"Kailan ka ba namin makikitang mag dala ng babae dito sa bahay Lance?" Tanong ni Tito Brylle na hinihiwa ang nakalagay na karne sa ibabaw ng plato ng anak.
Natigilan ako at napa tingin dito.
"Ano bang klaseng tanong yan, Brylle?" Kunot noong tanong ni Mommy.
Naka hinga ako ng maluwag.
Mukhang kakampi ko si Ermats ngayon.
"Bakit? Ilang taon na ba yang gwapo kong pamangkin? Dapat ay may mga chicks na yang inuuwi dito." Dahilan ni Tito Brylle.
Nakita ko ng ngiwian ako ni Lyanna dahil sa narinig.
Pareho tayo little sis! Ayoko din mag uwi dito sa bahay na 'to ng kung sino sino lang na babae.
"Dapat ba ay maraming chicks ang anak ko? Hoy, Brylle! Wag mo ngang turuan ng ganyan ang anak ko dahil wala ka din naman maraming chicks na dinala sa bahay!" Inis na sabi ni Mommy.
Napa iling ako.
"Hoy! Wag mo ngang sabihin yan. Bakit ikaw? Si Axel lang naman ang naging boyfriend mo ah?" Pang aasar din ni Tito Brylle.
Natawa ako.
"Psh! Whatever!" Sabi ni Mommy saka inirapan ito. "Pero anak.. Kailan ka ba magpapa kilala ng girlfriend dito-"
"Mom??" Gulat kong tanong.
Right. Hindi ko siya talaga kakampi.
"Eh baka maunahan ka pa ni Leigh mag dala ng chicks niyan dito." Sabi ni Mommy.
Nangunot ang noo kong napa tingin kay Leigh na gulat din sa sinabi nito.
"Leigh? May boyfriend ka na?" Tanong ko.
Napa hawak ito sa dibdib sa gulat. "Me? Wala ah?" Tanggi nito saka muling kumain.
"Lance." Tawag ni Mommy sakin saka ngumuso. "Gusto na kita makitang mag girlfriend." Sabi nito.
"Mom.."
"Bianca." Agad kong nilingon ng mag salita si Lola Maxinne na noon ay nag pupunas ng bibig gamit ang tissue. "Huwag mo munang i-pressure ang anak mo sa pagkakaroon ng nobya." Sabi nito.
Naka hinga ako ng maluwag sa narinig.
Thank's My beautiful Lola.
"Eh.. Mommy-"
"Dadating din yan sa kaniya anak.. Hayaan mo muna siyang mag enjoy sa pagiging binata." Dagdag nito saka ngumiti sa akin. "Mag focus ka muna sa pag tupad ng mga pangarap mo sa buhay. Bumuo ka muna ng sarili mong bahay ng may maipagmalaki ka sa babaeng liligawan mo."
Tumango ako ng naka ngiti.
"Sure, Lola." Sagot ko saka tumingin kay Mommy na naka ngiti kay Lola.
"Eh pano pag nagkaroon na rin ako ng sarili kong bahay? Pwede na rin ako mag boyfriend?" Singit ni Leigh.
"Anong boyfriend? Hindi ka nga marunong mag saing!" Saway ni Mommy. Hindi ko napigilan mapahalakhak ng marinig iyon, maging ang tatahi-tahimik kong bunsong kapatid na si Lyanna ay napalakas ng tawa dahil doon.
Napa nguso ito saka humalukipkip.
"Ang sasama niyo! Daddy! Teach me how to cook!" Sumbong nito kay Daddy na ngingiti ngiti lang sa tabi ni Mommy.
Ngumiwi si Tito Brylle. "Nag salita ang napaka galing sa kusina." Sabi nito na agad sinamaan ng tingin ni Mommy.
"Alam mo, Basher ka eh 'no?" Naka ngusong sabi ni Mommy sa kambal.
BINABASA MO ANG
FADED ✔
Ficción GeneralFord Sibling's Series no. 1 'Love is always sweet' that's how Lance Asher, a twenty-three-year-old writer defines Love. It is proven because of the everlasting love of his parents for each other. He can easily write a great love story. In just a sna...