CHAPTER TWENTY SIX

54 7 0
                                        

           MY IMAGINARY BOYFRIEND
             written by: heartless_scars

MIB26

YSA'S POV

Buhat kaninang madaling araw pagkarating ko pa lang ay alak na ang hinarap ko. Hindi ko alam kung gaano karaming tequila na ba ang naiinom ko. Wala akong pakialam. Gusto kong lunurin ang sarili ko sa alak. Madaliang linagok ko ang tequilang laman ng basong hawak ko nang pumasok sa isip ko ang naging huling pag-uusap namin ni Klio.

"Ganyan na ba talaga kababa ang tingin mo sa sarili mo Ysa?!" galit na ani nito sa akin ng sapilitan ko itong halikan sa labi.

"Klio, mahal na mahal kita ang gusto ko lang naman ay bumalik ka sa akin." nagmamaka-awang ani ko dito. Kulang na lang ay lumuhod ako sa harapan nito. Galit na hinawakan nito ang magkabilang balikat ko at inalog-alog.

"Ysa! naririnig mo pa ba ang sinasabi mo?! Hindi na kita mahal! Si Kaden na ang mahal ko! at kahit ilang beses ka pang maghubad sa harapan ko, hinding-hindi kita papatulan!" sigaw nito sa mukha ko bago ako nito binitawan at naglakad nang papalayo.

Umiiyak na tinanaw ko ito. Siguro nga ay kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung hindi ko siya iniwan noon, nasa akin sana siya at hindi sana ako nagmamakaawa dito ngayon.

Pinunasan ko ang mga luhang patuloy na umaagos sa pisngi ko. Nakapag-desisyon na ako. Aalis ako ng bansa para sa ikatatahimik ng lahat. Titigilan ko na ito. Halos lahat na lang ay ginawa ko, pero lalo lang bumababa ang tingin nito sa akin. Siguro nga ay wala nang pag-asa pang bumalik ito sa akin. Sapagkat, matagal na itong pag-aari ng iba.

Muli kong nilagok ang laman ng basong hawak ko matapos kong alalahanin ang lahat ng iyon.

"I'm Ysa Montereal. Hindi ako basta-basta matatalo ng sakit na nararamdaman ko. " tikom ang kamao kong ani sa sarili. Sinunod-sunod kong lagukin ang natitira pang alak na nasa bote.

Nasa ganoon akong sitwasyon nang may mamataan akong isang gwapong lalaki sa di kalayuan sa mesang inuukupa ko. Napangiti ako nang makita kong nag-iisa rin ito. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at nilapitan ko na ito.

"Hi, alone?" malanding bati ko dito at bahagyang hinaplos-haplos ang braso nito. Namumungay ang mga matang napatingin ito sa akin.

"Yeah" halos mapanganga ako nang ngumiti ito. Mas lalong naningkit ang mga mata nitong ngayon ay titig na titig na sa mukha ko. Napansin ko rin ang dalawang malalalim na dimples sa magkabilang pisngi nito.

Napalunok ako nang unti-unti na nitong inilalapit ang mukha nito sa akin. Tumigil lang ito nang halos magdikit na ang mga labi namin. Ilang saglit pang tinitigan ako nito bago nito dinala ang labi nito patungo sa tenga ko.

"I would love to taste you right now, honey " bulong nito sa tenga ko. Napapikit ako at di na naiwasang mapaungol nang paglaruan nito ng dila ang punong tenga ko. Pakiramdam ko ay nawala ang lakas ko kung kaya't napaupo na ako sa kandungan nito.

Hinapit nito ang bewang ko at mariin akong hinalikan sa labi. Hindi ko na napigilang mapayakap dito at tugunin ang halik nito. Napaungol ako nang bahagya nitong kagatin ang pang-ibabang labi ko.  

"Not here baby, let's go somewhere else" ani nito sa paos na boses nang bitawan na nito ang labi ko. Hinawakan nito ang kamay ko at iginiya akong palabas ng bar.

Nakakaramdam na ako ng hilo kung kaya't hindi ko na alam kung saan ako dinala nito. Naramdaman ko na lang ang marahang pagbuhat nito sa akin. Napapikit ako at napasandal sa dibdib  nito. Napaungol ako ng marahan ako nitong inihiga sa kama.

"Fuck baby! You're too damn hot!" he said in a husky voice. He started to undress me using his lips. Hindi ko mapigilang mapadaing sa tuwing mag-iiwan ito ng mararahang halik sa balat ko na nalalantad.

𝗠𝘆 𝗜𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗮𝗿𝘆 𝗕𝗼𝘆𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon