MY IMAGINARY BOYFRIEND
written by: heartless_scarsMIB17
KADEN'S POV
Abala ako sa pag-aasikaso ng mga costumer nang may mamataan ako na pamilyar na bulto na papasok ng kainan. Tumaas ang kaliwang kilay ko nang makilala ko kung sino ito.
Ano kayang ginagawa ng babaeng 'to dito? Isa pa, papaano niyang nalaman ang lugar ko? Psh! subukan niya lang talagang gumawa ng gulo ibubuhos ko talaga lahat ng sabaw nitong mainit na tinola sa mukha niyang tinalo pa ang clown sa kapal ng make-up.
"So, ito pala ang negosyo ng pamilya mo? Isang cheap na karinderya." tila nandidiring ani nito pagkalapit pa lang nito sa akin. Tila nandidiring nilibot pa nito ng tingin ang paligid. Hindi ko na lang ito pinansin dahil sa ilang mga costumer pang kaharap ko na naghihintay ng mga orders nila.
Akala ko ay titigil na ito, pero hindi pa ito nakuntento, mas lumapit pa ito sa kinatatayuan ko at nagsimula na namang mang-insulto.
"Tell me bitch, paanong panlalandi ang ginawa mo para makuha mo si Klio?" nang-uuyam na tanong nito sa akin. Tinawag ko ang kapatid kong si Elizabeth para siyang mag-asikaso sa mga costumer. Matapos noon ay hinarap ko si Ysa. Hinawakan ko ang manggas ng suot nitong dress at hinila itong papalayo doon.
"Hey! ano ba! let go of me, bitch!" hysterical na ani nito habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak ko sa damit nito.
"Ikaw ang bitch! sumama ka sa'kin dito at dito tayo magtutuos!" gigil na ani ko rin dito at mas binilisan pa ang paglalakad dahilan para mas makaladkad pa ito. Natatawa pa ako sa tuwing muntik nang matapilok ito dahil sa taas ng takong ng suot nitong high heels.
Nang makarating na kami sa medyo tagong bahagi ng kainan ay saka ko ito pabiglang binitawan dahilan para ma-out- balance ito at mapaupo sa semento.
"Oppss! sorry! sinasadya ko." nang-iinis na ani ko dito. Tawang-tawa ako sa reaksyon ng mukha nito. Kung may camera nga lang akong dala ay baka kinuhanan ko na ito ng litrato.
"Urghh! how dare you do that to me!" numumula ang mukha sa galit na ani nito nang makatayo ito. Lalo pa akong natawa nang makita kong naputol ang takong ng isang sapatos nito.
"Urghh! See, what you did?! galit na galit na ani nito sa akin habang itinuturo ang nasirang sapatos.
"of course nakita ko, hindi naman ako bulag" nang-aasar na sagot ko dito.
"Fuck you!" galit na galit na ani nito sa akin at akmang susugurin ako. Hinawakan ko ang mga kamay nito at nginitian ito ng matamis.
"Galit kana niyan?" pang-aasar ko na mas ikinagalit nito.
"Huwag kang masyadong paka-kampante bitch! makukuha kong muli si Klio sayo! He's mine! Akin lang siya!" galit na sigaw nito.
Sa sinabi nito ay bumangon ang galit sa dibdib ko. Naalala ko ang mga ginawa nito kay Klio. At ang kapal ng mukha niyang magsabi pa nang mga ganyan.
"Iniwan mo siya diba? sinaktan mo siya! kahit anong gawin mo Ysa, nasa akin na siya! Wala ka nang magagawa dun." nagpipigil ng galit na ani ko.
"No bitch! hintayin mo lang, mababawi ko rin siya sa'yo!" sigaw nito.
"Dream on Ysa. I will wait for that day." ani ko at tinalikuran na ito.
YSA'S POV
"Arghh! Fuck you bitch!" galit na galit na sigaw ko nang talikuran ako ni Kaden. Wala na akong nagawa kundi ang lumabas ng karinderya. Paika-ika akong naglalakad dahil sa sirang sapatos ko.
Hindi pa tayo tapos! Arghhh! .
Masyado na siyang nasisiyahan kung kaya't kinakailangan ko nang gumawa ng aksyon. Kaagad kong tinawagan si Kyro.
"Magkita tayo." inis na ani ko dito nang sagutin nito ang tawag.
May naisip na akong plano. Napangiti ako. Imposibleng hindi ko sila mapaghiwalay dito sa gagawin ko.
Magpakasaya ka lang ngayon bitch! Wala pang nakakatalo sa isang Ysa Montereal. Sa'yo siya ngayon, pero magiging akin ulit siya sa mga susunod na araw.
Saglit ko pang sinulyapan ang ngayon ay abala nang si Kaden.
Be prepared bitch! I'm on my way.
KLIO'S POV
Nakangiting ipinasok ko sa sasakyan ang kumpol na pulang rose at isang human-size na stuff toy. Nakikinita ko na ang magiging reaksyon ni Kaden kapag nakita nito si stitch. Siguradong para na naman itong bata na magtatatalon sa tuwa. Napailing na lang ako at sinimulan ang pagmamaneho.
Ilang minuto lang ang itinakbo ng sasakyan ko papunta sa karinderya ng mga ito. Ipinarada ko lang ang sasakyan at tinungo na ang kainan.
Hindi nga ako nagkamali. Tumitili itong nagtatakbo papalapit sa akin nang makita ang dala-dala ko.
"Uwaahh! para sa'kin to?!" excited na ani nito nang iabot ko dito ang stuff toy.
"May pinuntahan kasi ako kanina and may nadaanan akong isang tindahan na puro stuff toy ang laman. Nakita ko yan and naisip kita kaya binili ko." nakangiting ani ko dito. Natawa ako nang malakas nang tumatalon-talon pa itong niyakap ako.
"Ang cute niya kyaahhh! Thank you Adonis ko. I love you!" ani nito at pinaulanan ako ng halik sa mukha.
"Tsk! I love you more baby." masuyong ani ko at hinalikan ito sa buhok. Kumalas ito sa pagkakayakap ko at tuwang-tuwang niyakap ang stuff toy na binigay ko. Nakangiting pinanood ko lang ito.
Nasa ganoon kaming tagpo nang biglang tumunog ang cellphone ko.
" You don't know her. She's up into something. So, be aware." pagbasa ko sa mensaheng natanggap ko mula sa hindi kilalang numero. Agad na nangunot ang noo ko sa nabasa. Sino ang babaeng tinutukoy niya?
Napatingin ako kay Kaden na tuwang-tuwa parin sa stuff toy na yakap-yakap nito. Imposibleng siya ang babaeng tinutukoy ng nagpadala ng mensahe. Saktong napatingin ito sa gawi ko. Parang batang ngumiti pa ito sa akin at kumaway bago nito ibinalik ang atensyon sa stuff toy.
No! Imposibleng siya. She's so pure and innocent at alam kong hindi nito makakayang gumawa ng anumang bagay na makakasakit sa iba lalo na sa'kin. Nilapitan ko ito at niyakap mula sa likod. I love her so much.
At kung sino man ang nagpadala ng mensahe, iyon ang aalamin ko...
![](https://img.wattpad.com/cover/268961663-288-k656946.jpg)
BINABASA MO ANG
𝗠𝘆 𝗜𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗮𝗿𝘆 𝗕𝗼𝘆𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱 (Completed)
RomanceHave you ever tried to have an imaginary boyfriend? Meet Kaden Louise De Guzman, ang babaeng wala nang ibang ginawa kundi ang mag-imagine ng about sa love life niya. Pero paano kung ang lalaking binuo nito sa imahinasyon nito ay nag-eexist pala sa...