"Good morning, boss!" Si Carlo. Naka ngiti habang inaayos ang gamit sa ibabaw ng table. Bagong gupit ito at fresh na fresh dahil sa amoy ng pabango.
"What's up?" Tanong ko saka binuksan ang computer.
"Ayos lang. Ikaw?" Nilingon ako nito.
Napa buntong hininga ako.
"Ayos lang din."
Tumango tango ito.
"Daming nagulat nung biglang nag resign si Pia. Nakaka gulat naman kasi talaga." Kwento nito.
Natigilan ako at inalala ang messages ni Pia sa akin bago ko malaman ang relasiyon nito kay Aria.
"Grabe! Hindi ko akalain na magagawa niya ang bagay na 'yon sa kapatid niya! Hindi kaya ako naka tulog nung nai-kwento mo sa akin 'yon! Grrrr!" Kinikilabutan nitong kwento.
Lahat siguro ng nakaka kilala kay Pia ay magugulat dahil doon. Ewan ko ba. Hindi kasi halata sa kaniya na kaya niyang gawin iyon. Malayong malayo sa ugaling ipinapakita niya sa amin.
Iba talaga ang nagagawa ng inggit sa tao. Kahit gaano pa 'yan kasama ay mabubulag ka. Kahit sino ay hindi mo makikita dahil nabulag ka na ng galit at inggit.
Napa iling ako.
"Kamusta si Aria?" Tanong nitong muli. "Nakausap mo ba siya?"
Nilingon ko ito.
"Nag usap kami bago umuwi. Nagpa salamat siya sa ginawa kong pag tulong." Sabi ko.
"Tapos?"
"Tinanong niya ako kung boyfriend ba niya ako."
Mabilis na lumapit sa akin si Carlo. Pinagulong nito ang upuan saka inilapit ang mukha sa akin.
"Anong sagot mo?"
Tsk!
"Alis nga! Layo!" Inurong ko ang mukha ni Carlo na sobrang lapit sa akin.
"Ano ng sagot mo!" Sigaw nito.
Sinamaan ko ito ng tingin saka bumuntong hininga.
"Hindi-"
"Bakit hindi?!" Putol nito sa sasabihin ko. "Bakit hindi ang sinagot mo?! Ano ka ba naman, Lance! Tanga! Dapat um-oo ka!"
Kunot noo ko itong tinitigan.
"Bakit-"
"Para Hindi ka niya layuan! Tsk! Dapat sinamantala mo ang pagkakataon! Tutal naman na hindi ka niya maalala dapat ay nag panggap ka na lang na boyfriend niya! Bobo mo naman, Lance! Tanga!"
Hindi ako naka sagot.
"Isipin mo, kung sinabi mong boyfriend ka niya edi may chance ng mas mapalapit ka sa kanya! Hindi ka niya papalayuin tulad ng nangyari sa iyo ngayon!"
Kagat labi at buong lakas kong binatukan si Carlo dahil sa mga sinabi nito.
"Anong tanga? Anong bobo?! Ano akala mo sa akin? Mapagsamantala? Hoy! Hindi ko kayang gawin iyon kay Aria!"
Kakamot kamot ang ulo nitong tumingin sa akin saka nag peace sign.
"Oh, sinong bobo sa atin ngayon? Ha?! Sino?!" Hamon ko dito. Tumawa ito saka umayos ng upo.
"Mahal mo na 'no?" Naka ngising tanong nito.
Umiwas ako ng tingin.
"Mahal mo na!" Sabi nito saka nag simulang mag tipa sa keyboard. "Anong balak mo?"
Nilingon ko ito saka muling ang tipa sa keyboard.
"Wala. Hindi ko alam." Sagot ko.
Wala sa loob kong binuksan ang Microsoft word kung saan naka lagay ang iba kong story drafts.
BINABASA MO ANG
FADED ✔
General FictionFord Sibling's Series no. 1 'Love is always sweet' that's how Lance Asher, a twenty-three-year-old writer defines Love. It is proven because of the everlasting love of his parents for each other. He can easily write a great love story. In just a sna...