CHAPTER THIRTY ONE

59 6 0
                                    

MY IMAGINARY BOYFRIEND
written by: heartless_scars

MIB31

KADEN'S POV

Nagising ako nang maramdaman kong wala na si Klio sa tabi ko. Mumukat-mukat pa ang matang bumangon ako at hinanap kung nasaan ito pero agad na nangunot ang noo ko nang natapos ko nang malibot ang buong kwarto pero hindi ko ito natagpuan. Inisip ko na lang na baka nag jogging ito sa labas.

Kinuha ko ang tuwalya at maghahanda na sana para maligo nang may mapansin akong isang kapisarong papel na nakapatong sa kama kung saan ito nakahiga.

Good morning baby! Meet me at the gazebo. I'll wait for you there. Iloveyou!

Hindi ko maiwasang kiligin at mapangiti sa nabasa. Isipin ko pa lang na makikita ko na naman ito ay kinikilig na ako.

Ewan ko ba.

Halos araw-araw naman kaming magkasama pero pakiramdam ko ay palagi parin akong sabik na makita ito. Ganoon yata talaga kalakas ang epekto nito sa akin. Wala sa sariling napangiti na naman ako.

Wala na akong inaksayang sandali. Itinali ko lang ang buhok at nag-ayos ng konte. Matapos makapag-ayos ng sarili ay tinungo ko na ang gazebo. Baka kanina pang naghihintay ito.

Natigilan ako nang paglabas ko ay may mga pulang rosas akong nakita na nagkalat sa daan. Isa-isa kong pinulot ang mga ito. Kada isa sa mga ito ay may nakalakip na kapirasong papel na may nakasulat na mensahe.

You remember the first day we first met? You claimed that I'm your boyfriend and you keep on calling me 'Adonis ko' yeah...It's kinda weird but sweet.

Hindi ko maiwasang matawa ng malakas sa nabasa. Naaalala ko pa iyong time na iyon. Iyon 'yong time na inakala kong nang-galing siya sa libro o di kaya ay sa unang panahon. Hindi ko maiwasang matawa sa tuwing maaalala ko ang mga katangahan ko noon. Naiiling na ipinagpatuloy ko pa ang pagbabasa ng iba pang mensahe.

The first time I laid my eyes on you, there is a strange feeling inside me that I can't explain. A weird feeling na noon ko lang naramdaman. Nakumpira ko lang iyon noong araw na nakita kitang makipag-ngitian sa lalaking iyon. Fvck! I am so fvcking jealous that time.

Sus! sabi na eh pakipot lang talaga siya noong una.

Shett! kinikilig na naman ako! bakit kasi may mga paganito pa siya.

Ipinagpatuloy ko parin ang paglalakad. Napagtanto ko na ang mga bulaklak na nagkalat sa daan ay patungo kung saan naroon ang gazebo.

Pinulot ko pa ang tatlong huling rosas na may nakasulat na, 'I LOVE YOU'.

Nang makarating sa gazebo ay agad kong hinanap si Klio pero hindi ko ito nakita. Sa halip, ay isang cute na human-size teddy bear ang nandoon. May nakadikit na namang notes sa katawan ng teddy bear. Kinuha ko iyon at binasa ang nakasulat.

Just follow those petals baby and see me...

Nangunot ang noo ko habang nagpapalinga-linga at hinahanap ang mga petals na sinasabi nito. Lumabas akong muli ng gazebo.

Agad akong napangiti ng matanaw ko ang mga puting petals ng rosas na nagkalat sa daan.

Agad ko itong pinuntahan at sinundan kung saan ito patungo.

Dinala ako ng mga ito sa isang tagong hardin.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang ayos nito. Namamanghang pinagmasdan ko ang paligid.

𝗠𝘆 𝗜𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗮𝗿𝘆 𝗕𝗼𝘆𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon