CHAPTER FOURTEEN

50 6 0
                                        

         MY IMAGINARY BOYFRIEND
          written by: heartless_scars

MIB14

KADEN'S POV

Simula noong araw na umamin sa akin si Klio ay naging extra sweet na ito. Araw-araw din itong nasa kainan at tumutulong sa amin sa mga gawain. Hindi rin nito nakakalimutang tumawag sa umaga, sa tanghali at sa gabi para lang itanong kung anong ginagawa ko at kung kumain na daw ba ako. Kinikilig din ako sa tuwing tatawagin ako nitong baby at sa tuwing magsasabi ito ng 'I love you'.

Bumangon na ako at nagsimulang mag-ayos. Balak ko kasi na surpresahin si Klio. Ipagluluto ko ito ng para sa pananghalian. Caldereta ang naisipan kong lutuin. Gumawa rin ako ng ilang leche plan para sa dessert. Matapos makapaghanda ay umalis na ako para puntahan ito sa kumpanyang pag-aari nito.

Halos kalahating oras din ang naging biyahe ko bago ako nakarating sa kumpanya nina Klio. Pakanta-kanta pa ako habang naglalakad papuntang opisina nito. Ewan ko ba, halos araw-araw naman kaming nagkikita pero pakiramdam ko ay miss na miss ko parin ito.

Bahagyang nakaawang ang pinto ng opisina nito kung kaya't sinamantala ko ang pagkakataon. Dahan-dahan kong itinulak papabukas ang pinto. Magsasalita na sana ako ng 'surprise' pero ako ang nasorpresa sa inabutan kong eksena.

Agad na nagtubig ang mga mata ko. Kayakap nito iyong babaeng naabutan ko rin na katchuktsakan nito noong nakaraan na naghatid din ako ng pagkain dito. Nakita ko pa ang marahang paghalik nito sa buhok nung babae.

Tumalikod na ako at luhaang naglakad papalayo. Ang sakit-sakit ng nararamdaman ko. Bakit ba kasi ako naniwala agad. Bakit ba kasi ako nagtiwala agad. Ano nga bang laban ko dun? Girlfriend niya yun! Eh ako?  Ano niya ba ako? Ano ba kami? Ang sabi niya lang naman gusto niya ako. Gusto niya lang ako pero hindi niya ako mahal.

Ang tanga-tanga mo Kaden! Ang tanga-tanga mo!


KLIO'S POV

Natatawang niyakap ko si Sky dahil sa naging reaksyon nito nang ikwento ko dito ang tungkol sa amin ni Kaden at sa ginawa kong pag-amin dito.

"I'm happy for you honey. Sana nga siya na yung babaeng hinahanap mo. I met her one time and I can say naman na she's kinda different. She's simple and sweet?" ani pa nito na ikinatawa ko.

"Yeah, she is. She's crazy, noisy, and innocent...She's unique. Mga katangian na hindi ko akalain na gugustuhin ko." ani ko naman na ikinatawa rin nito.

"You're in love honey. I can see it in your eyes. I want to meet her."

Matapos sabihin ni Sky na gusto nitong makilala si Kaden ay agad ko itong tinawagan para ayaing lumabas pero ilang ulit ko nang sinubukang idial ang number nito pero unattended ang linya nito.

Alam nito na palagi akong tumatawag ng ganong oras kaya imposible na lobat ito. Nag-aalala na rin ako kung kaya naisipan kong puntahan na lang ito.

Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan papunta sa kainan nina Kaden. Agad kong hinanap ito duon pero wala ito duon. Papalabas na sana ako ng kainan nang tawagin ako ng mama nito.

"Klio iho! Nasaan si Kaden?" napakunot-noo ako sa tanong nito.

"Ho? Eh kaya nga ho ako nagpunta dito kasi hindi ko ho siya makontak unattended ho ang line niya tita" ani ko dito.

"Ha? Ah, eh, nagpaalam iyon sa akin na pupuntahan ka raw para hatidan ng pananghalian"

Shit! Napamura ako sa isip. Hindi kaya nakita kami nito ni Sky? Shit! Kung nakita kami nito malamang na iba na ang inisip non. Damn!

𝗠𝘆 𝗜𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗮𝗿𝘆 𝗕𝗼𝘆𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon