MY IMAGINARY BOYFRIEND
written by: heartless_scarsMIB22
KLIO'S POV
"What is this Angel?! Hindi ito ang mga papeles na kailangan ko!" galit na sigaw ko sa sekretarya ko nang ibang mga papeles ang iniabot nito sa akin.
"S-sorry po s-sir hindi k-ko po masyadong n-narinig ang sinabi niyo" pagpapaliwanag nito na mas ipinag-init ng ulo ko.
"I don't need your damn explanation! What I need are those damn papers! Damn it!" napahilot ako sa sintido nang maglaglagan ang hawak nitong mga folder. Nagmamadali nitong pinulot ang mga iyon at nagmamadaling lumabas. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Nitong mga nakaraang araw ay naging magagalitin ako. Halos hindi ko na rin nakokontrol ang temper ko. Pagod na ibinagsak ko ang katawan sa swivel chair. Napapikit ako...It's all because of you Kaden...
"K-klio..." natigilan ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Lumambot ang ekspresyon ng mukha ko pagkakita ko dito. Damn! I missed her so much.
Nanatili lang akong nakatitig sa mukha nito habang naglalakad itong papalapit sa akin. Napadako ang tingin ko sa leeg nito. Agad na nabuhay ang galit sa dibdib ko pagkakita ko sa kwintas na suot-suot nito. Iyon ang kwintas na ibinigay dito ni Kyro. Napakuyom ang kamao ko.
Anong motibo niya para magpakita pa sa'kin? Para ano? Para ipamukha sa'kin na ipinagpalit niya ako sa iba kapalit ng isang kwintas?
"K-klio pwede ba t-tayong m-mag-usap?" mahinahong tanong nito nang makalapit ito sa akin. Galit na hinarap ko ito at hinawakan sa braso.
"Saan ka ba kumukuha ng kapal ng mukha para magpakita pa sa'kin?" galit na ani ko dito. Napasinghap ito sa sinabi ko. Nakita ko rin ang pangingilid ng luha nito.
"K-klio n-nasasaktan ako." ani nito na pilit na nagpupumiglas sa pagkakahawak ko.
"You can leave now Kaden. I don't want to see you anymore." malamig na ani ko dito at binitawan ito.
"K-klio please kausapin mo naman ako. H-huwag namang ganito. B-bakit ba bigla ka na lang nagkaganyan?" nagmamaka-awang ani nito sa akin.
Pfft! natawa ako ng mapakla sa sinabi nito. Oo nga pala hindi nga pala nito alam na alam ko na ang ginagawang panloloko nito sa akin. Galit na hinarap ko ito.
"Hindi ka ba nakakaintindi?! I said leave!" galit na galit na sigaw ko dito.
"K-klio mahal na mahal kita" nakuha pang sabihin nito bago ito umiiyak na nagtatakbong papalabas ng opisina ko.
Damn! Ang galing niyang magdrama! Papaano niyang nakukuhang sabihin sa akin ang mga salitang iyon gayong alam niya sa sarili niya na niloloko niya ako? Damn her!
Aaminin ko, may parte parin sa puso ko na hinahanap-hanap ang presence niya. Walang ibang laman ang puso ko kung hindi siya. Pero kung kinakailangan kong patayin ang pagmamahal na iyon maprotektahan lang ang sarili ko sa mga panlilinlang niya ay gagawin ko.
Hinding-hindi na niya ako muling maloloko...
KADEN'S POV
Wala paring tigil ang paglalandas ng luha ko. Hindi ako makapaniwala na magagawa akong ipagtabuyan ni Klio. Hindi ko na makita sa kanya ang lalaking minahal ko. Ang sabi niya mahal niya ako pero bakit nagagawa niya akong saktan ng ganito?
Takbo lang ako nang takbo. Sobra-sobra akong nasasaktan. Siguro nga hindi niya naman ako totoong minahal. Baka ginamit niya lang talaga ako para magkabalikan ulit sila ni Ysa. Pero bakit kelangang maging ganito kasakit? Nagmahal lang naman ako pero ang sakit-sakit niyang mahalin. Ang sakit-sakit mong mahalin Klio.
Siguro nga ang tanga ko na naniwala akong kaya mo 'kong mahalin. Ano nga bang laban ko kay Ysa? Nasà sa kanya ang lahat ng katangian ng isang babae na babagay sayo. Eh ako? Sino ba ako? Isa lang naman akong hamak na babae. Bakit nga ba hindi ko ito naisip noon? Masyado akong nagpadala sa nararamdaman ko.
Nakaramdam ako nang pagkahapo. Tumigil ako sa pagtakbo at pagod na naupo sa damuhan. Huminga ako ng malalim para pigilan ang mga luhang walang tigil sa pagpatak.
Tinanaw ko ang kulang dugong kalangitan. Pinagmasdan ko ang paglubog ng araw. Napayakap ako sa sarili nang maramdaman ko ang pagtama ng malamig na simoy ng hangin na tumatama sa balat ko. Napatingin ako sa braso ko nang may maramdaman ako kirot duon. Naroroon parin ang marka ng kamay ni Klio dahilan sa maghigpit na pagkakawahak nito sa braso ko kanina. Di ko na naman napigilang mapaiyak.
Nasa ganoon akong tagpo nang maramdaman ko ang pagbalot ng isang makapal na bagay sa katawan ko.
"Malamig na dito, bakit hindi ka pa umuuwi? Papadilim na rin. Hindi na safe para sayo ang manatili pa sa labas." napalingon ako sa may-ari ng boses na iyon. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Travish.
"Kailangan mo ba ng makakausap?" mahinahong dugtong pa nito at umupo sa tabi ko.
"Hey, I'm here. Kagaya ng dati, pwede mong gawing pamunas ng luha mo ang suot kong polo. Pwede mo rin akong maging tagapakinig." ani pa nito. Sinapo nito ang baba ko at pinaharap ako sa kanya.
"Tell me all your problems. Makikinig ako" ani pa nito habang titig na titig sa mga mata ko.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at mahigpit na akong napayakap dito. Umiyak ako ng umiyak sa dibdib nito. Hinayaan ko ang sarili kong ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Bahagya akong inilayo nito sa katawan nito at sinapo nito ang magkabilang pisngi ko.
"I told you before, you don't deserve that pain." ani nito at pinunasan ang mga luha ko. Napatitig ako dito. Kitang-kita ko ang senseridad sa mga mata nitong nakatitig din sa akin.
"Gusto mo ba siyang makalimutan?" mahinahong tanong nito na hindi inaalis ang pagkakatitig sa mukha ko. Marahan akong tumango kasabay ng mahihinang paghikbi.
"Be with me. I will heal your wounds." masuyong ani nito at niyakap ako.
Hinayaan ko ang sarili kong makulong sa mga bisig nito. Naramdaman ko ang marahang paghalik nito sa buhok ko. Napapikit ako.
Maaaring mahirap pero kakayanin ko. Masyadong malalim ang itinanim ni Klio sa puso ko. Pero kailangan kong subukan. Kailangan kong kayanin. Hanggang sa dumating yung araw na unti-unti na akong makakalimot. Hanggang sa dumating yung araw na tuluyan na akong makaahon...
![](https://img.wattpad.com/cover/268961663-288-k656946.jpg)
BINABASA MO ANG
𝗠𝘆 𝗜𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗮𝗿𝘆 𝗕𝗼𝘆𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱 (Completed)
RomanceHave you ever tried to have an imaginary boyfriend? Meet Kaden Louise De Guzman, ang babaeng wala nang ibang ginawa kundi ang mag-imagine ng about sa love life niya. Pero paano kung ang lalaking binuo nito sa imahinasyon nito ay nag-eexist pala sa...