MY IMAGINARY BOYFRIEND
written by: heartless_scarsMIB21
KLIO'S POV
Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo. Mumukat-mukat pang tinungo ko ang kusina para uminom ng tubig. Hindi ko na alam kung anong nangyari kagabi. Ang tanging natatandaan ko lang ay ang eksenang nasaksihan ko at ang pagtungo ko ng bar. Hindi ko na rin alam kung papaano akong nakarating dito sa condo unit ko.
Sariwa parin sa akin ang lahat. Napakuyom ang kamao ko nang unti-unting maglaro sa utak ko ang eksenang iyon. Hindi ko parin matanggap na nakuhang gawin sa akin ni Kaden ang bagay na iyon. Napaka-galing niyang magpanggap.
Tinawagan ko ang sekretarya ko para tanungin kung may appointment ako ngayong araw. Nabanggit nito ang tungkol sa meeting kay Mr. Saavedra. Binilinan ko ito na medyo malelate ako nang dating. Matapos noon ay tinungo ko na ang banyo para maligo.
Pagkapasok pa lang ng banyo ay kaagad kong itinapat ang hubad kong katawan sa shower. Napasabunot ako sa sariling buhok kasabay ng pagtama ng malamig na tubig na nagmumula dito.
Fuck! Naririto na naman yung pakiramdam na hindi ko inakalang muli kong mararamdaman. Masyado akong nagtiwala sa mga ipinapakita ni Kaden. Masyado akong nagtiwala sa pagmamahal niya.
Hindi ko alam kung papaano siyang pakikiharapan sa oras na mag-krus ulit ang landas namin. Isa lang ang sigurado ako. Hinding-hindi ko na siya muling pagkakatiwalaan...
YSA'S POV
Hanggang ngayon ay hindi parin mawala ang inis ko matapos akong tulugan ni Klio kagabi. Hindi na rin naman ako nagtagal sa condo nito kagabi. Hindi ako pwedeng abutan nito doon. Baka maghinala ito. Kahit sigurado ko na ang tagumpay ay kinakailangan ko paring mag-ingat. Isang pagkakamali lamang ay mawawalan ng saysay lahat ng pinaghirapan ko.
Inihanda ko na ang sarili para sa gagawing pagdadrama. Nakangiting idinial ko ang number nito.
"Hello Klio... a-alam mo na b-ba?" kunwaring umiiyak na ani ko dito nang sagutin nito ang tawag.
"Yeah." tipid lang na sagot nito.
"K-klio niloko nila t-tayo. Buong akala ko ay tapat sa akin si K-kyro. Hindi ko a-akalain na magagawa niya a-akong pagtaksilan." kunwaring humahagulhol nang ani ko dito. Kilala ko si Klio. Alam kong hindi ako nito matitiis.
"Where are you? Pupuntahan kita." nag-aalalang ani nito na ikinangiti ko.
"Shhh, stop crying. Wait for me, I'll be there in a minute" ani nito matapos kong sabihin ang location ko.
Nakangiting ini-end ko ang tawag.
I will make sure this time Klio, I will make you fall for me again...
KADEN'S POV
Nagising ako sa mumunting ingay na naririnig ko sa paligid. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang puting-puting paligid. Napabalikwas ako ng bangon. Nasaan ako?
Nilibot ko nang tigin ang paligid ng kwartong inuukopa ko. Napag-alaman kong nasa hospital pala ako. Ang huling pagkakatanda ko ay ang biglaang paghandusay ng katawan ko sa damuhan. Wala na akong alam sa mga sumunod na pangyayari. Hindi ko rin alam kung sino ang nakapagdala sa akin dito.
Muli na naman akong napaiyak nang maalala mo ang mga nangyari. Tiningyan ko pa ang cellphone ko para alamin kung tumawag o nagtext man lang ba ito pero kahit isa ay wala akong natanggap na tawag o text mula dito. Mas naiyak pa ako sa isiping nagawa ako nitong tiisin. At ang kaalaman na magkasama parin sila ni Ysa hanggang sa mga oras na ito ang siyang mas dumudurog sa puso ko. Hindi ko na napigilan na mapahagulhol.

BINABASA MO ANG
𝗠𝘆 𝗜𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗮𝗿𝘆 𝗕𝗼𝘆𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱 (Completed)
RomanceHave you ever tried to have an imaginary boyfriend? Meet Kaden Louise De Guzman, ang babaeng wala nang ibang ginawa kundi ang mag-imagine ng about sa love life niya. Pero paano kung ang lalaking binuo nito sa imahinasyon nito ay nag-eexist pala sa...