CHAPTER TWENTY FOUR

53 6 0
                                        

           MY IMAGINARY BOYFRIEND
            written by: heartless_scars

MIB24

KADEN'S POV

Napapikit ako nang maramdaman ko ang malamig na simoy nang hangin na tumama sa balat ko. Nandito kami ngayon sa dalampasigan kung saan nakahimpil ang private plane na siyang maghahatid sa amin sa America. Buong akala ko ay sa airport ang punta namin. Hindi ko akalain na ganoon pala kayaman ang pamilya nina Travish.

Nanlaki ang mga mata ko nang makasakay na kami sa loob. Namamanghang pinagmasdan ko ang kabuuan nito. Kumpleto nang mga kagamitan sa loob, meron ding mini bar kung saan nakadisplay ang iba't ibang klase ng alak. Kapag nasa loob ka na ay hindi mo aakalain na nasa loob ka ng isang eroplano.

Naupo na ako sa katabing upuan ni Travish. Isinuot nito sa akin ang seat belt nang makaupo na ako. Napakapit ako nang mahigpit sa blanket na hawak ko at napapikit ng mariin nang magsimula nang lumipad ito. Nakakaramdam na rin ako ng panginginig ng katawan. Takot ako sa heights.

"Hey, are you okay? Namumutla ka" nag-aalalang tanong sa akin ni Travish ng mapansin nito ang panginginig ko.

"N-natatakot ako Trav." nanginginig paring ani ko dito.

"Hindi mo sinabi sa akin na may phobia ka sa heights." nag-aalala paring ani nito at kinuha ang kamay ko.

"Don't be afraid, I am here. shhh." ani nito at niyakap ako. Marahan ding hinahaplos nito ang buhok ko dahilan para medyo kumalma ako. Nakaramdam ako ng antok. Pumikit ako at humilig sa dibdib nito. Ilang saglit pa ay hindi ko na namamalayan ang nangyayari sa paligid.

Nagising ako sa sari-saring ingay na naririnig ko sa paligid.

"Wake up sleepy head. We're already here." masuyong ani sa akin ni Travish. Mumukat-mukat pa ang matang napatingin ako dito. Yakap-yakap parin pala ako nito.

"Nasa America na tayo???" nanlalaki ang mga matang tanong ko dito na siyang ikinatawa nito.

"Yeah, kaya halika na. Kailangan na nating bumaba. Masyado na nang naliligayahan sa pagkakasandal sa dibdib ko." natatawang ani nito na ikinapula ng magkabilang pisngi ko. Inirapan ko ito at nag-ayos na ng sarili.

"Sus buti sana kung hindi ko alam na gustong-gusto mo rin naman" ani ko dito na siyang ikinahalakhak nito.

Napatitig ako sa mukha nito. Hulog siya ng langit. Kung hindi ko siguro siya nakilala ay baka hanggang ngayon nagmumukmok parin ako sa bahay. Baka kahit pag-ngiti ay hindi ko magawa. Pero nang dahil sa kanya, kahit papaano ay medyo gumagaan ang nararamdaman ko. Thankful ako na nasa tabi ko siya.

Sa mga katangian ni Travish ay masasabi kong hindi ito mahirap mahalin. Napaka swerte nang babaeng makakakuha ng puso nito at batid kong ako iyon. Lantaran naman nitong ipinapakita ang kung ano mang nararamdaman nito sa akin. Pero ayokong maging unfair sa kanya. Kung darating man yung time na susuklian ko ang nararamdaman niya para sa akin, gusto ko 'yong buong-buo. Sa ngayon ay paghihilumin ko muna ang sugat sa puso ko na nilikha ni Klio. At sa oras na maghilom na ito hahayaan kong paunti-unti itong buksang muli para kay Travish.

Huminga ako nang malamim at pinagmasdan ko ang buong paligid. Bago sa akin ang lahat. Ang mga tao at ang kapaligiran. Napapikit ako nang maalala ko si Klio at lahat ng mga nangyari sa amin.

Ang masasayang ala-ala na binuo ko sa aking imahinasyon sa pagitan naming dalawa ay tuluyan ng naglaho. Napalitan na ito ng mga masasakit na ala-ala...



KLIO'S POV

Fuck!

Sunod-sunod ang naging pagmumura ko nang malaman ko buhat sa mama ni Kaden na nakaalis na ito papuntang ibang bansa. Ilang beses kong itinanong kung saang bansa ang tungo nito pero wala akong nakuhang sagot. Ayon dito ay sinadya ni Kaden na hindi ipaalam sa kanila kung saang bansa ito pupunta.

Halos paliparin ko na ang sasakyan ko patungong airport. Nahahampas ko pa ng malakas ang manobela sa tuwing kailangan kong huminto dahil sa tindi ng traffic.

"Hey! Ano ba?! may balak ka pa bang mag-drive?!" sigaw ko sa nasa unahang sasakyan ng sinasakyan ko. Maluwag na ang daan pero nakahinto parin ito.

Bumaba na ako nang sasakyan nang ilang minuto na ay hindi parin ito umaarangkada.

"Hey! ano ba?! kanina pang maluwag ang daan! Nagmamadali ako!" galit na sigaw ko sa driver ng sasakyan.

"Not my problem dude" nang-aasar na ani nito bago pinaharurot ang sasakyan.

"Fuck you!" galit na sigaw ko. Galit na sumakay ako ng sasakyan ko at mabilis na pinaharurot iyong paalis.

What with those people! shit!

Nakahinga ako nang maluwag nang sa wakas ay matanaw ko na ang airport. Mabilis akong bumaba ng sasakyan. Lakad-takbo akong pumasok sa loob.

Nilibot ko ang buong paligid. Halos lahat ng pasahero na nakapila ay iniisa-isa kong tingnan. Nagbabakasakali ako na baka isa si Kaden sa mga iyon. Maging sa mga comfort room ay nag-aabang ako ng mga lumalabas. Ilang oras din na ganon ang ginagawa ko.

Pagod na pagod na napaupo ako sa isa sa mga upuan na naroroon. Napasabunot ako sa sariling buhok.

Pakiramdam ko ay mababaliw ako sa isipin na wala na si Kaden. Tuluyan na itong lumayo. Masyado akong nahuli.

Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. Hindi ko alam kung saan ko siya matatagpuan. Pero kung kinakailangang libutin ko ang buong mundo matagpuan ko lang siya ay gagawin ko...



Authors note: work of fiction ito kaya pagpasensyahan niyo yung discription ko ng private plane nyahahhaha wala gusto ko lang mag-imagine kayo ng kakaiba.

𝗠𝘆 𝗜𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗮𝗿𝘆 𝗕𝗼𝘆𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon