Binagtas ko gamit ang motor ko ang daan patungo sa bahay nila Pia, Kasunod ko si Carlo na noon ay naka motor din. Panay ang tingin ko sa sasakyan ni Pia na naka sakay din ang mangilan ngilan naming katrabaho na walang sasakyan. Kasunuran namin ang iba pa naming katrabaho na naka kotse.
Hindi naman ganon kalayo ang kinaroroonan ng bahay nila dahil matapos ang bente minuto ay narating namin ang puting bahay na may itim na gate. Hindi iyon ganoon kalaki katulad ng bahay namin na may limang naka tira, ang bahay kasi nila ay parang sakto sa tatlo o dalawang tao lamang.
Naisip ko tuloy kung sino sino ang mga kasama nito sa bahay.
Syempre hindi ako interesado! Curious lang! Magkaiba ang interesado saka curious! Tss..
Pero.. Hindi ba parang iisa nga lang 'yon?
Ah, basta! Hindi ako curious! Hindi talaga!
Pinagmasdan ko ang labas ng bahay at natigilan ng mag ring ang phone ko.
Leigh's calling..
"Hell-"
"Kuya!" Nailayo ko ng bahagya ang phone ng marinig ang malakas na boses ni Leigh.
"Oh?" Sagot ko.
"Anong oras ka daw uuwi?" Tanong nito.
Tiningnan ko ang relong suot.
Alas sais pa lang.
Ganito talaga si Mommy. Kapag wala kami sa bahay ay panay ang tanong kung anong oras kami uuwi o kung sino ang kasama namin. Sa totoo lang ay panatag ang loob nila kapag si Carlo ang kasama ko, kahit kasi mukha itong hindi katiwa-tiwala ay hindi ito masiyadong nasasangkot sa mga hindi normal na aktibidad ng isang tao. Sa madaling salita maganda ang record ni Carlo sa mga magulang ko.
Sa totoo lang ay mas mahigpit kay Leigh at Lyanna si Ermats at Erpats, siguro ay dahil babae. Madalas mangulit tuwing umaalis ako si Mommy. Hindi ito napapakali. Kung hindi siya tatawag ay uutusan niya ang mga kapatid ko na tawagan ako.
Hindi rin pwedeng Hindi kami magpaalam kung saan kami pupunta dahil tiyak na tiyak ng uusbong ang digmaan sa loob ng bahay namin. Maging si Daddy ay hindi rin makakaligtas sa paglilitis at magmumukha itong kinukunsinti kami.
Ayaw naman namin mangyari iyon kaya sa ayaw at sa gusto namin ay kailangan naming mag update sa kanila.
"Sa tingin ko ay mga alas nuebe." Sagot ko.
"Okay-Mom! mga ten o'clock daw!" Sigaw nito.
"Hoy! Bakit 10? Sabi ko 9!"
"Eh.. Ganon na din 'yon. In-adjust ko lang. Thank me later." Maarte pang sabi nito. "Ano nga pa lang handa?" Tanong nito.
Tulad nga ng sinabi ko ay nakapag paalam na ako sa kanila na may pupuntahan akong handaan ng isa kong katrabaho. Hindi pwedeng hindi sila ma-inform.
"Hindi ko alam.. Kararating lang namin." Sabi ko saka lumingon sa gilid. Naroon si Carlo na humihithit ng sigarilyo nito. Halatang inaantay akong matapos ang phone call para sabay kaming pumasok sa loob.
"Uwian mo naman ako ng leche flan.." Request nito.
Napa ngiwi ako.
"Ayoko nga! Nakaka hiya 'no! Tsaka hindi ko alam kung may handa bang leche flan."
"Edi, kahit ano na lang.."
"Tumigil ka, Leigh! Napaka daming pagkain diyan sa bahay! Imulat mo lang ang mga mata mo ng mahanap mo!" Tutol ko. "Sige na.. Bye!" Paalam ko saka pinatay ang phone call.
BINABASA MO ANG
FADED ✔
General FictionFord Sibling's Series no. 1 'Love is always sweet' that's how Lance Asher, a twenty-three-year-old writer defines Love. It is proven because of the everlasting love of his parents for each other. He can easily write a great love story. In just a sna...