MY IMAGINARY BOYFRIEND
written by: heartless_scarsMIB4
KADEN'S POV
Ilang araw na akong matamlay. Simula noong araw na makita ko si Adonis ay hindi ko na ito muling nakita pa. Hinabol ko pa ito noong araw na iyon pero hindi ko na ito naabutan.
Sobrang saya ko noong makita ko ito. Hindi ko ini-expect na yung lalaking binuo ko sa imahinasyon ko ay magkakatotoo. Gagawin ko ang lahat makita ko lang ulit siya.
"Kaden!" rinig kong malakas na pagtawag ni mama mula sa labas ng kwarto ko.
Hindi kasi ako lumabas ngayon para mamalengke. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay.
"Kaden!" pagtawag na muli ni mama kaya wala na akong nagawa.
Bumangon na ako sa pagkakahiga at nagpasyang lumabas na ng kwarto.
"Ano bang nangyayari sayong bata ka ha?! Ilang araw kanang ganyan! Hindi kana tumutulong sa kainan. Alam mo naman diba na duon lang tayo kumukuha ng pang-gastos dito sa bahay! Pagtulong lang sa kainan hindi niyo pa magawa!" sermon ni mama pagkalabas ko ng kwarto.
Nanatili lang akong tahimik. Kinuha ko ang bayong na pinaglalagyan ko ng mga pamimilhin ko. Matapos iabot sa akin ni mama ang pera ay walang imik na lumabas na ako ng bahay para magtungong palengke.
Hindi ko maintindihan kung bakit sobrang apektado ako. Siguro nga ay naging totoo talaga ang feelings ko para sa kanya kahit sa imahinasyon ko lang siya nakilala.
Kagaya ng nakasanayan, naglibot-libot muna ako habang hinihintay ang mga orders. Malayo-layo na rin ang naabot ng paglibot-libot ko. Sa tantiya ko ay malayo na ito sa palengke.
Nakaramdam ako ng pagkalam ng sikmura at pagka-uhaw kung kaya't naghanap ako ng pwedeng kainin. Tamang-tama naman na may nakita akong nagtitinda ng street foods sa may di kalayuan.
Bumili lang ako ng halagang sampung pisong fishball at sinamahan ko na rin ito ng sampung pisong palamig.
Susubo na sana ako nang mapansin ko ang isang pamilyar na bulto sa kabilang kalsada.
May tinitingnan itong kung ano sa harap ng sasakyan nito.
Pinagmasdan ko pa itong mabuti at nang masigurado ko na siya nga iyon ay kumaripas na ako nang takbong papalapit dito.
"Omyghaddd! Ikaw ngaaa! Adonis kooo!"
KLIO'S POV
"Omyghaddd! Ikaw ngaaa! Adonis kooo!"
"Fuck!" napamura ako ng malakas nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.
"Adonis kooo uwaaahhh!" Napapahilot sa sintidong nilingon ko ito.
"What?! Ikaw na naman?! Sinusundan mo ba ako?!" inis na ani ko dito. Napangiwi pa ako nang mapagmasdan ko ang kabuuan nito.
Nakasuot ito nang malaking T-shirt na kulay orange tapos naka-itim na palda na halos hanggang talampakan na ang haba. Naka-tuck-in pa sa palda nito ang suot nitong t-shirt. Ang buhok nito ay naka-pony tail sa magkabilang gilid. May hawak pa itong fishball sa kanang kamay at baso ng palamig naman sa kaliwa.
"Hi Adonis ko, kailangan mo ba ng tulong?" Nakangiting ani nito sa akin.
Naisipan kong tumakbo na lang para matakasan ito. Alam ko kasing hindi rin ako titigilan nito. May meeting pa ako na kailangang harapin. Pero sa kasamaang palad ay nakahabol pala ito sa akin.
"Adonis kooo! Bumalik ka ditoo! Bakit ka ba tumatakbo?!" malakas na pagtawag nito sa akin habang patuloy parin sa paghabol.
"Adonissss!" mas binilisan ko pa ang pagtakbo nang makita kong malapit na ito sa akin.
BINABASA MO ANG
𝗠𝘆 𝗜𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗮𝗿𝘆 𝗕𝗼𝘆𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱 (Completed)
RomanceHave you ever tried to have an imaginary boyfriend? Meet Kaden Louise De Guzman, ang babaeng wala nang ibang ginawa kundi ang mag-imagine ng about sa love life niya. Pero paano kung ang lalaking binuo nito sa imahinasyon nito ay nag-eexist pala sa...