MY IMAGINARY BOYFRIEND
written by: heartless_scars
MIB11
KLIO'S POV
Agad ko ring pinutol ang halik na namagitan sa amin ni miss palengkera. Lasing ito, at ayoko namang pagsamantalahan iyon. Inayos ko ang pagkakaupo nito at sinuotan ito ng seatbelt. Narinig ko pa ang mahinang pag-ungol nito. Psh! kung bakit kasi uminom-inom hindi naman pala kaya. Napapailing na pumasok na rin lang ako ng sasakyan.
Saglit ko pang pinagmasdan ang mukha nito. Bahagya itong gumalaw dahilan para lumantad ang maputi at makinis nitong hita. Napalunok ako, nakatodo naman ang bukas ng air-con pero pakiramdam ko ay pinag-papawisan parin ako. She looks seductive damn! Wtf Klio?! Dali-dali kong ini-start ang sasakyan at pinaharurot ito habang nasa katinuan pa ang isip ko. Fuck! Napapamura na lang ako sa iba't-ibang imahe na paulit-ulit na naglalaro sa isip ko. Pinilit kong mag-focus sa pagmamaneho.
Ilang saglit pa ay nasa tapat na kami ng bahay ng mga ito. Nakahinga ako ng maluwag nang matanaw ko ang mama nito na papalabas ng bahay.
"Oh klio iho ginabi ata kayo masyado" bati nito nang makalapit sa amin.
"Pasensya na po tita natagalan" nakangiting ani ko dito at lumabas na ng sasakyan. "Pasensya na rin po medyo nakainom si Kaden" dagdag ko pa.
"Nakow napaka-tigas talaga ng ulo ng batang iyan. Kung minsan eh ang sarap na lang kurutin sa singit at nang tumino." naiiling na ani nito na ikinatawa ko.
Binuhat ko si miss palengkera at ipinasok ito sa kwarto niya. Iniayos ko ito nang higa at kinumutan. Saglit ko pang pinagmasdan ang mukha nito. Wala sa sariling napangiti ako nang marinig ko ang mahinang pagtawag nito sa pangalan ko. Kinintalan ko ito nang marahang halik sa labi. Hanggang panaginip ba naman? Psh!
Inayos ko ng pagkakakumot dito at dinampian ito ng halik sa noo. Saglit ko pa itong pinagmasdan bago ako lumabas ng kwarto nito. Nagpaalam lang ako sa mama nito at nagpasya na ring umuwi.
KADEN'S POV
Nagising ako na sobrang sakit ng ulo. Hindi ko na alam kung papaano akong nakauwi kagabi. Ang huling natatandaan ko lang ay nakatulog na ako dahil sa kalasingan. Naalala ko si Klio at ang naabutan kong tagpo kagabi, bumigat na naman ang pakiramdam ko, nagsisimula na namang magtubig ang mata ko.
Huminga muna ako nang malalim at nagpasya na ring bumangon. Naligo lang ako saglit at naghanda na rin sa pag-alis para tumulong kina mama sa kainan.
Pagkarating ko nang kainan ay bumungad sa akin ang napakaraming costumer. Nagulat pa ako nang matanawan ko si Adonis na hindi magkaintindihan sa pag-aabot sa costumer ng dala-dala nitong tray. Anong ginagawa ng lalaking to dito? Anong nakain niya?
"Oh Kaden anak! Nariyan kana pala, kanina pang naghihintay sayo itong si Klio. Aba'y tumulong na rin siya sa amin sa pagseserve sa mga costumer." malakas na ani ni mama nang makita ako nito. Kunot-noong tiningnan ko si Adonis na ngayon ay magandang-maganda ang pagkakangiti sa akin.
"May kelangan ka ba?" mataray na tanong ko dito nang lapitan ako nito. Naiinis parin kasi ako sa nakita kong pakikipag-tsuktsakan nito kagabi lalo pa sa isipin na hindi iyon ang babae na nakita kong katsuktsakan din niya noong nakaraan. Sus! Babaero.
"Ah, Kaden, uhm ano kasi.." tumaas ang kilay ko at sinalat ko ang noo nito para tingnan kung may sakit ba ito. Kakaiba kasi ang mga ikinikilos niya ngayong araw. Sus! Akala mo hindi marunong magsungit.
"Hey! What are you doing?!" masungit na namang tanong nito na ikinatawa ko. Nature na talaga niya yung pagsusungit.
"Tinitingnan ko lang ho mister kung may sakit ka ba para ho kasing nagbago ang ihip ng hangin ngayon" pang-aasar ko dito.
"Psh! nagpunta lang ako dito para ibigay sa'yo to. Naiwan mo sa sasakyan kagabi" ani nito sabay abot sa akin nang hairclip na siyang ginamit ko sa buhok ko kagabi.
Nagtatakang tiningnan ko ito. Nagpunta siya dito at naghintay ng ganon katagal para lang ibigay ang isang hairclip??? Sinapian ba siya? Sa pagkakakilala ko dito, hindi ito mag-aaksaya ng oras sa isang hindu ganon kaimportanteng bagay.
"What?! pasalamat ka nga pinag-aksayahan ko pa ng gasolina yan. Psh! baka kasi wala ka nang ibang pantali sa buhok" masungit na namang ani nito at tinalikuran na ako. Narinig ko pa ang pagpapaharurot nito ng sasakyan.
Ano bang problema niya? Isinisi pa sa akin ang nabawas sa gasolina niya, bakit? sinabi ko ba sa kanya na dalahin ito dito? Grrrr! ang hirap niya talagang intindihin! Nakakainisss!
KLIO'S POV
Nahampas ko ang manobela ng sasakyan ko sa naisip kong katangahan. Napatampal pa ako sa noo nang maalala ko ang kagaguhan na ginawa ko.
Seriously Klio? Nagpunta ka dun para ibigay ang isang hairclip?! Fuck! kelan ka pa naging ganyan kakorni?!
Damn! Hindi ko na rin alam kung anong nangyayari sa akin. These past few days, I'm acting like a damn teenager who's having a crush! Siya lang ang tanging babaeng nakapag-paparamdam sa akin ng ganito.
Why are you doing this to me woman?! Shit!
Oh, God! Am I falling for her?
BINABASA MO ANG
𝗠𝘆 𝗜𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗮𝗿𝘆 𝗕𝗼𝘆𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱 (Completed)
RomanceHave you ever tried to have an imaginary boyfriend? Meet Kaden Louise De Guzman, ang babaeng wala nang ibang ginawa kundi ang mag-imagine ng about sa love life niya. Pero paano kung ang lalaking binuo nito sa imahinasyon nito ay nag-eexist pala sa...
