"Umuwi ka na.."
Iyon lang at mabilis na akong nagtatakbo saka kinaladkad si Carlo na noon ay parang bumalik na rin sa wisyo at nawala ang kalasingan.
"Puch*! Anong nangyari?!" Tanong nito ng makasakay sa motor niya.
"Lance!" Rinig ko pang sigaw ni Pia pero nilingon ko lang ito at mabilis na pinaharurot ang motor ko. Sinulyapan ko si Carlo mula sa side mirror ko at naka hinga na maluwag ng makitang naka sunod ito sa akin.
'Umuwi ka na..'
'Umuwi ka na..'
'Umuwi ka na..'
Nag paulit ulit sa akin ang sinabing iyon ng multo. Kakaiba ang boses niya, malayong malayo sa klase ng boses nito tuwing kinakausap ako. At yung mga mata niya, puch*! Nanlilisik na para bang may ginawa akong mali sa kaniya. Grabe nakakatakot!
"Lance!" Nilingon ko si Carlo na noon ay nasa tabi ko na at palingon lingon sa akin at sa daan.
"Saan ang daan mo?" Tanong ko dito.
"Ano?!" Tanong nito saka inilapit ng bahagya ang motor sa akin.
"Saan ang daan mo?!" Sigaw ko.
"Bakit?!"
"Basta!" Sagot ko.
"Kanan!" Sigaw nito saka nagpauna na agad kong sinundan.
Maya maya lang ay tumigil kami sa tapat ng isang exclusive village.
"Sa loob pa ang bahay ko." Sabi nito ng tumigil sa guard house.
"Dito na lang ako. Mag iingat ka pauwi." Habilin ko.
"Teka lang, anong nangyari kanina?" Usisa nito. Napa pikit ako ng maalala iyon. "Lance? Ayos ka lang?"
Naimulat ko ang mga mata saka tumango.
"Bukas ko na ikukwento. Sige na, pasok na." Sinenyasan ko ito.
"Sigurado ka?" Tanong nito. Halatang nag aalala at gusto pang mag usisa pero hinahanap na ng katawan ko ang lambot ng kama ko. Gusto ko ng magpahinga dahil pakiramdam ko ay babangungutin ako dahil sa talas ng tingin sa akin ng multong iyon.
Creepy! Bwiset!
"Ayos lang ako. Hindi naman ako lasing." Paninigurado ko saka ini-start ang sasakyan.
"Ingat!" Pahabol pa nito. Inangat ko lang ang kaliwang kamay ko saka tinuon ang atensiyon sa pagmamaneho.
'I like you..'
'I really do..'
'Lance, I like you..'
Napa iling ako ng maalala ang mga sinabing iyon ni Pia.
Hindi ko maintindihan pero wala akong ibang naramdaman kundi gulat dahil sa narinig ko sa kaniya. Idagdag pa ang kamuntikan nitong pag halik sa akin.
'Umuwi ka na..'
'Umuwi ka na..'
'Umuwi ka na..'
Kung tutuusin ay simpleng utos lang iyon pero sa hindi malamang dahilan ay nakaka takot ang boses niya. Idagdag pa ang nanlilisik nitong mga mata at ang pag lakas ng hangin ng basagin nito ang apat na flower vase.
Mababaliw yata ako dahil doon!
Naka hinga ako ng maluwag ng makarating sa bahay namin.. Alas onse na ng gabi at lumagpas na ako sa oras na ipinaalam ko.
BINABASA MO ANG
FADED ✔
General FictionFord Sibling's Series no. 1 'Love is always sweet' that's how Lance Asher, a twenty-three-year-old writer defines Love. It is proven because of the everlasting love of his parents for each other. He can easily write a great love story. In just a sna...