MY IMAGINARY BOYFRIEND
written by: heartless_scars
MIB15
YSA'S POV
"Argghh! Fuck all of you! Akin lang si Klioooo! Akin lang siyaaa!" galit na galit na sigaw ko habang mabilis ang pagpapatakbo sa minamaneho kong sasakyan.
Hindi pwedeng mangyari 'to. Kailangan kong gumawa ng paraan para mapaghiwalay sila. Ano kayang ginawa ng babaeng iyon para gustuhin siya ni Klio. Kilala ko si Klio. Hindi ito basta-bastang pumapatol sa isang babaeng basta-basta lang. Hindi parin ako makapaniwala na isang low-class lang na babae ang magiging kapalit ko.
Kaagad kong tinawagan si Kaizo para makipagkita rito. Iisip ako ng plano. Mapapasakin ka ulit Klio. Magiging akin ka ulit.
SKY'S POV
Nagmamadaling sinundan ko si Ysa nang mamataan ko ito kanina sa resto bar na kinaroroonan namin nina Klio. Kanina pa akong nakasunod sa sasakyan nito. Alam kong may pinaplano itong gawin lalo na ngayong may ibang babae na sa buhay ni Klio. Pero hindi ako makakapayag na magtagumpay ito. Hinding-hindi na ako papayag na muling masaktan ang best friend ko nang dahil dito.
Nakita kong tumigil ang sasakyan nito sa tapat ng isang Japanese restaurant. Ipinarada ko ang sasakyan ko medyo malayo sa kinatatayuan nito. Nang masiguro kong nasa ayos na ng lahat ay bumaba na ako ng sasakyan at palihim itong sinundan.
Nakita kong may nilapitan itong isang lalaki. Sa tapat ng mesa nang mga ito ko napiling umupo.
"Kyro?" gulat na usal ko nang makita ko ang mukha nang lalaking kausap nito. Sa pagkakatanda ko, siya iyong lalaking ipinalit ni Ysa kay Klio noon. May ugnayan parin pala sila hanggang ngayon. Anong pinaplano niyo? Kung ano man 'yon, malalaman at malalaman ko rin 'iyon.
Halos isang oras din ang itinagal ng pag-uusap ng mga ito. Naunang umalis si Kyro. Nakita kong papaalis na rin si Ysa kung kaya't tumayo na ako para sundan ito. Mas binilisan ko pa ang paglalakad. Kelangan kong maabutan ito.
"Anong pinaplano mo?!" gigil na tanong ko nang abutan ko ito. Hinaklit ko ang braso nito dahilan para mapaharap ito sa akin.
"It's none of your business bitch!" nakakalokong ani nito habang pilit na kumakawala sa mahigpit na pagkakahawak ko.
"Kung ano man ang binabalak mo Ysa, huwag mo nang ituloy! Stay away from Klio! Leave them alone!" galit na ani ko at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa braso nito. Napangiwi ito sa ginawa ko.
"Bakit? Sino ka ba?" nang-uuyam na tanong nito sa akin.
"Ah, oo nga pala, 'yong girl best friend the great ni Klio na nagpapakatanga at nagpapakagaga parin hanggang ngayon. You're in love with him, don't you?" nakakalokong dugtong pa nito. Natigilan ako sa sinabi nito dahilan para mabitawan ko ang braso nito.
"HAHAHA! See? hindi ka makapag-salita. Tama ako diba?" nakakalokong ani pa nito sa akin.
Kinuha ko ang katana na nasa likuran ko at walang sabi-sabing inihagis ito sa tapat nang kinapupwestuhan ni Ysa. Tumama ito sa pader na nasa likuran nito. Nanlaki ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Nakita ko rin ang sunod-sunod na naging paglunok nito.
"Sa susunod na magkikita tayo, sisigiraduhin kong sa leeg mo na tatama 'yan" malamig na ani ko dito. Kinuha ko ang katana at naglakad nang papalayo dito.
Naglalandas ang luha sa mga mata ko habang nagmamaneho. Tama si Ysa, mahal ko si Klio. Mahal na mahal ko siya pero ayokong malaman niya. Alam kong matalik na kaibigan lang ang turing sa akin ni Klio pero may mas malalim pa akong dahilan. Ayoko siyang ipakilala sa mundong kinagagalawan ko.
Ipinarada ko ang kotseng sinasakyan ko nang marating ko ang kakahuyan. Isa itong tagong lugar na tanging ako lang ang nakakaalam. Napangiti ako nang sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin nang makababa na ako ng sasakyan. Ito ang nagsisilbing comfort zone ko. Naglakad-lakad ako hanggang sa narating ko ang linang na bahagi ng kakahuyan. Dito ako palaging nag-sasanay.
Huminga muna ako nang malalim bago ko sinimulan ang nakagawian. Sa bawat pag-sipa at pag-atake na ginagawa ko ay ibinubuhos ko ang sakit at lungkot na nararamdaman ko.
Ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa hanggang sa hindi ako nakakaramdam ng pagod at panghihina.
"You're so good on that" naging mabilis ang kilos ko nang marinig ko ang baritonong boses na iyon na nagmumula sa likuran ko.
"Hey! Hey! chill! woah! I will not fight!" gulat na gulat na ani nito nang akmang aatikin ko ito.
"Sino ka?" seryosong tanong ko dito. Sa pagkakaalam ko ay ako lang ang nakakaalam ng lugar na ito.
"Matagal ko nang alam ang tungkol sa lugar na ito bago mo pa nadiskubre. Sabihin na natin na, naging comfort zone ko rin ito. See this?" ani nito at ipinakita nito sa akin ang isang makapal na libro na hawak nito. Nangunot ang noo ko. Nababasa ba nito ang utak ko?
"Haha! I can't read your mind. Nakikita ko lang base sa expression ng mukha mo." natatawang ani na naman nito.
Napakuyom ang kamao ko. May iba nang nakakaalam ng sikreto ko. Kahit si Klio ay hindi alam ang tungkol ko dito. Pagiging modelo ko lang ang alam nito pero wala itong alam sa totoong pagkatao ko.
"Don't worry, your secret is safe with me." ani nito at naglakad nang papalayo.
Sinundan ko lang ito nang tingin hanggang sa mawala ito sa paningin ko. Hindi ko alam, pero, pakiramdam ko...kinakailangan kong mag-ingat mula dito. Kung sino ka man, kikilalanin kita.
SOMEONE'S POV
"At last I finally found you. The woman that I am looking for for so long. My Katana..."
Authors note: Isiningit ko lang sa chapter na 'to 'yong upcoming novel ko.
HER SHADOW AND HER BLOOD
Soon...
BINABASA MO ANG
𝗠𝘆 𝗜𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗮𝗿𝘆 𝗕𝗼𝘆𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱 (Completed)
RomanceHave you ever tried to have an imaginary boyfriend? Meet Kaden Louise De Guzman, ang babaeng wala nang ibang ginawa kundi ang mag-imagine ng about sa love life niya. Pero paano kung ang lalaking binuo nito sa imahinasyon nito ay nag-eexist pala sa...
