CHAPTER EIGHT

55 8 0
                                    

         MY IMAGINARY BOYFRIEND
           written by: heartless_scars

MIB8

KADEN'S POV

Naiiyak na hinabol ko nang tingin ang papalayong bulto ni Adonis. Hindi ko naman gustong sungitan siya, pero ang isipin na mayroon nang nagmamay-ari dito ang siyang nagtutulak sa akin para iwasan na ito.

Naalala ko kung paano itong umasta kanina, tila ito isang boyfriend na nagseselos. Kung sa ibang pagkakataon siguro 'yon ay baka nahimatay na ako sa kilig pero iba na ngayon, ayoko nang mag-assume. Ayokong bigyan ng kahulugan ang mga inasta nito kanina, ako at ako lang din naman ang masasaktan.

Kaya pinili kong lumayo na lang. Iiwas na lang sa ako sa kanya. Para maprotektahan ko ang sarili ko, Para mapigilan ko pa ang lumalalim na nararamdaman ko para dito.

Siguro nga ay tama ang sinabi ni Elizabeth. Kailanman ay hindi siya magiging akin. Kailangan ko nang tanggapin na parte lamang siya ng aking imahinasyon na kailanman ay hinding-hindi magkakatotoo.


KLIO'S POV

"Kaela, do i have appointment today?" tanong ko sa sekretarya ko habang ang mata ko ay nakatutok sa pagbabasa ng resume ng mga aplikante.

Kailangan ko kasing makakuha ng panibagong sekretarya bago matapos ang buwan. Nag resigned na kasi etong sekretarya ko dahilan sa maselang pagbubuntis. Mabuti na lang at napakiusapan ko pa ito na magpatuloy sa trabaho habang hindi pa ako nakakahanap ng magiging kapalit nito.

"Yes sir, You have a meeting with Mr. Gonzales at 2:00 pm and the party for Mr. Angeles at 8:00 pm."

Fuck! Napatampal ako sa noo nang maalala ang tungkol sa party. Shit! Kung bakit ba naman kasi si Miss palengkera 'yong nandon nung time na iyon. Kung si Sky sana ay wala akong poproblemahin.

Kailangan ko ng partner para sa party and since si Miss palengkera ang pinakilala kong fiancee sa mga ito, natural na siya dapat ang isama ko pero fuck! paano ko siyang kukumbimsihin na sumama sakin gayong hindi nga ako nito pinapansin.

Kaagad kong tinawagan si Sky para humingi ng tulong. Ilang saglit lang naman at dumating rin kaagad ito.

"Hey, honey! So, what's the problem?" malambing na tanong nito at hinalikan ako sa pisngi.

"I need a dress and stilettos. And also a makeup" seryosong ani ko dito pero nagulat ako ng bigla na lang itong tumawa ng pagka-lakas lakas.

"Oh my God honey! Since when?" nanlalaki ang matang tanong nito sa akin.

"What?" naguguluhan namang tanong ko dito.

"You said, you need a dress and a fucking stilettos and also makeup? So, tell me, since when? How did you know that you're gay?" hysterical na tanong nito.

"Damn Sky! those things are not for me. I need it for my partner tonight. So, are you with me?"

"Grrrr! May magagawa pa ba ako your Highness?" she said while rolling her eyes. Pasalamat na rin talaga ako at nandyan siya.

Dinala ako nito sa isang sikat na boutique. Halos kalahating oras na ang paglilibot namin pero wala pa rin akong makitang damit na babagay kay Miss palengkera. Ideniscribe ko na lang kay Sky ang taas at pangagatawan ni Miss palengkera para ito na ang pumili. Naupo Muna ako sa isang couch na naroroon habang naghihintay dito.

Makalipas ang halos kalahating oras ay bumalik ito na may hawak nang dress at sapatos. Isa iyong red long gown na may mahabang slit sa bandang hita. Maganda ang pagkaka-design nito, bukas ang bandang likuran nito at may malaking uka naman sa bandang dibdib. Tenernohan pa ng itim na high heels. Sa palagay ko naman ay babagay ito kay Miss palengkera.

Matapos noon ay namili lang kami ng ilang kakailanganing makeup kit at nagpasya na ring umuwi.

Inihatid ko lang si Sky sa condo unit nito matapos noon dumeretso na ako sa bahay nina miss Palengkera. Sana lang ay mapapayag ko ito.


KADEN'S POV

"Kadennn! Nak!" narinig kong malakas na pagtawag ni mama mula sa labas ng kwarto ko.

"May naghahanap sa'yong poging lalaki sa labas! Lumabas ka riyan at harapin mo iyon!" malakas na sigaw nito na ipinagtaka ko. Sino naman kayang lalaki ang mag-aabala na bisitahin ako.

Itinali ko na lang basta ang buhok ko at lumabas na ng kwarto.

Habang papababa ng hagdan ay nagulat ako nang makita ko si Adonis na matiyagang naghihintay. May hawak pa itong isang malaking kahon na hindi man lang pinagkaabalahan na ilapag muna.

Anong ginagawa niya rito? Omyghadd! Baka kung ano na nasabi niya kay mamaaa! Mapapatay ako ni mamaaa!

Sa naisip ay nagtatakbo na ako pababa ng hagdan para puntahan ito.

" Finally, you're here. Kanina pa akong nangangawit dito." reklamo nito sa akin nang makalapit ako.

"Oh bakit? Sino ba may sabi sayo na huwag mong ilapag yang dala mo? At isa pa, bakit ka ba nandito?" kunwari ay pagsusungit ko dito para lang itago ang nararamdamang kilig.

Gwapong-gwapo ito sa suot nitong suit. Ang bango at ang linis pa niyang tingnan. Parang kaysarap yakapin ackkk!

"Kalma Kaden! Iiwasan mo na diba?" pag kontra ng kabilang bahagi ng isip ko. Oo nga pala kailangan ko nang iwasan ito.

"Makakaalis kana." mataray na ani ko dito at tinalikuran na ito.

"Wait, Kaden please" nakikiusap na ani nito. Nagulat pa ako nang hawakan nito ako sa kamay.

Napatulala ako nang hawakan nito ang baba ko. Napatitig ako sa gwapong mukha nito.

"Please, I badly need you tonight. Please, be my date." seryosong ani nito habang titig na titig sa mata ko.

Pakiramdam ko ay nanlambot ang tuhod ko. Namalayan ko na lang sa sarili ko na pumapayag ako sa pinapakiusap nito.

Nakangiting nagpaalam pa ito sa akin. Nagulat pa ako nang dampian nito ng halik ang labi ko.

Napahawak ako sa labi ko. Nararamdaman ko parin ang malambot niyang labi roon. Tila ako idinuduyan sa alapaap.

"Ano bang nangyayari? Hindi bat sabi mo iiwasan mo na siya? May girlfriend na siya at kitang-kita iyon ng dalawang mata mo Kaden. Huwag kang magpapadala sa mga actions niya. Kailangan ka lang niya kaya siya ganyan. He's just using you!" sigaw ng kabilang bahagi ng utak ko.

Pero...wala naman sigurong masama, kahit ngayon lang. Wala naman sigurong masamang pagbigyan ko ang sarili ko. I want to be with him. Kahit ngayong gabi lang...


KLIO'S POV

Seriously Klio?! You just kissed her! Damn you!

Sunod-sunod ang naging pagmumura ko nang marealized ko kung anong ginawa ko. Shit! paano kung nabastos ko siya?

Fuck! At kelan ka pa nagkaroon ng pakialam sa pwedeng maramdaman ng isang babae ha Klio?

Damn! This is bulshit! What is happening to you Klio? This is not you!

Napasabunot ako sa sarili kong buhok.

Damn! She's not the type of girl I fall in love with. And I am not into love but fuck! She is driving me crazy. Damn you, woman!

𝗠𝘆 𝗜𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗮𝗿𝘆 𝗕𝗼𝘆𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon