Naka pikit kong pinatay ang alarm clock ko ng tumunog iyon. Inis akong bumangon saka napa buntong hininga.
Monday feels..
Umunat unat muna ako saka humarap sa salamin.
Gwapo parin kahit kakagising lang.
Napa ngiti ako.
"Baliw ka na, Lance!"
Iiling iling akong nag tungo sa banyo saka naligo.
Pagtapos maligo ay dumapo ang tingin ko sa stuff toy na binili ko kahapon.
Bakit ko nga ba 'yon binili? Eh ang mahal 'non! Nasisira na yata ang ulo ko dahil sa multong iyon! Bwiset na multo 'yon! Nag dahilan pa akong para sa inaanak ko, eh halos nasa probinsiya o di kaya ay nasa ibang bansa ang mga inaanak ko? Tsk.
Napa titig ako sa stuff toy.
Ano kaya ang meron doon at titig na titig ang multong iyon? Ang klase kasi ng titig niya ay para bang ito na ang pinaka magandang laruan na nakita niya. Akalain mo ba naman na pilitin niyang mahawakan ang stuff toy kahit tumatagos iyon sa kaniya? Kung tutuusin kasi ay parang normal na stuff toy lang iyon. Ano nga ba ang meron sa stuff na ito?
Eh bakit ba ang dami kong tanong?!
Nakapameywang akong nag tungo sa closet saka mabilis na nag bihis. Naupo ako sa ibabaw ng kama ko saka seryoso at buong tahimik na isinuot ang medyas at black shoes ko.
"Nakikita mo ako..." Natigilan ako ng marinig ang boses na iyon. Alam kong wala ito sa gilid ko, dahil nanggagaling ang boses na iyon sa likuran ko mismo. Hindi na ako nag abala pang lingunin ito at ipinag patuloy ang pag bibihis.
Nangilabot ako sa boses na iyon. Nangilabot hindi dahil nakakatakot iyon kundi dahil napaka lamig at napaka lambing sa pandinig. Kakaiba ang boses na iyon kumpara sa mga multong kumakausap sa akin. Madalas kasi ay buong buo ito at animo galing sa malalim na balon. Ang iba naman ay boses ng pag tangis, umiiyak ang boses na iyon at isa iyon sa ayaw kong naririnig.
Tumayo ako saka humarap sa salamin.
Nalunok ko ang sariling laway ng mula sa peripheral vision ko ay makita ang multo sa ibabaw ng kama ko.
Damn!
Bakit ang ganda nitong tingnan sa ibabaw ng kama ko? Hindi ito nakaka takot o nakaka kilabot. Iba ang nai-imagine ko sa itsura niya ngayon habang naka upo sa kama ko at naka tingin sa akin.
She looked like a wife ready to get pregnant by me. I love the idea of her in my bed. Damn it!
Naiilang na Inayos ko ang neck tie saka dinampot ang bag ko at mabilis na lumabas ng kwarto ko. Hindi na halos ako mapakali ng makitang sumunod ito sa akin pababa.
"Good morning!" Bati ni Leigh na naka suot na ng uniform. Katabi nito si Lyanna na naka uniform na rin at tahimik na kumakain habang si Mommy naman ay nag titimpla ng kape para kay Daddy. Wala pa doon si Daddy, malamang ay nag hahanda pa o naliligo.
"Good morning." Bati ko.
Dumapo ang tingin ko sa sala. Naroon sa tapat ng mga frames namin ang multong babae. Pinagmamasdan ang mga pictures na nandoon.
"Lyanna, bakit ba may libro diyan sa gilid mo?" Tanong ni Leigh habang ngumunguya nguya pa ng Longganisa.
Tiningnan siya ni Lyanna. "Baka may quiz kami mamaya." Sagot niya saka muling tinuon sarili sa kinakain at sa librong nasa tabi niya.
BINABASA MO ANG
FADED ✔
General FictionFord Sibling's Series no. 1 'Love is always sweet' that's how Lance Asher, a twenty-three-year-old writer defines Love. It is proven because of the everlasting love of his parents for each other. He can easily write a great love story. In just a sna...