHave you ever tried to have an imaginary boyfriend? Meet Kaden Louise De Guzman, ang babaeng wala nang ibang ginawa kundi ang mag-imagine ng about sa love life niya. Pero paano kung ang lalaking binuo nito sa imahinasyon nito ay nag-eexist pala sa...