Chapter 27: Visit

49 4 1
                                    

Ilang oras lang ay narating namin ang brown na Bahay. Puti ang Hindi kataasan na gate, katulad sa Bahay ay napaka daming iba't ibang klase ng Halaman na maayos na naka tanim sa mga Paso na nandoon.

"Aling Nita! Tao po?" Sigaw ni Mommy.

"Walang doorbell?" Rinig kong sabi ni Leigh na agad kong sinamaan ng tingin. Ngumiwi lang ito saka muling kinalikot ang dala dala na camera.

Matapos ang ilang beses pang pag tawag ay lumabas ang isang lalaki na naka suot ng puting t-shirt at gray na shorts.

"Harry!" Ngiting ngiting sigaw ni Mommy saka sinalubong ang lalaki. Ganoon din si Daddy na bakas ang matinding tuwa ng Makita ang lalaki. Ito na siguro yung kaibigan nila na tinutukoy.

"Long time no see!" Niyakap nito ang mga magulang namin saka dumapo ang tingin sa aming magka kapatid. Ngumiti ito. "Pasok kayo. Pasok!"

Pag pasok sa loob ng garden ay agad na naglikot ang paningin ko. Dumapo ito sa puting Lamesa na may apat na upuan katapat ang kulay dilaw na mga bulaklak. Napa isip ako bigla at inalala Kung saan ko nga ba Nakita ang ganung klase ng set up sa garden.

Pamilyar na pamilyar sa akin ang pagkaka ayos niyon maging ang bulaklak.

"Kuya... Let's go inside.." Rinig kong sabi ni Lyanna.

Natauhan ako at agad na pumasok sa loob.

"Wow! Ang ganda naman po ng Bahay niyo! Look at the painting here, mukhang mamahalin!" Rinig kong sabi ni Leigh.

Nadatnan namin sa loob ng sala ang isang matandang babae na naka upo sa wheelchair. Bagaman matanda na ay Kita sa mukha nito ang kasiyahan ng Makita kami.

"Harry, sila nga pala ang mga anak ko. Si Lance, yung panganay ko." Tukoy nito sa akin.

Tinitigan ako nito. "Siya na ba yung inaanak ko?"

Natigilan ako.

"Oo.."

"Naku! Napaka dami ko palang utang sa iyo. Ni Hindi namin nasubaybayan ang pag laki mo." Sabi nito. Inilapag ng babaeng kasambahay ang bote ng juice sa harap namin.

Ngumiti ako.

"Tagal niyo kasi sa ibang bansa." Sabi ni Mommy. "Siya naman si Leigh."

"Hello, po! It's nice to mee you po!" Masayang sabi ni Leigh na bumeso pa sa lalaki. Napa ngiwi si Lyanna sa ginawa nito.

Tumawa ang lalaki. "Nice to meet you too, Leigh. Alam ko na Kung kanino ka nag mana." Sinulyapan nito si Mommy na agad dumapo kay Daddy saka nag tawanan ang dalawa.

"Siya naman si Lyanna. Bunso ko."

Tipid na ngumiti si Lyanna saka inilahad ang kamay dito.

"Please to meet you, sir." Pormal nitong sabi.

Gulat itong tumingin kay Daddy. "Wow! Now, that's the Axel vibe!" Hindi makapaniwalang sabi nito. "Please to meet you too, young lady."

Tumango lang si Lyanna sa sinabi nito.

"So, are you still working?" Tanong nito kay Mommy. Umiling ito.

"Focus na ko sa mga anak ko. Si Axel naman siya na yung nag take over sa company ng Lolo niya." Kwento ni Mom.

"So, wala ka na sa Wilstone?" Tanong nito.

Agad akong napa tingin dito.

Ganon yata talaga sila ka-close at katagal na magka kilala dahil maging ang Pagtatrabaho ni Mommy ay alam nito.

Ngumiti si Mommy.

"Si Lance. Siya na yung napasok ngayon sa Wilstone."

Gulat na tumingin sa akin yung lalaki.

FADED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon