Chapter 6: Bonding

125 4 3
                                    

"Pia?" Gulat kong sabi ng makilala ang tumawag sa akin.

Naka ngiti itong lumapit sa akin. Ngiting ngiti ito sa akin na ikinabigla ko.

"Anong-"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ng yakapin ako nito ng mahigpit. Mahigpit talaga. Alam mo yung yakap ng matagal na panahong hindi nagkita? Ganon!

Dumako ang tingin ko sa naka titig na kaluluwa dalawang lamesa ang pagitan sa akin. Kunot noong naka titig sa akin ang babaeng multong sumusunod sa akin at para bang katulad ko ay naguguluhan din sa aktong pagyakap ni Pia.

"Ah.. Pia.." Sabi ko saka humiwalay sa yakap nito. Naka ngiti ito sa akin, normal naman ang ngiti nito pero na-wirduhan ako bigla, mas wirdo pa sa pagkaka kunot ng noo ng babaeng multo.

"Sorry. Na-carried away ako." Mahinhin na sabi nito.

Hindi ako naka sagot at sinulyapan ang dalawa kong kapatid na noon ay patuloy na ngumunguya habang nagpapalit palit ang tingin sa aming dalawa ni Pia.

Girls, it's not what you think!

"Hindi ko akalain na magkikita tayo ngayon dito. Sila ba ang mga kapatid mo?" Sunod sunod na tanong ni Pia.

"Ah.. Oo. Mga kapatid ko. Siya si Leigh.." Turo ko kay Leigh na ngumunguya at naka taas ang kilay na naka titig kay Pia. "Siya naman si Lyanna." Turo ko naman sa bunsong kapatid ko na blangko ang tingin kay Pia.

Blangko talaga! As in, blangko! Walang emosiyon! Poker face!

Alam ko ang mga ganitong akto ng mga kapatid ko. Kilalal ko ang ganiyang kilos nila at Isa lang ang ibig sabihin nito at hindi nila gusto ang nakikita! Tsk!

Eh ano naman kung hindi nila gusto? Wala naman namamagitan sa amin ni Pia!

"Hi, girls! It's nice to meet you. I'm Pia!" Pakilala nito saka inilahad ang palad sa dalawa kong kapatid pero tinitigan lamang nila iyon at hindi man lang inabalang abutin iyon. Napapa hiyang inalis ni Pia ang palad saka ngumiti sa akin.

Bastos talaga 'tong dalawa kong kapatid! Hindi man lang makisama kahit pilit!

Naiilang akong napa tingin sa dalawa at nagitla ng makitang nasa likuran ng dalawa kong kapatid ang babaeng multo. Naka titig ito sa akin. Katulad ni Lyanna ay wala ring mababasang emosiyon sa mukha nito maging sa mga mata. Pero para bang bigla ay nalaman kong ayaw nitong nasa paligid si Pia.

Ayaw ko din!

Napalunok ako saka hinarap si Pia.

"Pasensya ka na pero nagba-bonding kasi kaming magkakapatid." Sabi ko dito. Naghalo ang gulat, lungkot at disappointment sa mga mata nito ng marinig iyon.

Nasaksihan ko ang pag lunok nito saka tumango tango.

"Actually, may pupuntahan talaga ako kaso ay nakita kita so why not approach you diba?" Nauutal na sabi nito. Ramdam ko ang pagka ilang niya at muli akong na-weirduhan sa inakto nito. Kanina kasi ay kalog na kalog ito tapos ngayon ay bumalik muli sa pagiging mahinhin. Weird. "I guess, I need to go. Enjoy!" Naka ngiting sabi nito saka ako tinalikuran.

Nako-konsensiya kong sinundan ito ng tingin saka napa buntong hininga.

"Oh, anong klaseng tingin yan?" Tanong ko sa mga kapatid ko ng pag harap ko ay nanunuri ang mga tingin nito.

"May gusto sayo 'yon 'no?" Tanong ni Leigh saka isinubo ng buo ang takoyaki.

"Wala.." Tipid kong sagot saka sumipsip sa Avocado shake. Naramdaman kong tumabi sa akin ang multo ng babae. Halos masamid ako dahil doon, mabuti na lang at busy na pag kain ang dalawa kong kasama.

FADED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon