CHAPTER TWENTY FIVE

47 7 0
                                    

           MY IMAGINARY BOYFRIEND
            written by: heartless_scars

MIB25

KADEN'S POV

4yrs later...

"Travish ano ba? relax! sino ba kasi yang kikitain natin at daig mo pang hinahabol ng sampung kabayo?" natatawang ani ko kay Travish ng halos kaladkarin na ako nito palabas ng condo unit ko.

"Baby, look excited lang talaga akong ipakilala siya sa'yo." naiiling na sagot nito sa akin at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan.

"Oo na, oo na, sige na." natatawang pagsang-ayon ko na lang dito at sumakay na ng sasakyan.

"So, how's life? kumusta ang modeling?" nakangiting tanong nito sa akin habang nagmamaneho.

Kababalik lang nito noong nakaraang linggo. Halos dalawang taon din itong namalagi sa Canada. Simula noong umalis ako bilang nurse sa pag-aaring hospital nito ay ilang araw lang ang nakalipas at lumipad din ito papuntang Canada. Duon na ito namalagi ng mahabang panahon. Ako naman ay sinuwerteng nagustuhan ng isa sa mga modeling agencies dito sa America kaya napasok ko ang mundo ng pagmomodelo.

"Well, it's been a year since pinasok ko ang pagmomodelo at masasabi ko naman na nag-eenjoy ako. Hanggang ngayon ay maganda pa naman ang takbo ng career ko." nakangiting pagkukwento ko dito.

"Successful kana and I am so proud of you. That's my Kaden." ani nito at kinindatan ako. Natawa na lang ako at bahagya ko itong pinalo sa braso.

"Thanks to you" masuyong ani ko dito. 

"Anything for you baby." kumikindat-kindat parin na ani nito. Kinuha pa nito ang isang kamay ko at bahagyang hinalikan iyon. Napahalakhak ako sa ginawa nito. Kahit kelan talaga hindi parin ito nagbabago.

Matapos noon ay nagfocus na ito sa pagmamaneho. Ayon dito ay hindi kami makakarating agad kung patuloy kaming magkukwentuhan. Naiiling na isinandal ko na lang ang ulo ko sa headrest ng upuan. Napapikit ako nang dumaan ang sinasakyan namin sa hilera ng mga pine trees. Kaysarap ng malamig na hangin na tumatama sa mukha ko. Hindi ko tuloy maiwasang magbalik-tanaw sa nakaraan...

2yrs ago...

"Kaden, mahigit isang taon na ang nakakaraan. Hanggang ngayon ba siya parin? Kaya ba hindi mo makuhang buksan ang puso mo para sa akin?" seryosong ani sa akin ni Travish isang gabing ihatid ako nito sa bahay na tinutuluyan ko.

"Travish, I'm sorry. Ayokong maging unfair sa'yo. Na-aappreciate ko lahat ng mga ginagawa mo para sa akin pero, kahit anong gawin ko, kahit anong pilit ko, hanggang pag-kakaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa'yo. Maaaring nakalimot ang isip ko Trav, pero ang puso ko...hindi parin nakakalimot. Siya parin ang laman nito." pag-papaunawa ko dito. Sinubukan kong abutin ang kamay nito pero iniiwas nito iyon at walang imik na tinalikuran na ako.

Mula noon ay nagkaroon ng pader sa pagitan namin. Bibihira na ako kung kausapin nito. Kung may mga importanteng bagay lang na ipapagawa saka lang ako nito lalapitan para sabihan. Alam kong masama ang loob nito at hindi ko naman ito masisisi. May isang beses na nasigawan pa ako nito sa loob ng operating room nang minsang mali ang naibigay kong gamit dito. Ilang araw matapos ang eksenang iyon ay nag-resign din ako bilang nurse sa hospital na pag-aari nito. Mula noon ay nawalan na kami ng communication. Nalaman ko na lang, ilang araw matapos ang araw ng pagreresign ko, na umalis rin ito ng bansa.

Ako naman ay sinuwerteng nakapasok sa isang modeling agency. Naglalakad ako noon sa mall, at kasalukuyang nagtitingin ng job hiring nang aksidenteng mabangga ko ang may-ari ng modeling agency na pinagtatrabahuhan ko. Gulat na napatingin ito sa akin at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
Ayon dito ay may potential daw ako para pasukin ang mundo ng pagmomodelo.

𝗠𝘆 𝗜𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗮𝗿𝘆 𝗕𝗼𝘆𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon