MY IMAGINARY BOYFRIEND
written by: heartless_scars
MIB3
KADEN'S POV
Maaga akong nagising para mamalengke. Araw ng lunes ngayon kung kaya't nakakasigurado na akong marami na namang costumer.
Nakalimutan ko palang sabihin na mayroon kaming maliit na restaurant.
Ako ang namamalengke at si mama naman ang nagluluto. Masarap magluto ng iba't-ibang putahe si mama dahilan para balik-balikan ito ng mga costumer.
Malayo pa lang ako ay naririnig ko na ang hindi magkamayaw na ingay sa palengke.
Matapos kong makapamili nang mga gulay na pansahog ay dumeretso na ako sa pwesto ni Aling Berta.
"Maganda pa ho ako sa umaga Aling Berta. Yung order daw po ni mama" nakangiting bungad ko dito.
"Magandang umaga rin sa'yo iha. Mukhang maganda yata ang umaga mo" bating pabalik nito sa akin.
"Maganda ho talaga ako Aling Berta, no doubts." ani ko
"Naks Aling Berta, spokening dollar ho yun." dugtong ko pa na ikinatawa nito.
Matapos maibigay sa akin nito ang order ko ay nagpasya na rin akong uwuwi.
Dumaan muna ako sa pwesto ng ukay-ukay para ibalik ang naiuwi kong bra pero sarado pa ito kung kaya't iniwan ko na lamang ito sa labas ng pinto.
Nag-iwan na lamang ako ng isang maliit na papel na may nakasulat na,
Ibinabalik ko na po itong bra niyo na naiuwi ko. Hindi po ito pagnanakaw sapagkat isinoli ko. Nakalimutan ko lang po talagang hubarin.
PS: Nilabahan ko na po ito at nilagyan ng kaunting clorox para pumuti-puti Naman. And I thank you!
Pagkarating ko sa bahay ay nagbihis lang ako at tumulong na kay mama sa pagbubukas ng kainan.
Tama nga ang hinala ko.
Umaga pa lang ay hindi na magkamayaw ang tao. Ang ilan sa mga ito ay wala nang mapwestuhan.
Hindi ako magkandaugaga sa pagkuha at paghahatid ng orders. Alis at dating ang costumer kung kaya't dere-deretso rin ang aming trabaho.
Bandang hapon na nang magluwag-luwag ang kainan. Pailan-ilan na lamang ang mga pumapasok.
Saglit akong naupo para magpahinga. Pakiramdam ko ay para na akong lantang gulay nang dahil sa pagod.
Halos kalahating oras na ang nakalipas pero hindi na nadagdagan ang costumer kung kaya't nagpaalam muna ako kay mama na uuwi para matulog saglit.
Papalabas na ako ng kainan nang mapansin ko ang isang lalaking nakatayo kung saan naroon ang isang hindi kalakihang whiteboard na may nakasulat na mga menu.
Pinagmasdan ko ito.
Matangkad ito at tama lang ang pangangatawan. Bahagya itong napasulyap sa gawi ko dahilan para makita ko ang mukha nito.
May magaganda itong pares ng mata na binagayan ng makapal na kilay. Matangos ang ilong nito habang ang mga labi naman ay mapupula na tila kay sarap halikan. Maging ang jawline nito ay maganda ang pagkakahubog, lalaking-lalaki. Gulo-gulo rin ang buhok nito na nakapag-padagdag sa lakas ng dating nito.
Shocks! Ang gwapo!
Natigilan ako nang marealized ko na parang pamilyar ang mukha nito sa akin. Iniisip ko kung saan ko ba ito nakita. Susulyapan ko pa sana itong muli pero nagulat ako nang makita kong nasa harapan ko na ito.
BINABASA MO ANG
𝗠𝘆 𝗜𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗮𝗿𝘆 𝗕𝗼𝘆𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱 (Completed)
Любовные романыHave you ever tried to have an imaginary boyfriend? Meet Kaden Louise De Guzman, ang babaeng wala nang ibang ginawa kundi ang mag-imagine ng about sa love life niya. Pero paano kung ang lalaking binuo nito sa imahinasyon nito ay nag-eexist pala sa...
