MY IMAGINARY BOYFRIEND
written by: heartless_scarsMIB19
YSA'S POV
Napangiti ako nang matanawan ko si Klio na busy sa pakikipag-usap sa mga investors. Simula noong araw na dumating kami ay hindi na ito nilubayan ng mga ito kung kaya't alam kong hindi parin sila nagkakausap ni Kaden. Batid ko rin na may hindi pag-kakaintindihan ang mga ito. Narinig ko ito noong kinausap nito ang sekretarya nito para bilinan nang mga sasabihin kay Kaden bago kami umalis. Umaayon sa plano ko ang lahat.
Ngayong araw ang nakatakda naming pagbalik ng Manila. Hindi pupwedeng magka-usap ang mga ito. Kailangang maunahan ko sila. Kailangan ko nang maisagawa ang susunod kong plano. Kaagad kong tinawagan si Kyro para ipaalam dito ang mga dapat gawin.
Ilang saglit pa ay narinig ko na ang pagtawag ni Klio sa pangalan ko senyales na aalis na kami. Muli akong napangiti.
Magiging akin ka ulit Klio. Magiging akin ka ulit.
KLIO'S POV
Nag-aalalang idinial ko ang number ni Kaden nang matapos ang pakikipag-usap ko sa mga investors. Alam kong nagtatampo na ito. Mahigit isang linggo kaming hindi nagka-usap. Simula kasi noong araw na dumating kami ay hindi na ako nilubayan ng mga ito. Kung saan-saang site kami nagpupunta. Hindi ko naman pwedeng balewalain sapagkat pangalan ng kumpanya ang nakasalalay dito.
Nakailang dial na ako sa number nito pero hindi nito sinasagot. Malamang na nagtampo na nga ito. Napagpasyahan ko na sa bahay ng mga ito na lamang dumeretso. Miss na miss ko na ito.
Alas singko na ng hapon nang makarating kami ng Manila. Kaagad kong tinungo ang sasakyan kong nakaparada sa di kalayuan at pinaharurot itong paalis.
Mahigit isang oras din ang itinakbo ng sasakyan ko mula airport. Alas sais pasado na nang marating ko ang bahay nina Kaden. Excited na bumaba ako ng sasakyan. Dala-dala ang isang kahon na naglalaman ng infinity necklace ay excited kong tinungo ang bahay ng mga ito. Alam kong hindi mahilig si Kaden sa mga ganitong klase ng regalo pero gusto ko parin itong bigyan. Gusto kong makabawi sa naging pagkukulang ko dito nitong mga nakaraang araw.
"Tita, gusto ko po sanang maka-usap si Kaden." bati ko sa mama nito nang pagbuksan ako nito ng pinto.
"Wala dito si Kaden. May sumundo kanina sa kanya, akala ko nga ikaw." nagtatakang ani ng mama nito. Agad na nangunot ang noo ko sa sinabi nito. Sino ang pwedeng sumundo dito? Hindi pa man ay nag-ngingitngit na ako sa selos. Iniisip ko pa lang na may ibang lalaking kasama ito ay nag-iinit na ang ulo ko. Nag-paalam lang ako sa mama nito at umalis na rin para hanapin ito. Sinong kasama mo?
Nilibot ko na ang karamihan sa mga lugar na pinupuntahan nito pero hindi ko ito nakita. Isa na lang ang hindi ko napupuntahan, agad akong sumakay ng sasakyan at pinaharurot itong paalis.
Hindi nga ako nagkamali, malayo pa lang ay natanaw ko na si Kaden pero hindi nga ito nag-iisa. Kumuyom ang kamao ko sa naabutang eksena. Kitang-kita ko kung papaanong nginitian nito ang lalaking kaharap nito matapos nitong isuot ang hawak na kwintas dito. Kitang-kita ko rin kung papaanong naghalikan ang mga ito.
Fuck! Nahampas ko ang manobela ng sasakyan ko. Kelan pa Kaden? Kelan mo pa ako niloloko? Mas nakaramdam ako ng galit nang makilala ko kung sino ang lalaking kasama nito. Kyro... Fuck you! Kelan niyo pa ako niloloko? Damn!
Nakaramdam ako nang galit. Akala ko ay iba siya. Ganon din pala siya. Papaano niyang nagawa sa akin ang bagay na ito? Sa pangalawang pagkakataon, hinayaan ko na naman ang sarili kong gaguhin ng isang babae. Buong akala ko iba siya. Na siya na, pero hindi parin pala.
Muling kumuyom ang kamao ko. Muli na namang nawalan ng buhay ang mga mata ko. Unti-unti ko na namang nararamdaman ang pagiging bato ng puso ko. Inistart ko ang sasakyan ko at pinaharurot itong paalis duon. Halos liparin ko na ang daan. Humigpit ang pagkakahawak ko sa manobela.
I will forget you...Kaden...
BINABASA MO ANG
𝗠𝘆 𝗜𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗮𝗿𝘆 𝗕𝗼𝘆𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱 (Completed)
RomanceHave you ever tried to have an imaginary boyfriend? Meet Kaden Louise De Guzman, ang babaeng wala nang ibang ginawa kundi ang mag-imagine ng about sa love life niya. Pero paano kung ang lalaking binuo nito sa imahinasyon nito ay nag-eexist pala sa...