Lance's POV
"In your heeaaad.. in your heeaaad..
Zombie.. zombie.. zombie.. eh.. eh..
What's in your heeaaad, in your heeaaad
Zombie, zombie, zombie.. eh.. eh.."Kunot noo kong tinanggal ang suot na earphones ng marinig ang nakaka iritang boses na iyon ni Carlo. Agad ko itong nilingon at nakitang suot suot nito ang puting headphones habang sinasabayan ang kantang iyon na malamang na iyon ang pinatutugtog. Gumagalaw galaw pa ang ulo nito na animo feel na feel ang pag sabay sa kanta at hindi namamalayang naiistorbo ang ibang nakakarinig.
Naka pasak ang earphones ko sa tainga ko at nakikinig ng soft at romantic na music ng westlife na madalas kong ginagawa para makapag concentrate pero naririnig ko parin ang malakas na pag kanta nito at nakaka inis iyong pakinggan.
"Hey, oh, ya, ya-a!" Dagdag pa nito.
"Ano ba yan, Carlo! Ang pangit ng boses mo!"
"Gutom lang yan, Carlo!"
"Patahimikin niyo nga yan! Hindi ako makapag concentrate!"
Sunod sunod na reklamo ng mga ka co-writers ko sa kabilang cubicles. Lahat sila ay naririndi sa boses ni Carlo, kasama na ako.
Hindi ko na natiis at dinampot ko ang crumpled paper na Nasa gilid ko saka iyon ibinato sa kanya.
Sapul sa leeg.
Natigilan ito saka luminga linga at ibinaba ang suot na headphones ng makitang naka tingin ako sa kanya. Dinampot nito ang papel saka nag tatanong na tumingin sa akin.
"Ang ingay mo!" Reklamo ko. "Lahat kami nag rereklamo na sa ingay mo. Pwede bang itikom mo muna yang bibig mo dahil nag ko-concentrate kami?" Inis na sabi ko.
Inayos nito ang suot na salamin saka nag kibit balikat at tumango.
Sinuot ko ulit ang earphones at Bumalik akong muli sa pag titipa sa keyboard ng marinig uli ang boses nito.
"Zombieeeee.. Zombieeeee-"
Agad ko itong nilingon at nakitang naka tayo sa gilid ko at nagpipigil ng tawa bitbit ang tasa nito.
"It's a prank!" Tatawa tawang sabi nito saka dumiretso sa pantry.
"Gag*." Sabi ko dito saka humarap muli sa monitor ng computer ko.
Kaibigan ko si Carlo. Isa rin siyang writer katulad ko at halos dalawang taon na dito sa Wilstone. Sabay lang kaming pumasok dito pero alam kong mas magaling ito sa akin.
Maraming nag sasabing mas magaling ako pero humble lang dapat lagi.
Nagulat ako ng maramdaman ang pagtapik ng isang palad sa akin.
Siraulo talaga 'tong lalaking 'to!
"Seryoso ah?" Sabi nito saka naupo sa swivel chair niya at humarap sa akin. "Deadline na ba?" Tanong nito.
"Hindi.. Lagi naman akong seryoso ha?" Sagot ko. Tinapik tapik ko ang ballpen sa ibabaw ng lamesa ko.
Hindi pa deadline pero inuunahan ko na ang lahat ng bagay. Ganon ako. Advance mag isip. Hindi pa man kami binibigyan ng project ay sumusulat na ako ng bagong story. Ayaw ko kasi ng minamadali ako. Nag iinit ang ulo ko kapag nira-rush ang isang bagay.
Magaling at mabilis akong maka isip ng story pero hindi ibig sabihin niyon ay mamadaliin ko ang pag gawa. Kaya kong umisip ng plot ng isang story pero hindi ko minamadali ang pag gawa.
Turo sa akin iyon ng ermats kong writer din. Wag minamadali ang pag susulat ng storya dahil mag mumukhang 'pilit' ang flow. Hindi magandang basahin.
BINABASA MO ANG
FADED ✔
Художественная прозаFord Sibling's Series no. 1 'Love is always sweet' that's how Lance Asher, a twenty-three-year-old writer defines Love. It is proven because of the everlasting love of his parents for each other. He can easily write a great love story. In just a sna...