Chapter 25: I'm with you

53 4 0
                                    

"Aaaaaaahhhh!!! Sigaw ko saka nag tungo sa bathtub at nagtago doon sa kurtina.

"Aria? A-anong ginagawa mo dito?!" Tanong ko habang naka silip sa kurtina. Nangangatog ako sa gulat dahil sa nangyari.

"Hindi ko alam na nandito-"

"Paano ka naka pasok?!" Tinanaw ko ang pintuan at inalala Kung nai-lock ko ba 'yon. "Teka! Ni-lock ko 'yan! Paano ka naka pasok ha?"

Inosente itong tumingin sa wall na kinatatayuan.

Nanghihina akong napa Kapit sa kurtina ng maalala na kaya pala nitong tumagos sa mga pader.

"Bakit ka tumagos! N-naliligo ako!" Sabi ko. "Naka hubad ako!" Sigaw ko. "T-teka, n-nakita mo?"

Natigilan ako ng Makita ang pagkagat nito sa mapuputlang labi saka muling tumitig sa akin.

"M-manyakis ka!" Sigaw ko.

Tumawa lang ito.

"M-manyakis kang multo ka! Lumabas ka nga dito!"

Naningkit ang mga mata nito saka naka ngiting tumitig muli sa akin. Mabagal muling tumingin ito sa mukha ko pababa sa maselan kong parte.

Isiniksik kong maigi ang katawan sa kurtina.

"Ano ba! Labas sabi!" Sigaw ko.

Humalakhak ito.

"Labas!"

Humalakhak itong muli.

"Aria!"

"Oo na. Lalabas na. Ang sungit nito! Gusto ko lang naman Makita ang kabuuan ng kwartong 'to." Sabi nito. "At nasukat ko na.. Malaki pala." Dagdag nito saka tumingin sa ibabang parte ko na ikinalaki ng mga mata ko.

"Labas na!" Muli kong sigaw.

Pigil ang tawa nito at nag laho sa paningin ko.

Napa Buga ako ng hininga ng mawala ito.

"Aria! Wala ka na?!" Tanong ko habang ginagala ang paningin sa loob ng banyo.

"Wala na." Sagot nito.

Nanlaki ang mga mata ko.

"Hoy! Ano ba?! Sabi ng umalis ka eh!"

Narinig ko ang pag tawa nito.

"Tinawag mo kasi ako." Dahilan nito.

"Kahit na!"

Muli ko pang narinig ang pag tawa nito saka tumahimik ang paligid.

Pinakiramdaman ko Muna ang paligid bago lumabas sa tinataguan kong kurtina.

Napa sabunot ako sa sariling buhok at napahilamos sa mukha.

Pinabibilis ng babaeng iyon ang tibok ng puso ko.

Wala sa loob akong napa tingin sa ibabang parte ng katawan ko ng may ma-realize ako dahil sa biglang pag init ng temperatura.

"F*ck sh*t! That girl will be the death of me!" Sigaw ko saka marahas na binuksan ang shower at matagal na ibinabad sa lumalagaslas na tubig ang nag iinit kong katawan.

Matapos kong maligo ay naupo ako sa ibabaw ng kama saka nag punas ng buhok.

Saglit akong natigilan saka dinama Kung nakikipag paligsahan pa ba ang puso ko dahil sa Sobrang biliss ng tibok nito.

"Damn it!" Singhal ko.

Agad kong nilingon ng bumukas ang pinto ng kwarto. Doon pumasok si Carlo na noon ay napaka ganda ng ngiti sa akin.

FADED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon