"Anong oras ang uwi ni Leigh? Malakas na masiyado ang ulan. Tinawagan mo na ba ang ate mo, Lyanna?" Bigla ay tanong ni Mommy habang nasa kalagitnaan kami ng pag kain ng hapunan.
Natigilan ako.
"Ang sabi niya ay late siyang makaka uwi dahil may research paper siyang tatapusin. Siya ang may sabi 'non kay Manong Lando." Sagot nito. "Sinabi niyang wag na siyang antayin maka uwi dahil kaya na niya."
"Napaka lakas ng ulan." Nag aalalang sabi ni Mommy.
Magsasalita pa sana si Daddy ng bumukas ang pintuan. Iniluwa noon si Leigh na nabasa ng ulan pero hindi naman basang basa. Kasunod nito ang isang lalaking may hawak na payong na itim. Maputi at singkitin ang mga mata nito. Parang may lahi.
"Leigh!" Sigaw ni Mommy saka mabilis na tinungo ang kalapit na banyo at paglabas ay may bitbit ng tuwalyang puti.
Natigilan ito ng makita ang lalaki na agad din nitong inabutan ng tuwalga kahit pa bakas sa mukha nito ang pagkalito.
"Bakit ka ba nagpa ulan?" Tanong ni Mommy. "Sana nagpa sundo ka na kay Manong Lando!" Sermon ni Mommy.
"Hindi ko alam na uulan." Sagot nito. "Ayos ka lang? Salamat ha?" Baling nito sa lalaking katatapos lang mag punas ng katawan. Tipid itong ngumiti sa kapatid ko.
Nagkatinginan kaming tatlo ni Lyanna at Daddy saka muling tumingin kay Leigh.
"Uhm.. Siya nga pala si Lee Dwayne. C-classmate ko." Pakilala nito.
Tama. Pangalan pa lang may lahi na.
Saglit na natahimik ang paligid at tanging buhos ng ulan lang ang naririnig namin.
Napapa isip ako sa nakikita ko.
"Uhm.. Guys?" Basag ni Leigh sa katahimikan namin. "Sana ay hindi masiyadong malikot ang imagination niyo." Nahihiyang sabi nito.
"Pumasok na muna kayo.." Aya ni Daddy.
"Hindi na po. Kailangan ko na rin po umuwi." Paalam ng lalaki saka ngumiti ng tipid kay Leigh.
"Naku. Malakas pa ang ulan." Sabat ni Mommy.
"May kotse po akong dala." Magalang na sabi nito.
"Ganon ba? Sige, mag iingat ka." Si Mommy.
Tumingin ito kay Leigh saka inilabas ang pink na panyo ay iniabot kay Leigh. "Salamat." Tumingin ito sa amin.
"O-oo. M-mag iingat ka."
"Mauna na po ako. Salamat at Magandang Gabi." Magalang na sabi nito saka yumuko pa sa amin dahilan para matigilan kami.
"Salamat ulit." Sabi ni Leigh saka sinundan ng tingin ang lalaki palabas ng pinto ng bahay.
Sinundan din namin ito ng tingin. Walang nag sasalita sa amin hanggang sa marinig namin ang pag alis ng sasakyan saka kami sabay sabay na nagpakawala ng hininga.
"Mag bihis ka na muna, Leigh." Sabi ni Mommy saka bumalik sa pwesto nito sa lamesa sa bandang harapan ko.
Naiilang na tumingin sa amin si Leigh saka tahimik na umakyat sa taas.
Narinig ko ang pag buntong hininga ni Mommy at mabagal na pag nguya ni Daddy habang si Lyanna naman ay cool na cool na kumakain na para bang walang nangyari kanina.
Ngayon lang nangyari na nagdala ng lalaki sa bahay si Leigh. Bukod kasi sa marami talagang nagkaka gusto dito ay mapili ito sa lalaki. Ang gusto niya ay ang bad boy character ni Daddy. Nakaka gulat na isang lalaking may lahi ang una nitong nadala sa bahay kahit pa nagmagandang loob lang itong ihatid si Leigh dahil sa lakas ng ulan.
BINABASA MO ANG
FADED ✔
Ficțiune generalăFord Sibling's Series no. 1 'Love is always sweet' that's how Lance Asher, a twenty-three-year-old writer defines Love. It is proven because of the everlasting love of his parents for each other. He can easily write a great love story. In just a sna...