Marahan kong iminulat ang mga mata ng maramdaman ang kakaibang lamig at mahihinang huni ng mga ibon.
Naka tagilid ako at naka harap sa bintana ng kwarto ko habang yakap ang unan ko sa tagiliran.
Bumungad sa paningin ko ang isang napaka gandang mata mula sa isang napaka gandang dalaga. Titig na titig ito sa akin habang naka patong ang kamay sa ulo at naka harap sa akin. Para bang pinagmamasdan talaga akong matulog at inaantay na magising.
Haay! Kung ganito kaganda ang bubungad sa akin tuwing umaga? I wouldn't mind waking up this early.
Napa ngiti ako.
"Magandang umaga.." Sabi nito sa malamig at malalim na boses.
Napabalikwas ako ng bangon ng ma-realize kung sino iyon.
"Hoy! Ano ba?!" Singhal ko dito saka napasandal sa headboard.
Hindi ito sumagot.
"Anong ginagawa mo dito?! Bakit ka nandito?! Trespassing ka!" Sabi ko saka binalot ng kumot ang sarili kong katawan.
Tiningnan ako ng babae na halatang nagulat sa sinabi ko.
"Nakalimutan mo?" Tanong nito.
"Ang alin?"
"Yung sinabi mo sakin kagabi?"
Natigilan ako.
Anong sinabi ko? May sinabi ba ko? Sh*t! Lasing na lasing ba ako kagabi? Parang hindi naman. Sa katunayan ay nawala ang tama ng alak sa akin dahil sa kababalaghan na nangyari sa bahay ni Pia.
"Alalahanin mo.." Sabi pa nito.
Dahan dahan kong inangat ang tingin dito saka para akong bumalik sa senaryo naming dalawa kagabi.
"Ah.. Thank you.." Sabi ko.
Lumingon ito sa akin ng naka ngiti.
"Mag pahinga ka na." Sabi nito saka muling tumalikod.
"Ah.. Sandali.. Ano.. Dito ka na magpalipas ng gabi." Sabi ko. Natigilan ito sa akmang paglalakad dahil sa sinabi ko.
"Sigurado ka?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
"Oo nga.." Sagot ko saka sumalampak ng higa sa kama.
Puch*! Ako mismo nag sabing dito na muna siya? Ako? Bakit?! Eh multo na siya! Wala ng magtatangka sa kaniya ng masama dahil hindi naman siya nakikita ng normal na tao.
"Naalala mo na?" Tanong nito.
Napa Lunok ako.
"Oo na! Pero kahit na! Hindi ka parin dapat tumititig sa akin kapag natutulog ako!" Sabi ko.
Hindi ito sumagot sa akin at bigla na lang nag laho. Naiwan sa paningin ko ang puting usok.
Napa sabunot ako sa sariling buhok habang naka yuko sa dalawang tuhod ko.
"Kuya!- Ay, wow! Hindi naka lock!" Rinig kong sabi ni Leigh. Bigla ay naka pasok na ito sa loob ng kwarto ko. Suot suot ang uniform nito at handa ng pumasok.
Inangat ko ang tingin dito.
"Bakit ganiyan itsura mo?" Tanong nito.
Inalis ko ang kumot at tumayo saka umunat unat.
"Late ka na nagising. Mag prepare ka na daw." Sabi pa nito saka ako tinalikuran.
Napa hilamos ako sa sariling mukha.
I wouldn't mind waking up this early pala, ha?! Eh late na!
Ginugulo ng multong iyon ang buong sistema ko! Tsk! Bakit ba kasi dito ko pa iyon pinalipas ng gabi?
BINABASA MO ANG
FADED ✔
General FictionFord Sibling's Series no. 1 'Love is always sweet' that's how Lance Asher, a twenty-three-year-old writer defines Love. It is proven because of the everlasting love of his parents for each other. He can easily write a great love story. In just a sna...