CHAPTER TWENTY EIGHT

56 6 0
                                    

          MY IMAGINARY BOYFRIEND
            written by: heartless_scars

MIB28

KLIO'S POV

Pagkatapos ng meeting ay nagmamadaling lumabas na ako ng conference room. Napakarami pang mga papeles na kinakailangan kong pirmahan. Kailangan kong tapusin ang mga ito bago matapos ang araw. Papasok na ako nang opisina ko nang may humawak sa braso ko.

"Klio please mag-usap tayo." napatiim bagang ako nang malaman kong si Ysa iyon.

"Ano na naman ba 'to Ysa?" malamig na ani ko dito at hinarap ito. Napalunok ito nang tinitigan ko ito nang matiim.

"I-it's about K-kaden." natatarantang sagot nito. Agad nag-init ang ulo ko nang banggitin nito ang pangalan ni Kaden.

"Ano na namang ginawa mo?!" galit na ani ko at akmang hahawakan ito sa braso pero napatigil ako nang may biglang nagsalita sa likuran ko.

"Don't you dare touch my girl" seryosong ani nito at nilapitan si Ysa. Agad na nangunot ang noo ko habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa mga ito.

Narinig ko ang pagtighim ni Ysa bago ito magsalita.

"Uhm...Klio...si Travish, fiancee ko." pagpapakilala nito sa katabing lalaki.

"So, hon, siya pala yung dahilan kung bakit hindi ko makuha-kuha ang puso ni Kaden noon?" nakangiting tanong nito na ang paningin ay nasa akin. Agad na tumalim ang mata ko. Anong kinalaman niya kay Kaden?

"Pero okay lang, ako naman ang kayakap niya nang matagal na panahon" nakakalokong ani pa nito. Nakita ko pa ang bahagyang pagsiko ni Ysa sa tagiliran nito. Hindi na ako nakapag-pigil at kwenelyuhan ko na ito.

"What are you trying to say?" nagpipigil ang galit na ani ko dito.

"Hey, chill! masyado kang mainit HAHAHA. We are here to tell you about Kaden." natatawang pang ani nito habang nakataas ang dalawang kamay. Kaagad kong binitawan ito nang marinig ko ang sinabi nito.

"Ang gwapo mo pala broh sa malapitan." nang-aasar pang ani nito habang sinisipat ang mukha ko.

"I have no time for your shits Mr. Silvenia! Just tell me where the hell she is and shut up! Fuck you!" bulyaw ko dito at matalim itong tiningnan na siyang ikinahalakhak nito. Napahilot ako sa sariling sintido nang makita kong pati si Ysa ay natatawa na rin.

I wonder kung paano itong nagustuhan ni Ysa. Napipika ako sa presensya nito pero sa ngayon ay kailangan ko itong pag-tiisan. Mukhang dito ako makakakuha ng impormasyon kung nasaan si Kaden.

Maya-maya ay kinuha nito ang cellphone nito at may kung sinong tinawagan.

"Hey baby, how's my sweetie?" rinig kong tanong nito sa kausap.

"HAHAHA. You don't have to worry Trav, she's doing fine." napako ako sa kinatatayuan ko at kaagad na lumambot ang expression ng mukha nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.

My Kaden...Damn! I missed her so much.

Akmang aagawin ko na sana dito ang hawak nitong telepono pero senenyasan ako ni Ysa.

"Please Trav, be home before 2 pm. I have taping at 4 o'clock sharp. I can't be late. Kilala mo si mamita, palaging gusto non on time." rinig ko pang ani nito sa kabilang linya. Mas lalo akong nasabik na makausap ito. How I missed her voice, her angelic face, her smile. I missed everything about her.

Nanlumo ako nang marinig kong naputol na ang linya.

"Where is she? Please...I badly need to see her. I missed her so much." nakikiusap na ani ko sa mga ito. Lumapit sa akin si Ysa at may iniabot na isang kapirasong papel.

𝗠𝘆 𝗜𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗮𝗿𝘆 𝗕𝗼𝘆𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon