MY IMAGINARY BOYFRIEND
written by: heartless_scars
MIB7
KADEN'S POV
Maaga akong nagising ngayong araw. May sakit kasi si mama kung kaya't sa akin nakaatang ang pamamalengke at pagluluto ngayon. Ako rin ang mag-aasikaso ng kainan.
Tamang-tama lang naman ang sitwasyon dahil wala naman akong balak puntahan si Adonis. Masama parin yung loob ko sa kanya. Hindi niya man lang na- appreciate yung ginawa ko kahapon.
Naalala ko pa ang eksena nito kahapon at ng girlfriend nito. Ipokrita ako kung sasabihin ko na hindi ko hiniling na sana ako iyon. Na sana ako yung babaeng nakakapag-pangiti sa kanya ng ganon.
"Hoy! Ate! yung niluluto mo sunog na!" napapitlag ako sa malakas na pagsigaw ng kapatid ko. Agad kong tiningnan ang niluluto ko pero laking inis ko nang makita kong ni hindi pa man lang ito kumukulo.
"Bwisit ka talaga kahit kelan Elizabeth!" inis na bulyaw ko dito at ibinato dito ang hawak kong sandok.
"Eh kasi naman ate, kanina ka pang nakatulala dyan tapos yung nguso mo, pwede nang masabitan ng kaldero." asar pa nito.
"Eh sa naiinis ako kay Adonis eh. Bakit kasi may girlfriend siya hmmp! ako dapat 'yon eh!" bulyaw ko.
" Wow ate! alam mo? nababaliw kana, kung ako sa'yo, tigilan mo na yung kakaimagine mo. Wala ka rin namang mapapala." panenermon nito sa akin.
"Hindi ako nag-iimagine. Totoo si Adonis, nakilala ko na siya" nakaingos na ani ko dito. Nagulat na lang ako nang bigla itong tumawa ng malakas.
"Sige ate mangarap ka pa total libre naman yan" tumatawa pa ring pang-aasar nito sa akin.
"Psh! totoo nga siyaaa! sige pag nakita ko ulit, papakilala ko siya sa'yo." pangumgumbinsi ko dito.
"Hayyst ate, sige sabihin na natin na totoo nga siya, pero sabi mo diba may girlfriend na. Kaya kung ako sa'yo ate, tigilan mo na. Ipasok mo dyaan sa kukote mo, na iyong imahinasyon mo, hanggang imagination mo na lang at hinding-hindi iyon magkakatotoo." seryong ani nito sa akin at tinalikuran na ako.
Nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi nito. Pumasok sa isip ko ang hitsura ng girlfriend nito. Matangkad, balingkinitan ang katawan, maganda, alon-alon ang buhok idagdag pa ang maputi at makinis nitong balat. Malayong-malayo sa akin.
Siya yung lalaking binuo ko sa aking imahinasyon. Ang lalaking pinapangarap ko ngayon, pero hindi niya ako gusto at alam kong hinding-hindi niya ako magugustuhan.
Nang dahil sa isiping iyon ay tila nawalan ako ng gana sa lahat. Ramdam ko ang pananamlay ng katawan ko. Ramdam na ramdam ko 'yong lungkot. Nag focus na lang ako sa pag-aasikaso ng kainan. Panaka-naka ay ngumingiti naman ako sa tuwing may lalapit sa akin na costumer para mag-order.
KLIO'S POV
Kaninang umaga pa akong hindi mapakali. Panay ang sulyap ko sa pintuan ng opisina ko. Naninibago lang kasi ako, maghapon na walang miss palengkera na nangulit sa akin.
"Ano kayang nangyari sa babaeng 'yon?" ani ko sa isip.
"Eh ano ba naman ngayon sa'yo Klio kung hindi siya pumunta para kulitin ka? Bakit parang apektadong- apektado ka?" pag-kontra naman ng kabilang bahagi ng isip ko.
Inis na napasabunot ako sa sarili kong buhok.
"Psh! ano nga bang pakialam ko kung hindi siya pumunta? tss! sino ba siya?" inis na bulyaw ko.
Hindi ko rin maintindihan kung anong nangyayari sa sarili ko. Siguro ay masyado lang akong nasanay sa ingay ng babaeng iyon kung kaya't naninibago ako ngayon.
Tiningnan ko ang oras at nakita kong pasado alas tres na pala ng hapon. Nakaramdam ako nang pangangalam ng sikmura kung kaya't nagpasya akong lumabas para maghanap ng makakainan.
Namalayan ko na lang ang sarili kong tinatahak ang daan papunta sa dereksyon nang kainan nina Miss Palengkera.
Ilang ulit pa akong huminto bago ko napagpasyahang tumuloy na.
Wala naman sigurong masama, kakain lang naman ako. Isa pa masarap talaga ang mga pagkaing tinda nila. Napatunayan ko iyon noong minsan na dinalhan ako nito ng adobo.
Pagkapasok ko pa lang ay agad na hinanap ng paningin ko si miss palengkera. Pero agad ding nag-init ang ulo ko sa naabutang eksena. Nakikipag- tawanan ito sa lalaking kausap nito habang tila enjoy na enjoy naman ang huli. Agad kong nilapitan ito para kuhanin ang atensyon nito pero hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin kung kaya't inis na akong sumingit sa pag-uusap ng mga ito.
"Miss, kanina pa ako dito. Pwede ba unahin mo muna 'yong mga costumer mo bago ka makipag-harutan." seryosong ani ko dito.
"excuse me Mister? hindi ako nakikipag-harutan, isa pa costumer din siya." ani nito na mas ikina-inis ko.
Sino ba kasi yang lalaking yan at ganyan niya akong kausapin.
"Look,miss, nagmamadali ako. Ngayon, kung magtatagal pa yang pagngingitian niyo, baka pwedeng pagbilhan mo muna ako" napipikang ani ko dito.
"Nauna siya sa'yo kaya matuto po sana tayong maghintay. Ngayon, kung hindi ka makapaghintay, free po kayong lumipat sa iba." sagot nito na hindi man lang ako tinitingnan.
Psh! Ano bang problema ng babaeng ito at ganito ngayon.
Inis na inis na lumabas na lang ako at tinungo ang sasakyan. Naglalaro parin sa isip ko kung paano itong makipag-ngitian sa lalaking iyon.
"Psh! Ano bang pakialam ko?!" inis na bulyaw ko. Sa sobrang inis ko ay nasipa ko pa ang gulong ng sasakyan ko.
Fuck!
"Bakit ba apektadong-apektado ka? you're acting like a jealous boyfriend. Are you falling for her?" tanong ng kabilang bahagi ng utak ko.
Hell! No way!
Padabog akong pumasok ng sasakyan. Nahampas ko pa ang manobela sa sobrang inis.
She's not my type. I don't care about her. I will never fall for her. Never.
Talaga ba Klio? Kaya ba ganyan ka umasta? Sige lokohin mo lang sarili mo.
Damn!
Damn you woman!
BINABASA MO ANG
𝗠𝘆 𝗜𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗮𝗿𝘆 𝗕𝗼𝘆𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱 (Completed)
RomanceHave you ever tried to have an imaginary boyfriend? Meet Kaden Louise De Guzman, ang babaeng wala nang ibang ginawa kundi ang mag-imagine ng about sa love life niya. Pero paano kung ang lalaking binuo nito sa imahinasyon nito ay nag-eexist pala sa...
