CHAPTER THIRTY

55 6 0
                                        

          MY IMAGINARY BOYFRIEND
            written by: heartless_scars

MIB30

KADEN'S POV

"Nandyan na ang bride!" kaagad akong napalingon sa pintuan ng simbahan nang marinig ko ng malakas na sigaw ng isa mga taong naroroon.

Hinihintay namin ang pagpasok ni Ysa nang simbahan. Ngayong araw ang nakatakdang kasal nila. Sinulyapan ko pa si Travish at agad rin akong napangiti nang makita kong   hindi ito mapakali habang ang mga mata ay tutok na tutok sa pintuan ng simbahan. Maya-maya pa ay narinig na namin ang pagbukas ng pinto kasabay ng pagtugtog ng isang awitin.

Hindi ko maiwasang kiligin sa kung paanong titigan ni Travish si Ysa habang marahang naglalakad ito papalapit dito. Punong-puno ng pagmamahal.

Naisip ko, ganyan din kaya si Klio kapag kami na ang ikinasal?

Shett!

Ngayon pa lang ay naeexcite na ako.

Napatingin ako dito na ngayon ay nakatitig din pala sa akin. Bahagya pang namula ang pisngi ko nang hindi nito inaalis ang pagkakatitig sa mukha ko. Nakita ko pa ang pagbuka ng bibig nito na nagsasabi nang, "I love you". Naiiling na inirapan ko na lang ito at muli kong ibinalik ang paningin kina Travish at Ysa na ngayon ay nasa unahan na ng simbahan at nakarahap na sa pari na siyang magkakasal sa mga ito.

Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang mga ito. Kitang-kita sa mga mukha nila ang saya at pagmamahal sa isa't isa. Iniisip ko kung ano kayang nararamdaman ni Ysa sa mga sandaling iyon.

Hayys. Ako kaya? Malamang ay magtatatalon siguro ako sa tuwa sa oras na mag-propose na sa akin si Klio.

Natawa pa ako sa sarili nang maalala ko kung papaanong isinukat ko noon iyong nakita kong wedding gown sa isang ukay-ukay habang iniimagine ko na isinasayaw ako ni Klio. Mas natawa ako at napailing-iling nang maalala ko ang ibinigay kong pangalan dito sa imahinasyon ko.

Adonis! eh bakit ba?! Mala Adonis naman talaga siya sa kaguwapuhan!

Hindi ko rin maiwasan na mangiti habang naglalaro sa isip ko ang magandang hubog ng katawan nito. Natigil lang ako sa pag-de-daydream nang biglang tumunog ang cellphone ko.

  From Klio,
   
    Stop smiling. I want to kiss you right now, right here...Baby. You're stunningly beautiful.

Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa gawi ni Klio. Hindi ko alam na pinagmamasdan pala ako nito. Nahuli ko itong nakatitig na naman sa akin.

Gosh! Ang gwapo niya talaga! Nakakapanlambot 'yong titig niya juice ko Lord!

Hindi ko talaga maiwasang kiligin. Feeling ko ay isa akong teenager na kinikilig dahil nakita ang kanyang crush. Kung bakit ba naman kasi may paganyan pa siya.

Shett!

Nagulat na lang ako nang biglang mag-sigawan at mag-palakpakan ang mga taong naroroon. Napatingin ako kina Travish at Ysa. Nag-kikiss na sila. Tapos na pala ang kasal. Hindi ko na namalayan. Matapos noon ay dumeretso na kami sa reception.

Ilang saglit pa ay isa-isa na kaming  tinawag ng coordinator. Ako ang tumayong maid of honor kung kaya't ako ang nasa unahan. Matapos naming puwesto ay puwesto na rin si Ysa sa bandang unahan namin at naghanda para sa paghahagis ng bulaklak. Sabay-sabay kaming napatingin nang ihagis na ito ni Ysa at agad na nanlaki ang mga mata ko nang ako ang nakasalo nito.

Narinig ko ang sigawan at kantiyawan ng mga tao nang ihagis ni Travish kay Klio ang hawak nitong garter.

"Your turn broh!" malakas at nang-aasar na ani pa nito kay Klio na ikinatawa ng mga taong naroroon.

Namumula ang mukhang napatingin ako kay Klio na ngayon ay titig na titig habang naglalakad papalapit sa akin. Nagulat pa ako nang bigla akong hilahin nang ibang mga abay at pinaupo sa isang kulay puting silya.

Parang tinatambol ang dibdib ko nang makalapit na ito sa akin. Yumukod ito sa harapan ko habang hawak-hawak ang puting garter na siyang inihagis ni Travish dito kanina. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa mga labi nito. Napalunok ako.

Nanlaki ang mga mata ko at para akong itinulos sa kinauupuan nang sinimulan na nitong isuot sa hita ko ang garter na sa halip na kamay ay bibig nito ang ginamit nito. Agad nag-init ang magkabilang pisngi ko nang marinig ko ang hindi magkamayaw na sigawan at kantiyawan ng mga tao. Narinig ko pa ang malakas na pag 'Woahh!' ni Travish.

Sunod-sunod ang naging paglunok ko nang bahagyang halikan pa nito ang hita ko bago binitawan ang garter. Lalo pang lumakas ang sigawan at kantiyawan ng mga tao. Pinanlakihan ko ito ng mata nang makatayo na ito.

Napatili ako nang bigla na lang akong buhatin nito.

"Your fault broh." ani pa nito nang mapatapat kami kay Ysa at kay Travish. Narinig ko pa ang malakas na kantiyaw at halakhak ni Travish. Agad na namula ang mukha ko nang marealized ko kung anong pinag-usapan ng mga ito.

"Be ready for the punishment baby." bulong pa nito sa tenga ko at kinintalan ako nang mabilis na halik sa labi bago ako nito ipinasok sa sasakyan.

Nang makasakay na ito sa driver seat ay mabilis na nitong pinaharurot ang sinasakyan namin paalis sa lugar na iyon.

Sunod-sunod ang naging paglunok ko.

Shett! Patay na naman ang lagusan aararuhin na naman myghadd!

𝗠𝘆 𝗜𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗮𝗿𝘆 𝗕𝗼𝘆𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon