"What the hell is happening?" Wala sa loob at tulalang tanong ni Leigh matapos namin lumabas sa kwartong iyon. Nasa loob ang dalawang doctor at nurse Kasama ang mga magulang ni Aria. Naiwan din sa loob si Pia na Panay ang pag iyak.
Naka tayo ako sa tapat ng pintuan at naka tungo.
Noong araw na malaman ko ang lahat ng iyon sa tulong ng orasyon ng Lolo ni Carlo ay nagpasya akong huwag na munang sabihin kay Aria. Mabibigla ito at Hindi ko kayang sabihin sa Kanya ang dahilan ng pagkaka hiwalay niya sa sariling katawan at Kung bakit nagka ganoon siya.
Sinubukan kong intindihin lahat maging ang bawat weirdong galaw ni Pia. Napag tagpi tagpi ko na ang bawat eksena mula sa mga panaginip ko noon hanggang sa mapait na trahedyang iyon.
Tadhana na ang nagdala sa akin sa lugar na ito para matulungan si Aria. Sa kagustuhan kong matulungan siya maging ang tadhana ay nangialam na. Salamat dahil maayos na ang lahat.
"Anak? Enlighten us, please.." Naguguluhan na sabi ni Mommy.
Katabi nito si Daddy habang nasa Kabila naman nito si Leigh at Lyanna.
"May third eye ako, Mom.. I can see and talk to ghosts. I can interact with them.." Sabi ko.
Inangat ni Daddy ang tingin sa akin.
"We knew...
Agad ko itong tiningnan. Gulat din na napa tingin si Leigh habang kalmado naman na naka tanaw sa amin si Lyanna. Hindi nababakas ang gulat o anumang senyales na nabigla ito sa narinig. Halatang may alam sa nangyayari sa akin.
"Y-you knew?"
Tumango ito.
"Madalas na namin napapansin noon na may mga tao kang kinakausap at itinuturo sa amin pero Hindi namin iyon nakikita. May mga imaginary friends ka rin noong bata ka pa... Pero..." Sabi ni Mommy saka tumingin sa akin. "Akala ko ay.. nawala na iyon ng mag binata ka na."
Umiling ako.
"It's still here, Mom." Sabi ko. "Hindi ko na sinabi sa inyo dahil nasanay na ako sa mga nakikita ko."
Naka kunot ang noo kong nilingon si Pia ng lumabas ito sa pintuan kung saan naroon ang kinaroroonan ni Aria.
Lumuluha itong tumingin sa akin saka humahagulgol na niyakap ako. Ikinagulat ko ang ginawa niyang iyon.
Nanlalaki ang mga matang nilingon ko ang pamilya ko na bakas na bakas ang gulat sa mukha.
"And you still have the audacity to hug my brother?!" Mataray na sabi ni Leigh. Nakapameywang ito habang galit na naka tingin kay Pia.
Isiniksik ni Pia ang katawan sa akin habang umiiyak.
"Stay away from my brother!" Sigaw ni Leigh saka inalis si Pia sa pagkaka yakap sa akin.
"Leigh! Anak!" Si Mommy.
"How dare you do that to your own sister?!" Tanong nito.
"She. is. not. my. real. sister!" Sigaw pabalik ni Pia. Marahas nitong pinunasan ang mga luha.
Napa singhal si Leigh saka humakbang palapit kay Pia.
"So, what?!" Tumindig ang kapatid ko ng makalapit kay Pia.
"Leigh.. Stop!" Saway ko.
Hindi nagpa tinag si Leigh. Hinawakan ito ni Mommy at Daddy pero nag aapoy sa galit ang tingin nito kay Pia.
"Tao ka ba? Oo nga, hindi mo siya tunay na kapatid pero sana inisip mo din na yung ginawa mo ay hindi gawain ng matinong tao!" Sigaw nito. "How dare you kill such an innocent people? How dare you?! Wala ka bang konsensya? Why did you do that?!"
BINABASA MO ANG
FADED ✔
General FictionFord Sibling's Series no. 1 'Love is always sweet' that's how Lance Asher, a twenty-three-year-old writer defines Love. It is proven because of the everlasting love of his parents for each other. He can easily write a great love story. In just a sna...