CHAPTER EIGHTEEN

50 6 0
                                        

MY IMAGINARY BOYFRIEND
written by: heartless_scars

MIB18

KLIO'S POV

Maaga akong umalis ng bahay para ihatid si Sky sa airport. Ngayon ang nakatakdang araw ng pagbabalik niya ng America. Hindi ko pa sana gustong paalisin ito pero sinabi nito na meron daw itong mahalagang aasikasuhin na ayaw naman nitong ipaalam kung ano.

"Ingatan mo si Kaden. Kailangan pagbalik ko may makukulit na babies na kayo." ani nito at hinalikan ako sa pisngi.

"Bakit? matagal ka bang mawawala? saan ka ba talaga pupunta?" nagtatakang tanong ko dito.

"Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik may mga mahalaga akong aasikasuhin." ani nito.

Nitong mga nakaraang araw ay kakaiba ang mga ikinikilos nito. Sa tuwing kaharap ko ito ay para bang ibang Sky ang kaharap ko. Palaging malalim ang iniisip nito. Parang may kung anong gumugulo sa isip nito. Ilang beses ko itong tinanong pero wala akong makuhang matinong sagot.

Tatanungin ko pa sana ito pero kinakailangan na nitong pumasok sa loob. Niyakap ko na lamang ito ng mahigpit at tinanaw hanggang sa makapasok na ito.

Nang mawala na sa paningin ko si Sky ay nagmamadali na akong sumakay ng sasakyan at pinaharurot itong paalis. Kinakailangan kong makarating agad ng opisina. Tatlong magkakasunod na meeting ang haharapin ko ngayong araw. Masyadong hectic ang schedule ko. May business trip pa akong kelangang puntahan sa Cebu ngayong susunod na linggo.

Ilang araw na rin akong walang masyadong oras kay Kaden. Kung minsan ay isang beses na lang sa isang araw ko ito nakakausap. Mabuti na lang at understanding naman ito. Yun nga lang, kung minsan ay mahihimigan mo rin sa kanya ang pagtatampo. Di bale, babawi na lang ako pagkatapos ng lahat mga
kailangan kong aasikasuhin.

Bukod sa trabaho sa opisina ay abala rin ako sa paghahanap sa kung sino ang nagpapadala ng mga mensahe sa akin. Simula noong araw na nakatanggap ako ng mensahe mula rito, ay araw-araw na itong nagpapadala. Puro pagpapa-alala ang laman ng mensahe. Kung sino man ang nasa likod nang lahat ng ito ay malalaman at malalaman ko rin.

Pagkarating ko ng kumpanya ay dumeretso na ako sa conference room. Sinabi ng sekretarya ko na nasa loob na lahat, ako na lang ang hinihintay.

Alas singko na ng hapon nang matapos ang meeting. Pagkaalis ng mga investors ay wala na akong inaksayang oras, miss na miss ko na si Kaden. Alam kong naghihintay rin ito sa akin. Tinungo ko ang sasakyan at pinaharurot itong paalis.

Malayo pa lang ako ay tanaw ko na si Kaden na matiyagang naghihintay. Tinawagan ko kasi ito na pupunta ako. Napailing at wala sa sariling napangiti na lang ako. Tumatalon-talon pa kasi ito at hindi magkaintindihan nang pagkaway nang matanaw nito ang sasakyan ko.

Pagkababang-pagkababa ko ng sasakyan ay nagtatakbo na itong papalapit sa akin at sinugod ako ng yakap.

"Namiss kita Adonis ko" malungkot na ani nito habang nilalaro ang kurbatang suot ko.

"I missed you too baby, I'm sorry. Babawi ako, okay?" ani ko dito at hinalikan ito ng marahan sa labi.

Tinanong ko ito kung gustong lumabas pero tumanggi ito. Alam daw kasi nitong pagod na ako kung kaya't napagpasyahan naming manatili na lang sa bahay.

Kasalukuyan kaming nanood ngayon ng Larva. Ito ang pumili kung kaya't wala na akong nagawa kundi ang pagbigyan ito. Naiiling na lang ako sa tuwing tumatawa ito sa pinapanood. Tuwang-tuwa siya habang ako naman ay walang naiintindihan. Kinuha ko na lang ang cellphone ko para pag-aralan ang ginamit na number ng nagpapadala ng mensahe. Iba't ibang number ang gamit nito. Masyadong maingat ang nagpapadala ng mensahe. Siguradong mahihirapan akong i-trace kung sino ang nag-mamay-ari nito.

𝗠𝘆 𝗜𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗮𝗿𝘆 𝗕𝗼𝘆𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon