"Mag iingat kayo.." Paalala ng Lolo ni Carlo. Pabalik na kami ng Manila ni Carlo dahil nangako ako kay Mommy na sasamahan ko siya pag bisita sa kaibigan niya sa Ilocos. Nabanggit na rin na isinama na ang buong pamilya ko doon kaya naman kahit gustuhin kong i-enjoy at sulitin ang ganda ng Bulacan ay kinailangan ko ng mag impake para masamahan ang Mommy ko.
"Salamat 'ho." Sabi ko saka nag mano dito.
Ngumiti ito saka hinawakan ako sa kamay.
"Hindi kita natulungan.. Patawarin mo ako." Sabi nito.
Natigilan ako.
"N-nako po! Ayos lang 'ho. Naiintindihan 'ho kita." Naka ngiti kong sabi.
"Huwag kang mag alala. Susubukan ko parin na alamin ang tungkol dito tapos ay sasabihan kita."
Napa kamot ako sa batok.
"Salamat po."
Yumakap ako dito.
"Alis na kami 'lo! Ingat ka dito ha? Bibisita ulit ako dito sa susunod na buwan." Sabi ni Carlo saka yumakap sa Lolo niya.
"Aasahan ko 'yan!" Biro nito.
Muli ay nag paalam kami dito saka sumakay ng tricycle.
"Biyahe na ulit!" Sabi ni Carlo saka inilabas ang cellphone. "So, anong plano mo?" Tanong nito.
Nanatiling sa labas ang tingin ko saka bumuntong hininga.
"Ayaw na ni Aria na sumubok tayo ulit malaman kung sino ba siya. Aantayin na lang daw niya ang panahon kung kailan siya tuluyang mawawala dito.." Sabi ko.
"Napaka misteryoso naman kasi ng hinahanap natin. Ang hirap pag tagpi-tagpiin." Sabi ni Carlo.
Hindi ako sumagot.
Sa totoo lang ay nanggigigil pa akong malaman ang lahat kay Aria.
Kahit.. Kahit yun na lang siguro..
Kaso ay ang hirap din malaman ang pagkatao nito. May mga nawawalang pira-piraso na impormasyon at nakaka windang ang pagkawala niyon.
Madaling araw na ng makarating ako sa bahay. Tahimik na ang paligid dahil madaling araw na rin at nasa kalagitnaan ng mahimbing na pagka tulog ang mga tao sa bahay.
Inihatid ko muna si Carlo sa bahay nila para masiguro ang kaligtasan nito. Ayaw kong madamay sa mas malalim na kababalaghan si Carlo lalo pa ngayon na tinulungan ako nito. Masyadong mabait si Carlo para pagdaanan niya ang mga nakaka takot na pinagdaanan ko.
Madilim ang loob ng bahay na dinatnan ko. Tahimik at malamig. Naupo ako sa sala matapos buksan ang lampshade na nasa side table saka isinandal ang ulo sa sofa at pumikit. Ramdam na ramdam ko ang pagod sa buong katawan ko sa biyahe namin ni Carlo.
Marahan kong iminulat ang mga mata ng maramdaman ang mabagal na pag haplos ng hangin sa balat ko. Malamig iyon at nadadala ng kakaibang at hindi maipaliwanag na pakiramdam sa buong pagkatao ko.
Inilibot ko ang tingin sa paligid at kunot noong napa bangon ng makitang nasa gitna ng malawak ng garden naka pwesto ang hinihigaan kong kama. Puno ng makulay at mabangong bulaklak ang garden na iyon. Iba't ibang klase ng bulaklak. Halatang inaalagaan dahil maganda ang pagkaka tubo ng mga iyon sa bawat pasong kinalalagyan.
Nagtataka man ay umalis ako sa ibabaw ng kama ko saka tumayo. Muli kong inilibot ang tingin sa nagagandahang garden na iyon saka dumako ang tingin ko sa babaeng naka talikod habang mabagal na kumakanta. Rinig ko ang pag lagaslas ng tubig dahil sa pag didilig nito sa mga halaman.
'I was born.. to tell you I love you.. And I am torn.. to do what I have to.. to make you mine.. stay with me.. tonight..'
Pinagmasdan ko ang babaeng iyon na naka suot ng dilaw ng bistida at itim na sandalyas. Mahaba ang itim na itim nitong buhok na umabot hanggang beywang. Hindi ko makita ang mukha sapagakat ito'y naka talikod.
BINABASA MO ANG
FADED ✔
General FictionFord Sibling's Series no. 1 'Love is always sweet' that's how Lance Asher, a twenty-three-year-old writer defines Love. It is proven because of the everlasting love of his parents for each other. He can easily write a great love story. In just a sna...