CHAPTER SIXTEEN

52 5 0
                                        

         MY IMAGINARY BOYFRIEND
          written by: heartless_scars

MIB16

KADEN'S POV

Nandito ako ngayon sa condo unit ni Sky. Birthday na kasi ni Klio ngayong darating na linggo at naghahanda ako ng isang dance presentation bilang surpresa sa birthday nito. Si Sky ang tumatayong dance instructor ko.

"Kaden hindi ganyan, medyo lambutan mo ng konte yung pag-sway ng katawan mo para magmukhang sexy yung dating" natatawang puna nito sa akin nang gayahin ko ang isa sa mga step na itinuturo nito. Ilang oras na kaming nag-papractice pero kahit isa sa mga step ay wala pa akong natututunan.

"Grrr! Kung bakit kasi ang tigas-tigas ng katawan ko eh. Trying hard sumayaw para lang namang kawayan na inihahampas. Nakakainiss!" inis na inis na ani ko habang paulit-ulit na sinusubukang gawin ng tama ang step.

"Kaya mo yan ano ka ba. Para kay Klio" tumatawang ani ni Sky. Halos itulak na nito ang katawan ko para lang mag bend.

Pinaulit-ulit ko pang pinag-aralan ang mga ito bago ko ito tuluyang natutunan. Hindi ganoon kaganda sa pag-galaw ni Sky pero kahit papano ay nakukuha ko na naman ang steps.

Nang makaramdam ng pagod ay napagpasyahan naming itigil muna ang ginagawa. Pagod na sumalampak ako ng upo sa sofa habang si Sky naman ay nagtungo ng kusina. Pagbalik nito ay may dala na itong tray na naglalaman ng sliced cake at orange juice. Meron ding ilang piraso ng chocolate.

"Mahal na mahal mo talaga 'yong best friend ko noh?" nakangiting ani nito sa akin habang iniaabot ang hawak nitong juice.

"Oo. Sobra. Siya lang yung lalaking nakakuha ng puso ko. First boyfriend ko siya." Ikinuwento ko dito kung paano kami nagkakilala ni Klio. Simula sa imagination ko hanggang sa makilala ko ito. Tawa lang ito ng tawa habang kinukwento ko ang mga kalokohang pinag-gagawa ko noon para lang makuha ang atensyon ni Klio.

"Well, hindi na ako magtataka kung bakit ka niya nagustuhan at minahal. He's right, you are unique. A very kind and soft-hearted woman." ani nito na ikinangiti ko.

"Thank you for bringing back the old him. The Klio that I used to know." nakangiting ani pa nito.

"Bakit ba siya nagbago? Sino ba si Ysa sa buhay niya?" curious na tanong ko dito. Matagal ko nang gustong itanong kay Klio ang tungkol sa bagay na iyon pero nahihiya ako. Hinihintay ko na lang na kusa niya itong sabihin.

"Ysa? She's the woman he used to love before. Ikakasal na dapat sila pero hindi sumipot si Ysa noong araw ng kasal nila. And you know what? Kung saan-saan siya hinanap ni Klio only to find out that, shes with kaizo. They are both naked. Natatandaan ko pa kung papaanong nagmaka-awa si Klio kay Ysa na siya na lang ang piliin at ituloy ang pagpapakasal sa kanya, but, Ysa dumped him in front of many people. Iyon ang naging dahilan kung bakit umalis siya ng bansa at sinimulang magbago. He became the coldest person. Kami lang ni tita ang tanging babaeng nakakalapit sa kanya. He used to hate women. Kinalimutan din niya lahat ng nakasanayan niya. Kinalimutan niya ang pagtugtog at pagkanta. Band vocalist siya noon pero nang dahil sa nangyari, iniwan niya lahat ng meron siya dito sa Pinas. Limang taon siyang namalagi sa ibang bansa para makalimot." mahabang pagkukwento nito. Nakaramdam ako ng awa para kay Klio. Hindi ko alam na ganon pala kasakit ang pinagdaanan niya.

"So, please, Kaden, ingatan mo siya. Promise me na hinding-hindi ka gagawa ng anumang bagay na ikasasakit niya at ikasisira ng tiwala niya. Alam ko at nakikita ko na mahal na mahal ka niya." nakikiusap na ani pa nito at hinawakan ang kamay ko.

"Hindi mo kelangang mag-alala Sky, mahal na mahal ko rin si Klio. Ipinapangako ko na mamahalin at iingatan ko siya. Hindi ko hahayaang danasin niyang muli ang mga pinag-daanan niya noon."

𝗠𝘆 𝗜𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗮𝗿𝘆 𝗕𝗼𝘆𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon