EPILOGUE

64 7 0
                                        

         MY IMAGINARY BOYFRIEND
          written by: heartless_scars

FINAL PART

KADEN'S POV

"Ikakasal ka na ba talaga anak?" umiiyak at tila hindi parin makapaniwala na ani ni mama sa akin nang lapitan ako nito.

Ilang linggo matapos mag-propose ni Klio ay lumipad na kami ng Pinas. Hiniling ko dito na sa Pilipinas kami ikasal. Ilang taon ko na ring hindi nakikita at nakakasama ang pamilya ko.

Kung sa America kasi kami magpapakasal ay may posibilidad na hindi makarating ang mga ito.

Medyo umeedad na si mama. Palagi na ring inaatake ito ng athritis kung kaya't pahirapan na para dito ang magbiyahe lalo na nang ganoon kalayo.

Naalala ko pa noong araw na dumating kami at ipinaalam namin dito ang tungkol sa pagpapakasal. Hindi na ito natigil sa kaiiyak. Natatawang niyakap ko na lang ito.

"Si mama naman. Hanggang ngayon ba naman ma hindi ka parin maka-get over? Please lang ma wag mo 'kong paiyakin ngayon. Masisira make-up ko." pagbibiro ko dito pero ang totoo ay kanina pa ring nangingilid ang luha ko.

"Kung nabubuhay lamang sana ang ama mo anak. Dalawa sana kaming maghahatid sa iyo sa altar. Sayang at hindi ka man lang niya nakitang lumaki. Pero natitiyak kong masaya siya para sa'yo kung saan man siya naroroon ngayon." emosyonal na ani nito sa akin.

Hindi ko na napigilan ang mga luhang sunod-sunod na pumatak mula sa mga mata ko.

Nagbalik sa ala-ala ko ang lahat ng mga ala-ala namin noong nabubuhay pa si papa.

Isang ulirang ama si papa. Ni minsan ay hindi niya kami pinabayaan. Dangan nga lang at maaga siyang kinuha sa amin.

Huli na nang malaman namin ang tungkol sa sakit niya. Colon cancer ang naging sakit nito.

Makalipas lang ang isang taon matapos ma-diagnosed ang tungkol sa sakit nito ay kinuha rin agad ito sa amin.

Simula noon ay nag doble kayod na si mama para lang maitaguyod kaming magkapatid. Nasaksihan ko kung papaano itong naghirap bago kami nagkaroon ng munting kainan.

Kaya naman noong mabigyan ako nang magandang oportunidad at iyon nga ay ang pagmomodelo ay ginawa ko ang lahat para lang masuklian ang mga naging sakripisyo nito para sa amin.

Malaki-laki na rin ang naipundar ko. Ang maliit na kainan namin noon ay isang malaking restaurant na ngayon.

Nakapagpatayo na rin ako ng bahay at may ilang properties na rin na pag-aari.

Si Elizabeth naman ay malapit nang magtapos sa kolehiyo.

Engineering ang napili nitong kurso.

Batid kong nasa maayos na silang kalagayan kung kaya't naisip kong hindi na siguro masama kung bumuo na rin ako ng sarili kong pamilya.

Kaya noong araw na nag proposed sa akin si Klio ay hindi na ako nagdalawang-isip pa.

Kumalas ako sa pag-kakayakap kay mama at hinalikan ko ito sa pisngi. Hinawakan ko ang magkabilang kamay nito.

"Ma, wag kana pong mag-alala. Hindi ako pababayaan ni Klio. Nasa mabuting kamay po ako ma." nakangiting ani ko dito para pagaanin ang loob nito.

"Alam ko naman iyon anak. Hindi ko lamang maiwasan na mapaiyak sa isipin na ikakasal kana at bubuo kana ng sarili mong pamilya."

Hindi ko na naman maiwasang mapaiyak sa sinabi nito. Bahagya kong pinisil ang kamay nito at muli ko itong niyakap.

"Thank you sa lahat-lahat ma. Mahal na mahal ko kayo ni Elizabeth." umiiyak na ani ko dito.

𝗠𝘆 𝗜𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗮𝗿𝘆 𝗕𝗼𝘆𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon