MY IMAGINARY BOYFRIEND
written by: heartless_scars
MIB5
KADEN'S POV
"You're the coffee that I need in the morning
You're my sunshine when the rain is pouring~~" pakanta-kanta pa ako habang naglilinis ng bahay.
Excited kasi ako, makikita ko na naman si Adonis. Nagbabalak akong puntahan ito mamaya para dalhan ng pananghalian.
Sangkatutak na sermon ang inabot ko kay mama kahapon. Pero sulit naman dahil nalaman ko kung saan ko pwedeng puntahan si Adonis.
Matapos kong makapag-linis ng bahay ay sinimulan ko na ang pagluluto. Adobong baboy ang napili kong lutuin.
Gumawa din ako ng mango grahams para sa desert nito. Mag-aalas dyes 'medya nang makatapos akong magluto.
Naligo lang ako saglit at nagpasya nang umalis...
KLIO'S POV
Abala ako sa pagtsi-check at pag-pirma sa mga papeles nang pumasok ang sekretarya ko.
"Uhm, Sir? Excuse me sir, may babaeng naghahanap po sa inyo sa labas, papapasukin ko po ba?" nag-aalangan na tanong nito sa akin.
Alam kasi nito na ayaw na ayaw kong iniistorbo kapag may ginagawa ako.
Naisip ko na baka si Sky na ito, ngayong araw kasi ang dating niya ng Pinas.
Dito sa bansa gaganapin ang susunod niyang fashion show. And knowing Sky, hindi ito mahilig magpasundo. Basta-basta na lang itong sumusulpot.
Lumabas na ako para tingnan kung sino ang tinutukoy ng Secretary ko, pero para akong itinulos sa kinatatayuan ko nang makita ko duon ang bulto nang isang babae na pamilyar na pamilyar sa akin.
Ang babaeng naging dahilan nang lahat ng paghihirap ko. Ang babaeng matagal ko nang pilit kinalimutan.
"Ysa? Anong ginagawa niya dito? Paano niya nalaman na nandito na ako?" mahinang usal ko sa isip.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko, hindi ko parin pala kayang harapin ito. Maglalakad na sana akong muli pabalik ng opisina, pero huli na ang lahat, nakita na ako nito.
"Klio!" narinig kong pagtawag nito sa pangalan ko.
Napapikit ako.
The way she says my name, walang nagbago, ganoon parin ang epekto nito sa akin.
"Klio, I missed you! It's been a long time, How are you?" casual na tanong nito sa akin nang makalapit na ito.
Kumuyom ang kamao ko.
Papaano niyang nagagawang maging ganito ka-casual sa harap ko na parang walang nangyari sa pagitan naming dalawa.
Naisip ko si Sky, kung nandito lang sana ito ay wala akong magiging problema. Kung bakit kasi wrong timing ang pagpapakita niya.
Hindi pa ako handa.
"Klio..." ani nitong humawak pa sa braso ko.
Shit!
Pakiramdam ko ay bumabalik na naman sa akin ang lahat. Unti-unti na naman akong kinakain ng sakit ng nakaraan.
Tatalikuran ko na sana ito para takasan nang mahagip ng paningin ko ang isang babaeng hindi magka-intindihan sa dala-dala nitong malaking basket. Napangiti ako, she saved me again.
"Baby! Hey! I'm here!" nakangiti at malakas na pagtawag ko dito. Nang makita ako nito ay tumakbo itong papalapit sa akin. Pagkalapit pa lamang nito sa akin ay niyakap ko na ito ng mahigpit at hinalikan sa buhok.
"Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kitang hinihintay." malambing na ani ko dito. Sinigurado ko na maririnig nang babaeng nasa likuran namin ang lahat ng mga sinasabi ko. Kitang-kita ko naman ang gulat nang babaeng kaharap ko. Nanlalaki ang mga mata nitong titig na titig sa akin.
"A-ah ehh n-nagdala a-ako ng a-adobo" pautal-utal na ani nito sa akin. Ramdam ko pa ang panginginig ng katawan nito.
"Wow! Thank you baby! Alam na alam mo talaga ang paborito ko. Iloveyou!" malambing na ani ko at kinintalan ko ito nang mabilis na halik sa labi na naging dahilan ng panlalaki ng mata nito. Muntik na akong matawa sa reaksyon ng mukha nito.
"Klio..Who is she?" narinig kong tanong ni Ysa.
"What's your name?" bulong ko sa babaeng kaharap ko. Ilang araw na akong kinukulit nito pero hanggang ngayon ay hindi ko parin alam ang pangalan nito.
"K-kaden" utal na sagot nito. Napangiti ako, unique para sa isang babae. Hinapit ko ito sa bewang at nakangiting hinarap ko si Ysa.
"Meet Kaden, my fiancee." may diing ani ko dito.
Kitang-kita ko kung paano nanglaki ang mga mata nito.
"No, Klio, this can't be happening." umiiling-iling na ani nito. "She's your fiancee?" hindi makapaniwalang dugtong pa nito habang pinagmamasdan si Kaden mula ulo hanggang paa.
"Kasasabi ko lang, she's my fiancee, kaya maaari ka nang umalis. Wala na tayong dapat pang pag-usapan." mariing ani ko.
"God Klio! I can't believe you! Ipinagpalit mo 'ko sa isang...sa isang...grrr!" inis na inis na ani nito habang paulit-ulit na pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ni Kaden.
"What?! We love each other, what's wrong with that? And one more thing, drop the word 'pinagpalit', hindi kita pinagpalit. You left me. You chose him over me." may pait na ani ko dito.
"Klio, please, let me explain. Kung ano man yung nagawa ko noon, matagal ko nang pinagsisihan iyon." pagmamakaawa nito sa akin.
"Wala na tayong dapat na pag-usapan pa Ysa. Ikakasal na ako. Umalis ka na." may diing ani ko dito.
Kitang-kita ko kung paano namasa ang mga mata nito. Tinalikuran ko na ito bago pa ako traydurin nang kung anong totoong nararamdaman ko para dito.
"Ysa!"
Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang pamilyar na tinig na iyon.
"Kyro" usal ko sa isip. Ang lalaking naging dahilan nang lahat.
Nakita ko pa kung paano nitong niyakap ang babaeng dapat ay akin. Napakuyom ang kamao ko.
"Hindi ka parin nagbabago, tuso ka parin." galit na ani ko sa isip.
I will make sure na mababawi ko sayo lahat ng kinuha mo sa akin.
Muli ko pang sinulyapan ang mga ito bago ako walang lingon-likod na naglakad papalayo...
KADEN'S POV
Kanina pa akong kinakaladkad ni Adonis. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Nakasunod lang ako dito habang hawak-hawak nito ang kamay ko. Nagtataka ako sa mga inaasta nito ngayon. Hinalikan pa ako nito kanina sa labi na ikinagulat ko. Alam kong may hindi magandang nangyayari pero hindi ko maiwasang kiligin. Napangiti pa ako nang makita kong hawak-hawak nito sa kabila nitong kamay ang basket na naglalaman ng mga pagkaing iniluto ko para dito.
Sino kaya ang babaeng iyon? Ano kayang meron sa kanila ni Adonis ko. Wala pa man ay nakaramdam na ako ng kirot sa dibdib.
Nakita ko kung paano itong tingnan ni Adonis. Nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot, sakit at galit.
Ano kayang ginawa nila sa Adonis ko?
Napatingin ako sa mga kamay naming magkahawak.
Ipinapangako ko, kung ano man ang ginawa ng babaeng iyon ay hinding-hindi ko gagawin sa'yo. Iingatan kita at ipaparamdam ko sayo ang pagmamahal na deserve mo. Mahalin mo lang ako Klio. Mahalin mo lang ako...
BINABASA MO ANG
𝗠𝘆 𝗜𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗮𝗿𝘆 𝗕𝗼𝘆𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱 (Completed)
Любовные романыHave you ever tried to have an imaginary boyfriend? Meet Kaden Louise De Guzman, ang babaeng wala nang ibang ginawa kundi ang mag-imagine ng about sa love life niya. Pero paano kung ang lalaking binuo nito sa imahinasyon nito ay nag-eexist pala sa...
