WARNING!!
Kung sensitibo ka ay hindi para sayo ito.
Ang mga kakaibang bagay na mababanggit sa kabanatang ito ay pawang galing lamang sa malawak at malikot kong imahinasyon. Wala akong kinalaman sa anumang gawain patungkol sa itim na mahika na mababanggit sa istoryang ito. Malawak na pag iintindi ang kinakailangan. Maraming Salamat!
***
Marahan kong iminulat ang mga mata ng maramdaman ang mabagal na pag haplos ng hangin sa balat ko. Malamig iyon at nagdadala ng kakaiba at hindi maipaliwanag na pakiramdam sa buong pagkatao ko.
Inilibot ko ang tingin sa paligid at kunot noong napa bangon ng makitang nasa gitna ng malawak ng garden naka pwesto ang hinihigaan kong kama. Puno ng makulay at mabangong bulaklak ang garden na iyon. Iba't ibang klase ng bulaklak. Halatang inaalagaan dahil maganda ang pagkaka tubo ng mga iyon sa bawat pasong kinalalagyan.
Nagtataka man ay umalis ako sa ibabaw ng kama ko saka tumayo. Muli kong inilibot ang tingin sa nagagandahang garden na iyon saka dumako ang tingin ko sa babaeng naka talikod habang mabagal na kumakanta. Rinig ko ang pag lagaslas ng tubig dahil sa pag didilig nito sa mga halaman.
'I was born.. to tell you I love you.. And I am torn.. to do what I have to.. to make you mine.. stay with me.. tonight..'
Pinagmasdan ko ang babaeng iyon na naka suot ng dilaw ng bistida at itim na sandalyas. Mahaba ang itim na itim nitong buhok na umabot hanggang beywang. Hindi ko makita ang mukha sapagakat ito'y naka talikod.
Sinubukan kong lapitin iyon pero para bang naka pako ang mga paa ko sa kinatatayuan kung kaya hindi ko iyon maihakbang. Ibinuka ko rin ang bibig sa pagbabaka sakaling tawagin ito at tanungin pero walang boses na lumalabas sa bibig ko.
Nakaramdam ako ng takot.
Sandali kong tinitigan ang mga paa ko pero para itong naka dikit sa madamong sahig. Naramdaman ko na ang pag tulo ng sariling pawis at mabilis na pag tibok ng puso ko.
Ibinalik kong muli ang tingin sa babaeng naka talikod. Patuloy ito sa pag didilig na para bang hindi ramdam ang presensiya ko.
Nanlaki ang mga mata ko ng tumigil ito pag didilig saka dahan dahang pumiti paharap sa akin at-
Aria?!
Si Aria ang babaeng nasa panaginip ko!
Nagitla ako ng makita itong ngumiti sa akin.
Nakikita niya ako?
Hindi ko halos magawang lumingon ng makaramdam ako ng presensya sa likuran ko.
Lumakad iyon saka nilapitan ni Aria.
Nakatalikod ang babae sa akin habang si Aria naman ay naka ngiting kinakausap ito.
Wala akong marinig sa pinag uusapan ng dalawa at hindi ko rin maintindihan kung nakikita ba nila ako o hindi.
Pinagmasdan ko ang babaeng naka talikod. Naka tali ang buhok nito. Maputi, mataas lang ng kaunti kay Aria, naka itim itong t-shirt at naka maong na shorts.
"Pwede mo ba akong bilhan ng bulaklak sa bayan?" Tanong ng babae.
"Oo naman! Anong klase ng bulaklak ba?" Naka ngiting sabi ni Aria.
"Kahit ano.."
"Sumama ka na lang kaya sa akin para maka pili ka?"
Umiling ang babae.
BINABASA MO ANG
FADED ✔
General FictionFord Sibling's Series no. 1 'Love is always sweet' that's how Lance Asher, a twenty-three-year-old writer defines Love. It is proven because of the everlasting love of his parents for each other. He can easily write a great love story. In just a sna...