"She's been here for almost two months." Rinig kong sabi nung Sabrina. Bakas na bakas sa boses nito ang sakit dahil sa kalagayan ng sariling anak.
"It's so hard to see her like this. It hurts so much." Umiiyak ng sabi nito. "I miss her, Bianca. I miss her so much." Rinig kong sabi nito.
Iniwas ng mga kapatid ko ang tingin sa babae. Halatang nadadala sa pag iyak nito. Ramdam na ramdam kasi ang lungkot at hinagpis sa boses nito. Parang hirap na hirap na sa kalagayan ng anak.
"Sabi ng mga Doctor, mababa na ang chance na gumising pa siya... I can't let her go... I can't." Humahagulgol pang sabi nito.
Agad itong nilapitan ng asawa at hinaplos ang likod.
Nanatili ako sa kinatatayuan. Hindi ko magawang Lapitan ang hospital bed dahil sigurado akong maiiyak rin ako sa sitwasyon ng pamilyang ito. Hindi ko ma-imagine na isa sa amin ang magkaka ganito. Baka Hindi ko rin kayanin.
Namamawis ang palad na nilakad ko ang kinaroroonan ng Hospital Bed.
May Kung anong Kaba ang bumabalot sa akin. Sunod sunod akong napa lunok ng sa wakas ay naka lapit ako.
Iniangat ko ang tingin sa babaeng walang Malay na naka higa.
Nahigit ko ang hininga ng Makita ang mukha nito. Payapa itong natutulog. May tubo na naka lagay sa bibig at may Kung ano anong machine at wires ang naka kabit.
Nanlalaki ang mga matang tinitigan ko ito sa mukha.
Damn!
Ang multong tinutulungan ko ay ang babaeng nakaratay ngayon sa hospital bed at dalawang buwan ng comatose. Ang anak ng Ninong at Ninang ko ay ang multong nakaka usap at nakikita ko.
"A-aria?!" Wala sa loob kong sabi habang Hindi makapaniwala sa nakikita.
Mabilis akong nilingon ng mga Kasama ko sa loob. Nag tatanong ang mga tingin nito ngunit nanatili ang tingin ko sa babaeng nasa Hospital bed.
"What did you say?" Tanong nung lalaki.
"She's-"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ng biglang bumukas ang pinto at mas lalo akong naguluhan ng makilala Kung sino iyon.
"Pia?!" Sabi ko.
Gulat din itong napa tingin sa akin habang hawak ang shoulder bag nito.
"Lance? Anong ginagawa mo-" Hindi na nito natuloy ang sasabihin ng Makita ang mga magulang ni Aria.
"Magkakilala kayo?" Tanong ni Ninong Harry.
Nagka tinginan kami saka dumapo ang tingin ko kay Aria sa Hospital bed.
Tumagos mula sa pader ang kaluluwa ni Aria saka nag aalala na tumingin sa akin.
Naluluha ko itong tinitigan saka muling sinulyapan ang katawan nito na nakaratay.
"Lance... No, please... Don't do this." Nagmamaka awang sabi ni Pia. Lumuluha na ito habang naka tingin sa akin.
"Why?" Tanong ko.
Marahas nitong pinunasan ang luha sa mga mata.
"What is happening? Anak? Lance? Wha is this all about?" Nag aalalang tanong ni Mommy.
Nilunok ko ang sariling laway saka mariin na tinitigan si Pia.
I get it now.
"Mom, I can see and talk to ghosts.." Sabi ko na naka titig kay Pia. Patuloy itong umiiling sa akin para Hindi ko ituloy ang Balak kong pag bunyag sa ginawa niya.
BINABASA MO ANG
FADED ✔
Ficción GeneralFord Sibling's Series no. 1 'Love is always sweet' that's how Lance Asher, a twenty-three-year-old writer defines Love. It is proven because of the everlasting love of his parents for each other. He can easily write a great love story. In just a sna...