CHAPTER TWENTY NINE

52 7 0
                                        

         MY IMAGINARY BOYFRIEND
           written by: heartless_scars

MIB29

KADEN'S POV

Nagising ako dahil sa tama ng liwanag na nagmumula sa nakabukas na bintana. Mumukat-mukat na iminulat ko ang mga mata, umaga na pala. Babangon na sana ako nang may maramdaman akong mga bisig na nakapulupot sa bewang ko. Bahagya akong tumagilid ng higa para makita ang kung sino mang nag-mamay-ari ng mga bisig na iyon. Napangiti ako nang bumungad sa akin ang gwapong-gwapong mukha ni Klio. Bahagyang nakakunot ang noo nito habang mahimbing na natutulog. Gulo-gulo rin ang buhok nito na mas nakapagpadagdag sa kagwapuhan nito. Simula kahapon ay hindi na ako pinakawalan nito. Tila ayaw na ayaw din nitong mawawala ako sa paningin nito.

Nakangiting pinagmasdan ko ang mahahaba at malalantik nitong pilik-mata patungo sa matangos nitong ilong. Hindi na ako nakapag-pigil at hinalikan ang tungki niyon. Dumako ang tingin ko sa maninipis at mapupulang labi nito patungo sa hubad nitong katawan. Agad na nag-init ang mukha ko nang maalala ang maiinit na tagpo namin kagabi.

"Gosh Kaden! hindi kana birhen! nabinyagan kana!" pilyang ani ng kabilang isip ko.

Matapos nang pagkikita namin kahapon sa set ay ipinamaalam ako nito sa manager ko para sa isang buwang bakasyon. Buong akala ko ay hindi ako papayagan ng manager ko pero laking gulat ko nang hindi pa man lang nakakatapos magsalita si Klio ay umu-oo na ito. Namula pa ang pisngi ko nang magbiro pa ang manager ko na huwag daw muna akong bubuntisin  dahil kailangang-kailangan pa raw ako nito na sinagot naman ni Klio nang kapilyuhan.

"You don't have to worry. I'll just make her moan in pleasure the whole night" natatandaan ko pang ani nito.

Matapos noon, ay umuwi lang ako saglit sa condo unit para kumuha ng ilang mga gamit. At ngayon nga nandito kami ngayon sa isa sa mga sikat na resort dito sa America. Napag-alaman ko na pag-aari rin pala ng pamilya nito ang naturang resort.

Muli kong pinagmasdan ang mukha nito. Hindi parin ako makapaniwala hanggang ngayon na kasama at nayayakap ko na ito. Akala ko noon ay wala nang pag-asa para sa aming dalawa. Marahang hinaplos ko ang mukha nito dahilan para magising ito.  Mumukat-mukat na nagmulat ito nang mata at tinitigan ako.

"Good morning beautiful. How's my performance last night? hmm...?" ani nito sa paos na boses. Agad na namula ang mukha ko sa sinabi nito. Naalala ko na naman kung papaano nitong pinaglakbay ang labi at mga kamay nito sa katawan ko.

"Sus! puro kapilyuhan na naman yang iniisip mo! Pakawalan mo na kaya ako para makapagluto ako at nang makakain na tayo!" kunwaring singhal ko dito para itago ang kilig nang mas kabigin pa ako nito papalapit sa katawan nito.

"Nah ah...I want breakfast in bed Baby. What do you think?" pilyong ani nito. Nanlaki ang mata ko nang pasadahan pa nito ng dila ang sariling labi. Nakaramdam ako ng pag-iinit ng pisngi. Alam ko na ang tinutukoy nito.

"Ano ka ba Klio? Magdamag na nating ginawa iyon kagabi. Di ka ba napagod?" namumula ang mukhang ani ko dito na siyang ikinahalakhak nito. Naiinis na kinurot ko ito sa tagiliran at nagpumilit na makawala sa pagkakayakap nito.

Akmang babangon na ako para magluto nang almusal nang bigla nitong hinapit ang bewang ko at ibinalik ako sa kama. Napatili pa ako nang kubabawan ako nito.

"Where do you think you're going? hmm? Sa suot mong yan, sa palagay mo ba papakawalan kita? You're seducing me milady! Damn!" ani nito sa paos na boses habang namumungay ang mga mata nitong nakatitig sa akin.  Nanatili lang din akong nakatitig sa mga mata nito.

Napasinghap ako nang magsimula na namang maglakbay ang mga kamay nito sa katawan ko. Hindi na ako tumutol pa nang mapusok na halikan nito ang labi ko. Buong puso ko iyong tinugon. Buong puso akong nag-paubaya.

Alam kong dadalhin na naman ako nito sa kung saan. Alam kong ipaparanas na naman nito sa akin ang iba't ibang nakakabaliw na sensasyon. Mga sensansyon na punong-puno nang pagmamahal.

Naramdaman ko na lang na wala na akong saplot sa katawan. Kapwa na kaming hubad at tanging mga mahihinang daing na lang ang maririnig na pumupuno sa buong silid. Ang silid na siyang saksi sa aming wagas na pagmamahalan...

𝗠𝘆 𝗜𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗮𝗿𝘆 𝗕𝗼𝘆𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon