"Lance, ano man ang mangyari wag mo sana akong kalimutan."
Lalo akong natigilan ng marinig iyon. May kung anong kumirot sa puso ko dahil sa sinabi niyang iyon.
Ano bang ibig niyang sabihin na wag ko siyang kakalimutan? Bakit ko siya kakalimutan?
"A-anong.. Ibig mong.. sabihin?" Kinakabahan kong tanong.
Inalis nito ang tingin sa akin saka humarap sa bintana. Naka tagilid na ito sa akin habang malayo ang tingin sa maliwanag na labas.
"Pakiramdam ko kasi ay matatapos ang araw na 'to na hindi na ulit kita makakasama. Pano kung.. mag tagumpay siyang malaman ang pagkatao ko? Kung makita ko ulit ang pamilya ko o kaya naman ay.. tuluyan na akong.. mawala sa paningin mo.." Sabi nito. Bakas ang lungkot sa boses at buong pagkatao nito.
Mawawala siya sa paningin ko? Ibig bang sabihin 'non ay tuluyan na siyang mamamahinga at aakyat ng langit? Katulad ng paniniwala ng mga tao? Hindi ko na ba siya makikita bilang kaluluwa? Kahit kailan?
Nakaramdam ako ng pagkalito.
Hindi ba dapat ay maging masaya ako? Sa wakas ay makakapag pahinga na siya ng tuluyan. Sa wakas ay naka tulong ako sa kaniya.
Bakit parang nalungkot ako sa ideyang maiiwan ako? Na iiwanan niya ako? Na mawawala ang presensiya niya sa buhay ko habang ako ay habang buhay ko siyang maaalala.
"P-pero.. 'yon naman ang dapat mangyari diba?" Tanong ko. Iniwas ko ang tingin ko dito sa takot na makitang muli ang nakaka lungkot nitong emosiyon.
Hindi ito naka sagot.
"I-isipin na lang natin na.. sa wakas ay.. matatahimik ka na." Dagdag ko.
"Hindi ka ba malulungkot?" Tanong nito.
Umangat ang tingin ko dito. Naka harap ito sa akin at titig na titig sa mga mata ko. Hindi ako mapakali. Pakiramdam ko ay hinihigop nito ang buong kaluluwa ko sa klase ng tingin niya sa akin.
"M-malulungkot." Sagot ko na agad iniwas ang tingin ko.
Damn this woman! Pinahihina ang lakas ko bilang lalaki. Hindi ko alam kung bakit ilang na ilang ako sa multong 'to! Kung tutuusin nga ay dapat walang awkwardness sa pagitan namin dahil kaluluwa siya at tao ako! Normal at gwapong tao!
At saka.. Hindi ko naman siya gusto diba?
Diba?
"What's up?! Brunch in Bed!" Sigaw ni Carlo habang bitbit ang isang tray na may pagkain.
Napatayo ako dahil doon.
"Teka! Bakit naman dinala mo pa dito yung pagkain? Pwede naman ako doon sa baba kumain." Sabi ko dito.
Nakaka hiya!
Bakit naman kasi gantong oras pa ako nagising? Tanghali na! Kung nasa bahay ako malamang ay binulabog na ako ng magagaling kong mga kapatid!
"Siguro naman ay hindi mo gugustuhin kumain sa baba ng nakikita ang mga abubot doon ni Lolo?" Sabi nito na inilapag sa isang bilog na lamesa ang tray.
"Oo nga pala." Sang ayon ko.
"Tara, Kaen na." Aya nito saka ako bumangon at umunat unat pa. "Parang ang sarap ng tulog mo ah? Siguro katabi mo si Aria." Ngingisi ngising sabi nito.
"Sira ba ulo mo?! Ikaw kaya katabi ko!" Singhal ko.
"Easy." Tumatawang sabi nito. "Binibiro ka lang eh."
"Wag mo kong biruin." Sabi ko at naupo sa tapat nito.
"Bawal ka ng biruin?" Kumunot ang noo ko. "Oh, bakit parang hindi yata maganda gising mo? Hindi pa ba nagpapakita si Aria sayo?"
BINABASA MO ANG
FADED ✔
Fiction généraleFord Sibling's Series no. 1 'Love is always sweet' that's how Lance Asher, a twenty-three-year-old writer defines Love. It is proven because of the everlasting love of his parents for each other. He can easily write a great love story. In just a sna...