CHAPTER NINE

53 9 0
                                        

         MY IMAGINARY BOYFRIEND
          written by: heartless_scars

MIB9

KADEN'S POV

Kanina ko pang pinagmamasdan ang kahon na iniwan ni Adonis. Pinag-iisipan ko parin yung mga sinabi niya. Papayag ba talaga ako?

Napatingin ako sa orasan at nakita kong alas singko na pala ng hapon. Alas syete ang sinabi nitong oras na susunduin ako. May dalawang oras pa ako para makapag-handa.

Wala sa loob na napabuntong-hininga ako. Nagtatalo ang isip at puso ko. Gusto ko siyang makasama, gusto kong samantalahin ang pagkakataon pero mariin na kumukontra ang isip ko. Alam kong ginagamit niya lang ako. Paulit-ulit na sumasagi sa isip ko ang naabutang eksena nila nung girlfriend niya noong nakaraang gabi.

Ilang saglit pa ang lumipas at namalayan ko na lang ang sarili ko na tinitingnan kung anong laman ng kahon. Isang red long gown at black na high heels ang laman nito. May mga make up kit din at isang set ng jewelry box. Nakapag- decide na ako, bahala na.

Naligo lang ako saglit at nagsimula nang mag-ayos. Mabuti na lamang at mayroon kaming isang subject noon sa college na ang itinuturo ay about sa fashion kung kaya't may kaunti akong nalalaman pagdating sa pagma-make up pati na rin sa tamang pag-gamit ng heels.

Itinaas ko langp pa-bun ang buhok at light make-up naman sa mukha.  Ayoko nang masyadong makapal, parang clown.

Matapos makapag-ayos ay isnuot ko na ang gown. Hakab na hakab ito sa kurba ng katawan ko, tamang-tama lang ang sukat. Napangiti pa ako sa isipin na alam ni Adonis ang sizes ko. Matapos ay isinuot ko na rin ang kulay itim na heels. Pinagmasdan ko pang muli ang kabuuan ko sa salamin, nagmukha naman akong tao.

Maya-maya ay narinig ko na ang pagtawag ni mama para ipaalam na dumating na si Adonis. Saktong-sakto lang pala ang tapos ko. Huminga muna ako ng malalim at nagpasya nang bumaba. 


KLIO'S POV

Panay ang tingin ko sa orasang pambisig ko, saktong alas syete na ng gabi. May isang oras pa kami para bumiyahe, mas gusto ko rin sana na mas maagang makarating. Batid ko rin na pupunta rin sina Ysa at Kyro kung kaya't kinakailangan kong maging maingat. Ayokong may makikita silang butas para panlaban sa akin. Sana lang ay hindi maging pasaway si Miss. palengkera.

Agad akong napatingin sa hagdan nang makarinig ako ng ilang taguktok ng sapatos. Natulala ako at muntik ko nang mabitawan ang bulaklak na hawak ko nang makita ko ang ayos nito.

Hapit na hapit sa katawan nito ang suot nitong pulang gown na bumagay sa makinis at maputi nitong balat. Napalunok pa ako nang mapadako ang paningin ko sa mahahaba at mahuhubog nitong hita na lumilitaw sa tuwing hahakbang ito. Fuck! How come?

Hindi ko makita sa babaeng kaharap ko ngayon ang makulit at maingay na nakasanayan ko. The girl standing in front of me now is a Georgios woman. Damn! She's stunningly beautiful!

"So magtititigan na lang ba tayo dito? Wala kang balak na umalis?" pagtataray nito na ikinangiti ko.

Hinapit ko ito sa bewang at mas inilapit sa katawan ko.

"I was just mesmerized by your beauty. You look so beautiful tonight." bulong ko sa tenga nito at dinampian ito ng marahang halik sa labi.

Kitang-kita ko ang pamumula ng magkabilang pisngi nito.

"Nakakarami ka na ha! Bat ba panay ang halik mo?!" inis na ani nito sa akin nang akmang hahalikan ko na naman ito.

"I just can't help it. Psh! Let's go." ani ko dito at inalalayan ito palabas ng bahay.

Halos bente minutos din ang itinakbo ng sasakyan ko bago kami nakarating.

Pagkapasok pa lang namin ay nasa amin na ang mata ng lahat ng taong naroroon. Halos yakapin ko na si miss palengkera sa tuwing mapapatingin ako sa mga lalaking pinagmamasdan ito mula ulo hanggang paa. Kitang-kita sa mata ng mga ito ang labis na paghanga. Ang sarap lang nilang tanggalan ng paningin. Shit!

"Ano ba Klio! Ilang beses na akong muntik matapilok sa tuwing bigla mo na lang akong hahapitin sa bewang." reklamo nito nang humigpit na naman ang pagkakahapit ko sa bewang nito.

"I'm just protecting you from the eyes of those fucking guys!" inis na aniya ko dito. Magsasalita pa sana ito pero hindi na naituloy dahil nilapitan na kami ng ilan sa mga investors.

Nalibang ako sa pakikipagusap- sa mga ito tungkol sa business kung kaya't hindi ko na namalayan na nawala na pala sa tabi ko si miss palengkera. Agad na hinanap ng paningin ko ito at nag-init ang ulo ko nang makita ko itong may kausap na lalaki.

Fuck! Kumuyom ang kamao ko at dali-daling nilapitan ito.

"Kaden!" malakas na pagtawag ko dito habang ang paningin ko ay nasa lalaking kausap nito. Kung nakapapatay lang ang tingin ay sigurado ako na kanina pang bumulagta ito.

"Uhm, Klio, naiihi na kasi ako, masyado kang busy kanina di mo napapansin tanong ko kaya nagtanong ako sa kanya kung saan ba yung cr." pagpapaliwanag nito sa akin.

"Kahit na! Sana hinintay mo kaming matapos!" inis pa ring ani ko dito.

"Hihintayin pa ba kita eh sa lalabas na?"

"Lalabas na kaya pala nakuha mo pang makipag ngitian sa lalaking yun?! Psh!"

"Ano?! Teka nga, nagseselos ka ba?" tanong nito sa akin.

Fuck! Ako? Magseselos?

"Why would I? Look, party ito at hindi maiiwasan na may mga lalaking bastos. I'm just protecting you!" Pagpapaliwanag ko dito.

I don't even know why I'm explaining to her. I'm her partner, kaya siguro naman dapat sa akin lang ang atensyon niya diba? Ako lang dapat ang kinakausap niya.

"Wow! Klio, kelan ka pa naging ganyan ka possessive sa isang babae?" sigaw ng kabilang bahagi ng utak ko.

"Talaga ba Klio? Eh bakit parang papatayin mo sa tingin yung lalaking kausap ko kanina kung hindi ka nagseselos" pang-aasar pa nito sa akin na mas ikinainis ko. 

"Wag kang mag-assume. Hindi kita gusto." mariing ani ko dito bago ako tumalikod para umalis saglit.

"Wait me here, may kakausapin lang ako." pagpapaalam ko dito.

Narinig ko pang tinatawag ako nito pero hindi ko na ito pinansin. Kelangan kong puntahan si Ysa.


KADEN'S POV

Grrrr!! Nakakainis! Isinama-sama ako dito tapos iiwan lang hmmmp!

Tapos ayaw naman akong payagan makipag-usap man lang sa iba. Halos kalahating oras na akong naghihintay dito pero hindi parin ito bumabalik. Nakakaramdam na ako ng gutom.

Hayyst. Minsan talaga hindi ko na siya maintindihan. May pagkakataon na parang selos na selos siya. May pagkakataon naman na parang wala siyang pakialam sakin.

Ang gulo mo Klio! Ang gulo-gulo mo. Hindi daw ako gusto pero ayaw na ayaw naman na may lumalapit sa akin na ibang lalaki. Hayyst Klio, hindi na kita maintindihan grrrr!

𝗠𝘆 𝗜𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗮𝗿𝘆 𝗕𝗼𝘆𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon