Marahan kong iminulat ang mga mata ng maramdaman ang mabagal na pag haplos ng hangin sa balat ko. Malamig iyon at nadadala ng kakaibang at hindi maipaliwanag na pakiramdam sa buong pagkatao ko.
Inilibot ko ang tingin sa paligid at kunot noong napa bangon ng makitang nasa gitna ng malawak ng garden naka pwesto ang hinihigaan kong kama. Puno ng makulay at mabangong bulaklak ang garden na iyon. Iba't ibang klase ng bulaklak. Halatang inaalagaan dahil maganda ang pagkaka tubo ng mga iyon sa bawat pasong kinalalagyan.
Nagtataka man ay umalis ako sa ibabaw ng kama ko saka tumayo. Muli kong inilibot ang tingin sa nagagandahang garden na iyon saka dumako ang tingin ko sa babaeng naka talikod habang mabagal na kumakanta. Rinig ko ang pag lagaslas ng tubig dahil sa pag didilig nito sa mga halaman.
'I was born.. to tell you I love you.. And I am torn.. to do what I have to.. to make you mine.. stay with me.. tonight..'
Pinagmasdan ko ang babaeng iyon na naka suot ng dilaw ng bistida at itim na sandalyas. Mahaba ang itim na itim nitong buhok na umabot hanggang beywang. Hindi ko makita ang mukha sapagakat ito'y naka talikod.
Sinubukan kong lapitin iyon pero para bang naka pako ang mga paa ko sa kinatatayuan kung kaya hindi ko iyon maihakbang. Ibinuka ko rin ang bibig sa pagbabaka sakaling tawagin ito at tanungin pero walang boses na lumalabas sa bibig ko.
Nakaramdam ako ng takot.
Sandali kong tinitigan ang mga paa ko pero para itong naka dikit sa madamong sahig. Naramdaman ko na ang pag tulo ng sariling pawis at mabilis na pag tibok ng puso ko.
Ibinalik kong muli ang tingin sa babaeng naka talikod. Patuloy ito sa pag didilig na para bang hindi ramdam ang presensiya ko.
Nanlaki ang mga mata ko ng tumigil ito pag didilig saka dahan dahang pumiti paharap sa akin at-
"Kuya! Lola's here!" Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang malakas na boses ni Leigh kasabay ang sunod sunod nitong pagkatok.
Mabilis kong ginala ang paningin saka naka hinga ng maluwag ng ma-realize na nasa loob ako ng kwarto ko.
Panaginip lang pala.
"Kuya!-"
"Coming!" Sigaw ko saka bumangon. Hindi na ako naka rinig ng pag tawag pa. Dumiretso ako sa banyo saka mabilis na naligo.
Napabuntong hininga ako ng hawakan ang door knob.
Hindi ko alam eh, pero baka ko nasa ibang lugar ako pag labas ko ng kwarto ko. O baka nandoon na naman ako sa garden na 'yon at makikita ko na naman ang babaing iyon na nagbibigay ng kilabot sa akin.
Pucha! Napa paranoid ako dahil sa panaginip na 'yon! Bading ka, Lance! Bading!
Pinihit ko ang doorknob saka mula sa hawak ko ay inangat ko ang tingin sa labas.
"Put- Lyanna! A-anong ginagawa mo diyan?!" Ninenerbiyos kong tanong sa bunso kong kapatid. Blangko ang mukha nito habang naka taas ang kamao na tila ba kakatok pa lang sa tapat ng pintuan ko.
"Pinapatawag ka na nila. Everyone's waiting for you.." Kalmado nitong sabi.
Nangunot ang noo nito ng hindi ako sumagot.
Kinakain na ako ng sistema ng bwiset na panaginip na 'yon!
"What's wrong? You look-"
"Nothing. Let's go.." Aya ko dito saka ito inakbayan na agad nitong inalis at inunahan ako pag baba.
Yan si Lyanna. Ayaw niyang inaakbayan siya kahit pa kapatid niya ako o maging si Daddy. Hindi niya hinahayaang may umakbay sa kanya ng hindi hinihingi ang permiso niya.
BINABASA MO ANG
FADED ✔
General FictionFord Sibling's Series no. 1 'Love is always sweet' that's how Lance Asher, a twenty-three-year-old writer defines Love. It is proven because of the everlasting love of his parents for each other. He can easily write a great love story. In just a sna...