Chapter 19: Mission

49 4 1
                                    

"Lance.."

Nanatili akong naka titig sa kinatatayuan kanina ni Aria na noon ay nag laho na sa harap ko. Katulad noong una ay naiwan sa paningin ko ang puting usok nito tuwing nawawala.

"Boss.."

Agad kong nilingon si Carlo. Lumapit ito sa akin.

"Ayos ka lang ba? Namumula ka." Sabi nito na inilibot pa ang tingin sa buong mukha ko.

"N-namumula?"

Tumango ito.

"Hindi ba namumutla?" Tanong ko.

"Hindi. Namumula talaga- Ay! Aha! Alam ko na!" Sigaw nito habang naka turo sa akin at naka ngisi. "Kinikilig ka kay Aria!"

Nanlaki ang mga mata ko.

"A-ano?!"

"You're blushing!"

"A-anong kinikilig?!"

"Kinikilig ka!" Tumatawang sabi pa nito.

"Hindi ah!"

"Ay sus!" Sinukbit nito ang dalang bag saka ngumiti sa akin at tinapik tapik pa ang balikat ko. "Kitang kita ko 'yon at rinig na rinig Lance. Hindi mo na kailangan itanggi."

Sandali pa itong tumigil sa harap ko na parang nag iisip saka ngumisi ng nakaka loko.

"Tara na nga!" Sigaw ko saka nagpatiuna sa paglabas.

Madilim na ang paligid dahil halos malapit ng mag alas siyete. Ang plano ay dadaan muna kami sa bahay bago dumiretso sa biyahe. Hindi ko muna kasi dinala ang mga gamit ko dahil hindi ko talaga trip ang maraming dala dala. Si Carlo naman ay game na game na sumama sa bahay at doon na muna mag hapunan.

Tumigil muna kami sandali pag pasok sa bahay ng may tumawag dito. Pinag iingat siya ng Ate niya dahil gabi ang pinili naming biyahe. Hindi rin kami kumuha ng sasakyan o maski ibiyahe ang mga motor namin dahil tinatamad kaming mag drive kaya pinili namin mag commute.

"Oh, halika! Pasok ka Carlo!" Rinig kong sigaw ni Mommy.

"Hello! Good evening po sa inyo!" Masayang bati ni Carlo kay Mommy. Naroon na rin si Daddy na tutok na tutok sa panonood ng basketball sa TV. Mukhang tapos na ang mga ito kumain. Tumango at ngumiti ito kay Carlo saka ibinalik ang tingin sa pinanonood.

Niyaya kong mag tungo si Carlo sa hapag kainan saka ako nagpalit ng pambahay na tsinelas.

"Si Leigh at Lyanna?" Tanong ko kay Mommy.

"Si Lyanna ay nasa kwarto na niya, nag re-review. May quiz bee daw 'yon na sasalihan bukas, mabuti naman at nagpaalam para masamahan ko." Sabi ni Mommy. Nilapag nito ang dalawang plato sa amin maging ang kanin at ulam.

"Thank you po!" Masayang sabi ni Carlo.

Nginitian ito ni Mommy.

"Mabuti at naka balik ka dito. Tagal mong hindi naka bisita."

Napa ngiwi ako.

"Si Lance po kasi-"

"Where's Leigh, Mom?" Pag iiba ko ng topic.

"Ah, si Leigh-"

"I'm home!" Malakas ang boses na sigaw ni Leigh. "You're beautiful daughter is home!" Maliksi itong humalik kay Daddy saka bumaling sa amin. Natigilan ito pero mabilis na naka bawi ng mamukhaan ang kasama ko. Humalik rin ito kay Mommy.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Mommy.

"Um-attend kasi ako ng workshop for photography." Kwento nito. Sumulyap ito kay Carlo saka ngumiti. "Taas na ako, Mom. Hi Kuya!" Tinanguan ko lang ito saka nagpatuloy sa pag kain.

FADED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon